Magda's POV HABOL hininga akong nagising at naghahanap ng hangin dahil hindi ako makahinga. Naipikit ko uli ang mata dahil sa napakalamig na tubig na bumubuhos sa ulo ko. Bigla akong nanginig na maramdaman ang lamig sa balat ko dagdagan pa ng malakas na hangin na humahampas sa nakatabong kurtina na dumadapo sa kinaroroonan ko. Nagmulat ako ng mata ng wala ng tubig na bumubuhos. Isang sopistikadang babae ang tumambad sa akin. Ito rin ang babaeng kasex ni Steve kahapon. "Anong kailangan mo?" Matapang kong tanong. "Wal, gusto lang kita makita.” Boring niyang sagot. "Bakit mo 'yon ginawa? Anong kasalanan ko sa 'yo?” Tumaas na ang boses ko. "Wala trip ko lang din naboboring kasi ako." Ngumise pa siya at mas lalong uminit ang ulo ko sa babaeng ito. Sino siya para pagtripan ako lalo pa't