Steve's Pov. Hinilot-hilot ko ang sentido dahil sa matinding bangayan namin ng babaeng iyon. Kakaiba talaga siya sa lahat walang kasing tapang at walang kasing itim ang budhi. "Excuse me, boss. Malapit na po tayo sa Isla." Tumango ako sa tauhan ko at agad na binuksan ang laptop. Mawawala ako ng ilang araw dahil kailangan kong asikasuhin ang mga negosyo kong tumatagilid na dahil hindi ko ito natutuunan ng pansin. Bukod pa doon ay uunahan ko na ang Marco na iyon. Alam kong may pinaplano siyang hindi maganda kaya kailangan ko ng ilayo si Magda sa kanya. Hinding-hindi niya makukuha ang babae sa akin dahil hindi pa ako tapos sa kanya. Tanaw ko na ang pangpang nang makarating kami sa Isla. Nagpahuli akong bumaba mula sa yate ng dumaong kami. Pinahatid ko si Kiara sa tauhan dahil hindi s