BIGLANG napaatras ang binata sa narinig. Para siyang nakakita ng multo ng mga sandaling iyon. "Alam mo ba ang hirap at pasakit na ginawa niyo sa akin? Araw-araw akong umiiyak... Oras-oras kong tinatanong ang sarile kung bakit n’yo pinatay ang mga magulang ko. Wala kaming kalaban-laban na pinaslang ninyo! Sabihin mo sa akin ano ang magiging buhay ng walong taong gulang na batang tumira sa sementeryo kasama mga patay! Anong karapatan mong tawagin akong kriminal kung ikaw mismo ang nagturo sa akin na mamatay ng tao! Wala kang alam sa pinag-daanan ko kaya wala kang karapatan husgahan ang pagkatao ko. Ako din ang pumatay kay Mr. Ching! Lahat ng pinatay ko dapat lang sa kanila iyon. Lalong-lalo na ama mo, deserved niya ang ganoong kamatayan!” Sigaw ng dalaga. Subrang sabog ang galit ni Magda a