Magda's Pov. LIMANG araw na buhat ng makalaya si Marco. Sa t'wing kakausapin ako nito ay "Oo o Hinde" lang ang sinasagot ko. Madalas lang ako nagkukulong sa kwarto. Hindi ako lumalabas upang kumain. Kahit na dinadalhan niya ako ng pagkain ay hindi ko ‘yon ginagalaw. Sinasabayan ko si Steve, gusto kong damayan ang hirap niya. Naguguilty ako, alam kong kasalanan ko kung bakit siya ngayon nakakulong. Alam kong hindi siya pinapakain ni Marco. Pinapahirapan niya si Steve kaya gusto ko ding damhin ang hirap niyang pinagdadaanan. HindI ko akalain na sasawayin ako ni Marco. Simula't sapol ako ang nasusunod sa bawat hakbang ko. Sumusunod siya sa mga desisyon ko. Ngayon lang, ngayon niya lang ako sinuway. Ano pa ba ang gusto ni Marco. Bakit mukhang maiinit talaga ang dugo niya kay Steve? Dahi