◇PAT◇ Bigla akong napako at hindi makapaniwalang tiningnan ang lalaking humila sa aking braso. My heart beat erratically when I met his gaze. Nanghihina ang aking mga tuhod sa takot. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking mga kalamnan dulot ng aking pagtakbo kanina. Nabitawan ko ang hawak kong container ng muriatic acid. Umigting ang kanyang panga at mabilis na pinahid ang aking mga luha. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. I'm crying for joy because finally, I feel safe. Ang akala ko ay bigla na lang akong bumalik sa bahay na iyon. I felt safer when he enveloped me in his warm hug. Isinubsob niya aking mukha sa malapad niyang dibdib. Lalo akong napahagulgol sa sobrang tuwa. I never thought I would be seeing him here. "Hush now, my angel." My heart tugged when I felt him caress