◇PAT◇ Isa lang akong ordinaryong office girl. Ordinaryong babae, at higit sa lahat, ordinaryong tao. Nangarap lang akong makakilala ng isang agent at makapagsulat ng nobela. Ngunit hindi ko inakalang ang munti kong pangarap ang magdadala sa'kin sa ganitong sitwasyon. Hindi ko inakalang may kakaibang twist palang nakatadhang mangyayari sa buhay ko. Ilang araw na akong nakakulong sa bahay na 'to. Hindi ko rin alam kung anong lugar ito. Natatakot ako. Natatakot ako na baka habang buhay na lamang akong makukulong dito. Siguradong hinahanap na ako ni Cynthia. Sana maisipan niyang humingi ng tulong sa mga pulis. I'm aching to get out of this place. Rain is obsessed over me. Hindi ko inakalang ganung tao siya. Maayos naman siyang kausap sa chat noon. Even his looks didn't show any hint of dang