"Young Master, it's time." ang sinabi ni Charles kay Wilson nang maabutan nito ang binata sa pinatayo niyang bahay sa isla. Isang malalim na paghinga naman ang pinakawalan ni Wilson bago seryosong tumango sa sinabing iyon ni Charles sa kanya. Kung titignan ang binata ay walang makikitang kahit na kaunting kaba sa mukha nito, pero ang totoo ay sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni Wilson ng mga oras na iyon. Mahigit isang buwan din kasi ang hinintay nito para lang maisakatuparan ang gusto nitong paghihiganti, kahit kailan ay hindi nawala sa puso nito na makapaghiganti sa ginawang p*******t ni Celine sa kanya, at ng pamilya nito. Sa ngayon ay hindi na katulad ng dati ang estado ng pamilya ni Señor Alejandro dahil maliit na halaga na lang ang nanatili sa kanila kumpara noon, at umaasa si Wi