Hanggang sa tuluyang makalabas si Celine sa mansion ay hindi pa din ito makapaniwala na si Wilson na dati niyang asawa ang bagong nagmamay-ari ng hacienda, at mansion na naging tahanan nito magmula kabataan niya. Hindi pa din maintindihan ni Celine kung paanong ang dating mahirap na dating asawa ay bigla na lang yumaman, at nagkaroon ng kakayahan na bilhin ang hacienda, at lahat ng ari-arian ng tiyuhin ng ganoon na lamang, ngunit agad naman niya iyong inalis sa isipan niya. Hindi na naman kasi mahalaga na malaman pa niya kung paano, dahil ang mahalaga para sa kanya ay mapangalagaan ni Wilson ang hacienda na minahal ng kanyang abuelo. Masaya si Celine nang malaman nitong nagbago na ang buhay ni Wilson na siyang ginusto niyang mangyari, lingid sa kaalamanan ni Wilson ay hindi totoong nags