Kung may magagawa lang si Celine para bumilis ang andar ng bus ay ginawa na niya, ngunit wala naman itong magagawa, at hindi naman nito mapipigilan ang naturang sasakyan na huwag ng magsakay pa ng ibang pasahero. Kaya naman walang magawa si Celine kung hindi ang matiyagang maghintay hanggang sa muling umandar ang bus. Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Celine na ganoon-ganoon na lang mawawala ang hacienda sa kanila. Mabigat sa loob ni Celine ang pagkawalang iyon ng hacienda, dahil maliban sa dito na ito lumaki ay alam ni Celine kung gaano kamahal ni Señor Agapito ang haciendang ito na minana pa nito sa kanunu-nunuuan nito. Maliban doon ay masakit din para kay Celine na hindi man lang nag-abala ang tiyuhin na ipaalam sa kanya ang bagay na ito, ginawan pa nito ng paraan para hind