Isang linggo ang hininging palugit ni Wilson kay Charles bago ito magtungo sa Manila, kailangan pa kasi nitong masiguro na magiging maayos ang pagpapatakbo ng island, resort pati na din ang hacienda. Nauna naman si Charles pabalik ng Manila, para paghandaan ang pagsasanay na ito ni Wilson. Inatasan kasi ito ni Master West na siyang personal na mangasiwa sa pagsasanay na iyon ni Wilson. Mabilis na lumipas ang isang linggong hininging palugit ni Wilson kay Charles, hanggang sa dumating na ang huling gabi ni Wilson sa hacienda. Hindi makatulog si Wilson ng gabing iyon, kaya nga naisipan nitong lumabas ng mansion para magpahangin, tahimik lang ito habang nakatingin sa labas ng madilim na kapaligiran. Hindi naman natatakot si Wilson sa kadiliman kaya hindi nito alintana ang bagay na iyon,