"Sir Wilson!" Kasalukuyan na sa vineyard si Wilson nang makarinig siya na may tumatawag sa pangalan niya, at nang tignan nito ang pinanggagalingan ng boses na iyon ay nalaman niyang si Boyet para ang taong iyon. Si Boyet ay isa sa mga tauhan sa mansion, ang mga magulang nito ay kapwa nagtatrabaho sa mansion bilang mga kasambahay. Sandali namang hinintay ni Wilson na makapalit sa kanya si Boyet, at nang makalapit ito ay sandali muna nitong hinabol ang paghinga. "Bakit Boyet? May kailangan ka ba?" ang tanong ni Wilson nang abutan nito ng tubig ang hinihingal na binatilyo. "May naghahanap sa iyo sa mansion Sir Wilson." ang sagot naman nito matapos maubos ang isang bote ng mineral water na binigay sa kanya ni Wilson. "Sino naman iyon?" tanong niya dito. "Iyong kasama po ninyo noong una