Nagpatuloy sa pagmamaneho si Wilson ng walang hintuan, hindi na nga ito tumigil para kumain sa mga nadadaanan nitong mga restaurant, gusto nito kasing makarating na sa Manila para masimulan ang pagsasanay na tinutukoy ni Charles. Magtatanghalian na nang makarating si Wilson sa Manila, ilang oras din ang naging biyahe nito gamit ang Lamborghini, pero kahit ganoon ay wala itong nararamdaman na pagod, para pa ngang may kakaiba itong lakas ng dahil sa excitement na nararamdaman nito. Ilang sandali lang ay nakarating na din si Wilson sa building na binaggit ni Charles sa kanya. Sakto naman nang mag-ring ang cellphone ni Wilson, at nang makitang si Charles ang tumatawag ay dali-dali niya iyong sinagot. "Hello?" ang bungad na sagot ni Wilson. "Nasaan na kayo Young Master?" ang magalang na tan