CHAPTER 5: Masakit na Katotohanan

1650 Words
Hindi makapaniwala si Wilson na marinig na fiancee na ng iba ang kanyang asawa na si Celine, palipat-lipat ang tingin nito kay Celine, at kay Bernand, habang patuloy na naguguluhan. Ilang sandali lang ay napansin marahil ni Bernard na may ibang tao sa labas ng restaurant, at ganoon na lang ang tuwang naramdaman ni Bernard nang makilala nitong si Wilson pala ang taong iyon. "Well... well... well, isn't this the famous househusband Wilson Bonifacio? Hindi ko akalain na nakaligtas ka pala mula sa aksidente mo?" puno ng pang-uuyam na tanong ni Bernard sa binata. Malaki ang galit ni Bernard kay Wilson, dahil pakiramdam ni Bernard ay inagaw niya ang babaeng pinapangarap niya, ngunit lingin sa kaalaman niya ay si Celine mismo ang nakausap dito na magpakasal sa kanya, dahil sa hindi gusto ni Celine na makasal sa kanya. Ngayong hiwalay na si Wilson, at si Celine ay nagawa na ni Bernard ang gusto niya, at iyon ay maging asawa si Celine. Isang buwan na lang ay mangyayari na ang pag-iisang dibdib ng dalawa, at lahat ng kilalang tao sa La Union ay imbitado. "A...anong ibig nitong sabihin Celine?" sinubukan ni Wilson na patatagin ang kanyang boses, ngunit bigo siyang gawin ang bagay na iyon. Agad nag-iwas ng tingin si Celine sa dating asawa, hindi niya kasi magawang tignan ito ng diretso nang dahil sa ginawa niya dito. "Anong ginagawa mo dito?" sobrang lamig na tanong ni Celine. Pakiramdam ni Wilson ay nanlamig ang buong katawan niya nang marinig ang walang emosyon na boses ni Celine, pakiramdam nga ni Wilson ay ibang tao ang kaharap niya, at hindi ang kanyang asawa. Malayong-malayo kasi ito sa asawa niya, bago nangyari ang aksidenteng kinasangkutan nito, hindi man lang nga siya tinanong nito kung kamusta na ang lagay niya matapos niyang ma-coma ng mahigit isang linggo. "Tinatanong pa ba yan? Siyempre nandito ako, dahil nandito ka. Asawa kita, hindi ba?" puno ng agam-agam na tanong ni Wilson. Nanatiling walang imik si Celine sa sinabing iyon ng dating asawa, para ngang wala siyang narinig sa paraan ng hindi niya pagpansin kay Wilson. "Ang lakas naman ng loob mong tawaging asawa ang mapapangasawa ko! Tignan mo nga ang itsura mo, sa tingin mo ba ay magugustuhan ka ni Celine gayong wala kang kuwentang tao."  Parang asido ang mga sinabing iyon ni Bernard, habang nakatingin sa talunang lalaki sa harapan nito, hindi pa din kasi niya matanggap na pinagpalit siya ni Celine sa isang tulad ni Wilson, pero ngayong magpapakasal na sila ay maitatama na ang pagkakamali ni Celine. Nalaman din ni Bernard kay Señor Alejandro na hindi naman pala nagsama sa iisang kuwarto ang dalawa magmula nang makasal ang mga ito, kaya naman malakas ang kutob ng binata na wala pang nangyari sa dalawa, kahit na nga ba dalawang taon na silang kasal. "Huwag kang makialam Bernard, usapan naming mag-asawa ito," may pagbabantang sinabi ni Wilson kay Bernard, ngunit mukhang hindi pinansin ni Bernard ang pagbabantang iyon ni Wilson, dahil nagpatuloy pa din ito sa pangmamaliit nito kay Wilson. "Huwag ka ngang mag-ilusyon, isa ka lang taluna na hindi nakapagtapos ng pag-aaral, wala kang mararating kahit na anong gawin mo, at kahit nga dumi sa sapatos ko ay mas may halaga kaysa sa isang basurang katu..." Ngunit bago pa man matapos magsalita ni Bernard ay isang malakas na suntok ang dumapo sa mukha nito na nagpatumba sa kanya. Akmang susundan pa sana ni Wilson ang suntok na iyon, ngunit natigilan siya nang humarang si Celine, at ganoon na lang ang sakit na naramdaman nito sa kanyang puso nang makita ang galit na galit na itsura ni Celine. "Anong karapatan mong saktan ang mapapangasawa ko?!" galit na galit na tanong ni Celine na agad dinaluhan si Bernard. Pakiramdam ni Wilson ay biglang namanhin ang buong katawan niya matapos marinig ang sinabing iyon ng asawa. Halos madurog ang puso ni Wilson nang makita niya kung paanong masuyo nitong hinawakan ang parte ng mukha ni Bernard na tinamaan ng suntok niya. "Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Celine sa mapapangasawa. Nang masiguradong hindi naman napuruhan si Bernard ay muli niyang binalik ang tingin sa dating asawa na hindi pa din makapaniwala sa sinabi niya kanina. "Mabuti na lang talaga, at natauhan ako na isang walang kuwentang tao pala ang napakasalan ko. Alam mo bang araw-araw akong nagsisi kung bakit tumanggi pa akong maikasal kay Bernard, gayong nasa kanya na ang lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae?" tanong ni Celine. Nanatili lang walang imik si Wilson habang patuloy na pinapakinggan si Celine, hindi pa din makapaniwala ang binata na si Celine na maalalahanin ang nasa harap niya ngayon, at nagsasalita ng masasakit na mga salita. "Guwapo, mayaman, at ginagalang sa lipunan. Ano namang binatbat ng isang talunan, at mal-edukado na taga-islang katulad mo sa katulad ni Bernard."  Pakiramdam ni Wilson ay sinaksak ng paulit-ulit ang puso niya habang pinapakinggan ang masasakit na salitang lumalabas sa bibig ng asawa. "So... totoo ngang ikaw ang may gustong mapawalang-bisa ang kasal natin?" mahinahon na tanong ni Wilson kay Celine. Isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi ni Celine nang marinig ang bagay na iyon, hindi man lang kakikitaan ito ng guilt sa ginawa nitong pagsira sa buhay ni Wilson. Kung tutuusin ay si Wilson ang naging biktima sa nangyari, dahil sa pag-ibig ay pinili niyang tumigil sa pag-aaral, para lang makasama ang babaeng pinakamamahal, dahil buong akala ni Wilson ay worth it si Celine sa lahat ng hirap, panlalait, at pangmamaliit ng lahat ng tao sa kanya nang dahil sa sitwasyon nilang mag-asawa, ngunit mali pala siya. "Oo! Totoo iyon, ang buong akala ko nga ay mamamatay ka na, kaya naisip kong huwag ng ituloy ang annulment, pero kinumbinsi ako ni Tito Alejandro na ituloy pa din ang pagpapawalang-bisa ng pagkakamali kong iyon, dahil baka mabuhay ka pa, at mabuti na lang ay nakinig ako sa kanya." Walang awang sinabi ni Celine sa dating asawa. "Paano mong nagawa sa akin ito Celine? Ikaw ang may gusto na magpakasal tayo, at lahat ng hirap at pagpapahirap sa akin ng mga kamag-anak mo ay tiniis ko para lang sa iyo, pero ganito ang igaganti mo sa akin?" puno ng hinanakit na tanong ni Wilson. "HIndi ko kasalanan kung masyado kang nagpakatanga, at huwag ka ngang makasumbat dahil nahirapan din ako sa relasyon natin, kaya ngang mabuti na itong  naghiwalay tayo. Makakasama ko na ang taong nararapat sa akin, at malaya ka ng gawin ang gusto mo sa buhay. Kaya nga dapat magpasalamat ka pa sa akin." Nakaismid na sinabi ni Celine dito, nang dahil sa narinig, at nalaman ay ang dating pagmamahal sa asawa ay napalitan ng labis na galit dito.. Lahat ng hirap, lungkot, at pangmamaliit na tinago ni Wilson sa kanyang puso ay unti-unting bumangon, hanggang sa binalot na ng labis na galit, at pagkamuhi ang puso niya sa dating pinakamamahal na asawa. Sa isip ni Wilson ay tama ang sinabi ni Celine na masyado siyang nagpakatanga, dahil pinagpalit niya ang kanyang kinabukasan sa isang babaeng hindi naman pala dapat igalang, at mahalin. "Gusto sana kitang imbitahan sa kasal namin ni Celine, pero huwag na lang pala. Hindi ang isang kauri mo ang nararapat na dumali sa kasal ko, kaya good luck na lang." Ang sinabi ni Bernard sa nanatiling tahimik na si Wilson, hindi na din ito nagtagal pa at hinawakan na sa kamay si Celine para makalayo na sila, hanggang sa tuluyan na silang makasakay sa kotse. Nanatili lang nakatingin si Wilson sa dating asawa, hanggang makasakay na ito, at tuluyan ng nawala sa paningin niya ang sinasakyan ni Bernard, at Celine. Isang mapait na ngiti ang nanilay sa mga labi ng binata, nang dahil sa galit na nararamdaman ay hindi niya maiwasang matawa. Buong akala ni Celine ay tumama na siya sa lotto ngayong makakasal na siya sa isang tulad ni Bernard. Oo nga, at kilalang pamilya ang mga Sales sa parteng ito ng pamilya, at umaabot ng daan-daang milyon ang ari-arian ng mga ito, ngunit sa mata ni Wilson ay balewala ang mga iyon ngayong nalaman na niya ang totoo niyang pagkatao. "Buong akala mo talaga ay magiging masaya ka na Celine?" sa loob-loob ng binata. Agad na kinuha ni Wilson ang cellphone na binigay ni Charles sa kanya para kausapin ito, at ilang sandali lang ay sumagot na din ito. "Yes, Young Master. May maipaglilingkod ba ako sa inyo?" magalang na tanong ni Charles sa kabilang linya. "Oo, may gusto akong pabagsakin na angkan sa probinsya namin, maari mo ba akong matulungan?" nag-aalang tanong ni Wilson dito. Alam niyang mayaman ang kanyang tunay na ama, ngunit hindi niya alam kung magagawa ba ni Charles ang pinag-uutos niya, ngunit laking gulat ni Wilson nang marinig ang kasunod na sinabi nito. "Gusto ninyo na bang bumagsak ang angkan na iyan ngayon?" tanong ni Charles na para bang nagtatanong lang ito kung anong gusto niyang kainin ng araw na iyon. Sandaling nag-isip si Wilson, hanggang sa mapagdesisyunan niya na huwag munang gawin ang bagay na iyon. "Not yet, gusto kong pabagsakin mo sila sa mismong araw ng kasal ng isa sa kanila na si Bernard Sales."  Malupit na utos ni Wilson, gusto niyang makitang nagdudusa si Celine sa araw ng kasal nito, kapag nalaman niyang ang bagay na ginusto niya kay Bernard ay nawala na pala dito. "Naiintindihan ko Young Master, meron pa po ba kayong kailangan?" tanong ni Charles dito. "Wala..."  Wala na sana siyang kailangan dito, ngunit biglang nagbago ang isip ni Charles nang marinig ang pagsinghal ng naturang restaurant host na napanood ang nangyari kanina. "Meron pa palang isa, gusto kong bilhin ang Měiwèi de shíwù restaurant ngayon din!" malupit na utos ni Wilson kay Charles. Nang marinig ang sinabing iyon ni Wilson ay hindi napigilan ng naturang empleyado ang matawa. Inisip nito kung sino ba sa tingin nito ang talunang lalaking ito na bilhin ang isang five-star restaurant na katulad ng Měiwèi de shíwù.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD