CHAPTER 4: His Fiancee

2431 Words
Kahit anong sabihin ng ibang tao ay hindi naniniwala si Wilson na magagawa ng asawang si Celine ang binibintang ng mga ito. Maaring nagpasakal lang silang dalawa nang dahil sa kagustuhan ni Celine na hindi ito maipasakal sa taong gusto ng tiyuhin nito, pero sa puso ni Wilson ay alam niyang mahalaga din siya sa asawa, kaya nga hindi niya mapaniwalaan ang sinabi ni Manang Margarita. "Ipapakita ko sa inyong lahat na hindi magagawa ni Celine na makipag hiwalay sa akin." ang nasa isip ni Wilson ng mga oras na iyon. Kasalukuyan sakay si Wilson ng jeep papunta sa kabilang bayan kung saan naroon daw si Celine ayon kay Manang Margarita. Walang kaide-ideya si Wilson sa kung anong madadatnan niya kapag dumating na siya sa lugar na iyon, kahit kasi malaki ang tiwala niya sa asawa ay hindi pa din niya maiwasang mag-isip tungkol sa nalaman kanina. Hindi naman ang katulad ni Manang Margarita ang magsisinungaling, kaya nga natakot siyang baka may katotohanan ang sinabing iyon ni Manang at ni Señor Alejandro, ngunit hindi siya maniniwala hanggang hindi mismo manggaling sa asawa ang katotohanan na hindi na nito makakayang makasama pa siya. Inabot din marahil ng mahigit isang oras ang naging biyahe ni Wilson, ngunit hindi ininda iyon ng binata, dahil ang buong atensyon niya ay nakatutok sa kagustuhan na muling makita si Celine. Hindi alam ni Wilson ang dahilan kung bakit hindi man lang siya nagawang dalawin sa ospital ng asawa, pero naniniwala itong may mabigat na dahilan si Celine. Nang makababa si Wilson sa jeep ay agad niyang sinimulan ang paghahanap kay Celine, ngunit kumpara kasi sa Sta Ynez ay mas di hamak na malaki ang lugar na ito. Kung ikukumpara ang dalawang bayan ay mas higit na maunlad at advance ang lugar na ito, meron na ditong mga establishment na sa kabiserang lungsod lang na madalas na natatagpuan. Sinubukan ni Wilson na tawagan si Celine pero hindi niya ito matawagan dahil nakapatay ang cellphone ni Celine, kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi mano-manong hanapin ang asawa. Hindi nakatulong kay Wilson na kakagaling lang niya sa coma, at hindi pa masyadong bumabalik ang lakas niya. Idagdag pa ang pagod sa naging biyahe niya sa bus papunta sa hacienda, at kanina nga ay jeep papunta naman sa bayan na ito. Dobleng hirap ang pinagdaanan ni Wilson sa paghahanap para lang makita ang pinakamamahal na asawang si Celine. Tatlong oras na ang lumipas, ngunit hindi pa din makita ni Wilson si Celine, muli niyang sinubukan tawagan si Celine, ngunit kagaya kanina ay hindi man lang nag-ring ang cellphone ng asawa. "Nasaan ka na ba?" sa loob-loob ni Wilson. Dahil sa pagod ay naisipan na muna ni Wilson na magpahinga, hindi pa talaga bumabalik ang dati niyang lakas. Ang bilin pa naman ng doktor sa binata ay kailangan niyang magpahinga, dahil baka diumano siyang mabinat kung nagkataon, pero dahil sa kagustuhan na makita, at makasamang muli ang asawa ay pinili ni Wilson na huwag intindihin ang sinabing iyon ng doktor. Sampung minuto din sigurong nagpahinga si Wilson sa pilahan ng jeep nang muli siyang nagpatuloy sa paghahanap. Pakiramdam ni Wilson ay nalibot na niya ang buong bayan, ngunit kahit ang anino ni Celine ay hindi man lang niya nakita. Para tuloy nawawalan na ng pag-asa si Wilson na makikita pa niya ang asawa ngayong araw, nasa ganoon siyang pag-iisip ng sumagi sa isip niya ang tungkol sa assistant diumano ng totoo niyang ama. Sandaling nag-atubili si Wilson kung tatawagan ba niya ito, o hindi, ngunit mas nanaig ang kagustuhan niyang makita ang asawa. Pikitmatang pinindot ni Wilson ang numero ng naturang lalaki, at isang ring pa lang ay agad na nitong sinagot ang tawag ng binata. "Hello Charles..." nag-aalangan pa din na tawag ni Wilson. "Yes, Young Master. May maipaglilingkod ba ako sa inyo?" tanong naman nito. Hanggang ngayon ay naiilang pa din si Wilson kapag naririnig niya ang pagtawag na ito ni Charles na assistant ng totoo niyang ama. "Kailangan ko ng tulong mo." pakiusap ko dito. "Anything Young Master, you just need to ask." seryosong sagot ni Charles. Ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan ni Wilson, bago nito sinabi kay Charles ang tulong na kailangan niya. "Hindi ko alam kung matutulungan mo ako, pero kailangan kong malaman kung nasaan ang asawa kong si Celine." determinadong sinabi ni Wilson. "Is that all, Young Master?" tanong ni Charles sa kabilang linya. "Oo, iyon lang ang kailangan ko." sagot ni Wilson. Matapos nga ang pag-uusap nilang iyon ay agad din nagpaalam si Charles sa binata. Hindi naman umaasa si Wilson na malalaman agad ni Charles ang lokasyon ni Celine, ngunit labis na ang pagkagulat ni Wilson ng sampung minuto pa lang ang nakakalipas ay nag-ring ang cellphone na binigay sa kanya ni Charles. "He... hello." alanganing sinabi ni Wilson nang sagutin nito ang tawag ni Charles. "Your wife is currently in Měiwèi de shíwù restaurant." ang sinabi ni Charles. "Salamat Charles." pagpapasalamat ni Wilson dito, at matapos nga noon ay agad ng tinapos ni Wilson ang tawag na iyon. Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Wilson na ganoon lang kabilis malalaman ni Charles ang lokasyon ng asawa, partida pa na wala ito sa bayan iyon. Naiintindihan ni Wilson na isang mayamang tao ang kanyang tunay na ama, ngunit wala siyang kaide-ideya kung gaano ba talaga kayaman ang totoo niyang Tatay. Nasa isip ni Wilson ang bagay na iyon, ngunit minabuti na muna niyang iwaksi iyon sa isip niya, dahil ang mas mahalaga ay ang makita na niya si Celine. Siguradong-sigurado si Wilson na matutuwa si Celine, kapag nalaman nito na nagising na siya mula sa pagkaka-coma. Nang malaman ang lugar kung nasaan ang asawa ay agad na nagtanong si Wilson kung paano ang pagpunta sa restaurant na iyon. Ayon sa nakausap ni Wilson ay nasa bandang dulo ng bayan ang naturang restaurant. Maari niyang lakarin ang pagpunta doon, ngunit aabutin din siya ng halos isang oras, o maari siyang magrenta ng tricycle para magpahatid doon, at aabutin lang siya ng kulang-kulang kalahating oras. Kung noon ay nanghihinayang si Wilson na gumastos sa pamasahe ay hindi na nito ininda ang bagay na iyon lalo na at may pera sa bank account nilang mag-asawa na naglalaman ng mahigit limanpung milyong piso. Naisip ni Wilson na ngayong may malaking halaga na sa bank account nilang mag-asawa ay maari na din silang humiwalay, at umalis sa mansyon na iyon kasama ng pinakamamahal nitong lolo. Magmula kasi ng maparalisa ang matanda ay hindi na masyadong binigyan ng atensyon ni Señor Alejandro ang sariling ama, hanggang sa mas lalo na nga itong lumala, at tanging si Celine na lang ang nag-aaruga sa tulong ni Wilson. Ang tanging pangarap ni Celine ay ang mapagamot, at gumaling ang abuelo, kaya naman nagsusumikap ito sa pagtatrabaho sa hacienda, kahit na nga ba mababa ang pinapasahod ni Señor. Ngayong may pera na sila ay maari na nilang mapagamot sa pinakamagagandang ospital ang matanda, kung gugustuhin nga ni Celine ay maari nilang dalhin ang lolo nito sa America, para mapagamot ito. Nang dahil din sa lolo ni Celine ay hindi magawang iwan ni Celine ang hacienda, kahit na nga ba madami ang nag-alok ng trabaho dito sa mismong kabisera ng probinsya, at maski sa Manila. Magmula noong dalaga pa lang si Celine ay hindi na pamilya ang turing sa kanya ng kapatid ng kanyang ama, kung hindi isang kaagaw. Natatakot kasi si Señor Alejandro na baka makakuha ng malaking mana si Celine sa yaman ng ama. Si Celine kasi ang paboritong apo ng orihinal na Señor ng hacienda, ngunit inatake ang Señor na naging dahil para maparalisa ito. Iyon mismo ang hinihintay na pagkakataon ni Señor Alejandro para mailipat nito sa pangalan ni ang kayaman ng Señor. Magmula nga noon ay hindi na naging maganda ang trato kay Celine, hanggang sa ang tingin na lang sa kanya ng sariling tiyuhin ay isangpag-aari na magagamit nito para mas lumaki ang kayamanan na hawak nito. Kaya naman nang nasa kolehiyo palang si Celine ay pinagkasundo siyang ipakasal sa mayamang manliligaw nito sa kabilang bayan kahit labag iyon sa kalooban ng dalaga. Hanggang sa magpasya si Celine na pakiusapan nito ang kapwa estudyante na si Wilson para magpakasal sa kanya. Lihim kay Celine ay may pagtatangi na sa kanya si Wilson, kaya naman agad na sumang-ayon si Wilson sa kagustuhan ni Celine. Nang malaman ng Señor ang kanilang pagpapakasal ay labis na galit ang naramdaman nito, ngunit wala na itong nagawa kung hindi ang hayaan ang pamangkin na matiling kasal kay Wilson. Mabilis ngang kumalat ang balita tungkol sa pagpapakasal ng tinuturing na "Campus Beauty" sa isang iskolar sa unibersidad na pinapasukan ng dalawa. Halos lahat ng kalalakihan sa school ay nagluksa nang malaman nilang ang kanilang girl of their dreams ay kasal na, at ang masama pa nito ay kinasal ito sa tinuturing na campus loser na si Wilson. Sa unibersidad na pinapasukan ng dalawa ay napakahalaga ng estado ng buhay ng isang tao, kaya naman sa tuwing nalalaman ng mga estudyante na si wilson ay isa lamang hamak na iskolar ng kanilang school ay agad nila itong nilalayuan, at ang masama ay pinaglalaruan. Sa isang isla na malapit sa La Union nakatira ang pamilya ni Wilson, hanggang sa parehong mamatay ang kanyang tinuturing na mga magulang nang tumumba ang sinasakyan nilang bangka. Kung titignan ay magandang lalaki si Wilson, makapal ang mga kilay nito na bumagay sa mga mata nitong kasing-dilim ng gabi, kung saan walang bituin na makikita, matangos ang ilong nito na nagbigay dito ng aristokratong itsura, at mapupula ang mga labi nito. Dahil sa bigat ng trabaho sa isla ay naging batak ang katawan ni Wilson, at hanggang sa magbinata na siya ay nahulma ng maganda ang pangangatawan ni Wilson. Kaya nga madaming mga kababaihan sa school ang nanghihinayang sa tuwing malalalaman nilang mahirap lang si Wilson. Para pumayag si Señor Alejandro sa kasal ni Wilson,at Celine ay inutusan niya si Wilson na tumigil sa pag-aaral, at ituon ang atensyon nito sa pagtatrabaho sa hacienda na walang bayad. Mabigat kay Wilson na tumigl dahil pangarap niya talaga ang makapagtapos, at maliban pa doon ay pinangako ni Wilson sa mga magulang na magtatapos siya, ngunit para kay Celine na kanyang pinakamamahal ay pumayag siya sa utos ni Señor. Pero, masyado talagang mapaglaro ang tadhana, sino ba namang mag-aakala na ang talunan, mahirap, at hindi nakapagtapos na si Wilson ay isa palang nawawalang anak ng isang bilyonaryong negosyante. "Dulo!" ang sigaw ng kundoktor ng jeep. Dali-dali namang bumaba si Wilson, at agad nagtanong ng direksyon sa nagtitinda ng mga gulay hindi kalayuan sa binabaan niya. "Ate, saan po ang papunta sa Měiwèi?" tanong ni Wilson. Agad namang tinuro nito sa kanya ang direksyon, at matapos magpasalamat ay agad ng tinuntok ni Wilson ang papunta sa restaurant na iyon. Pinilit ignorahin ni Wilson ang kabang kanina pa lumulukob sa kanyang puso, malaki ang tiwala niya kay Celine, pero natatakot pa din siya sa maari niyang malaman sakaling magkita na silang mag-asawa. Inabot ng sampung minuto, bago niya matunton ang sinasabi nilang restaurant. Isa iyong high-end Chinese restaurant, makikita sa labas pa lang hindi na ito basta-basta restaurant. Magarbo ang dekorasyon ng restaurant na napapalamutian ng iba't ibang Chinese ornaments, mula sa mamahaling painting, vases, at kung ano-anong scroll na sopistikadong naiayos sa loob ng restaurant, kaya naman hindi kataka-taka na ito ang kauna-unahang five star restaurant sa bayang iyon. "Excuse me sir, but you cannot come in."  Bago pa man makalapit si Wilson sa pinto ay agad na siyang hinarang ng restaurant host, kaya walang nagawa si Wilson kung hindi ang sundin ito. "Kailangan kong pumasok sa loob, nasa loob ang asawa ko." Nagmamadaling sinabi ni Wilson, ngunit imbes na papasukin siya ay tinignan lang nito mula ulo, hanggang paa ang binata. Kahit hindi magsalita ang restaurant host ay makikita mo na sa paraan ng mapang-uri nitong tingin kay Wilson na minamaliit nito ang binata. Isang kupasing maong, at isang pekeng t-shirt na mamahalin ang suot ni Wilson ng mga oras na iyon, idagdag pa ang may sira na nitong sapatos. Kahit sinong makakita kay Wilson ay hindi maniniwala na kayang kumain ng asawa nito sa ganitong kamahal na restaurant. "I'm sorry sir, pero mukhang nagkakamali kayo ng pinuntahan. Isang mamahalin na restaurant ang establishment na ito, kaya malabong makapasok ang kauri ninyo dito."  Mayabang na sinabi nito sa binata. Pakiramdam ni Wilson ay biglang umakyat ang dugo nito sa ulo, ngunit pinilit niyang kumalma, dahil wala ding mangyayari kung papatulan niya ang lalaking kaharap. Napaismid naman ang restaurant host sa nakikitang pananahimik ni Wilson, inisip kasi nito na tama ang hinala niya na walang kakayahan ang isang tulad nito, at ng asawa ng hampaslupa na katulad niya ang makakain, o kahit nga ang pumasok sa ganitong establisyemento. Ngunit mukhang hindi ito nakuntento, at sinundan pa ang ginawa nitong panlalait sa binata. "Siguro sa turo-turo nagpunta ang asawa ninyo?" puno ng pang-uuyam nitong sinabi. Tuluyan ng natawa ang mga kasama nito, pati na din ang guard na nasa malapit sa tinuran na iyon ng restaurant host, mas lalong nadagdagan ang galit ni Wilson, ngunit pinilit pa din niyang magtimpi. "Ang gusto ko lang ay makita ang asawa ko."  Patuloy na pagpupumilit ni Wilson, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya pinapakinggan ng naturang empleyado, hanggang sa hindi na kinaya ni Wilson ang pagtrato mula dito. Agad dinukot ni Wilson ang cellphone sa bulsa ng pantalon, naisip niya kasing tawagin si Charles para hingin muli ang tulong nito, ngunit bago pa man niya ma-dial ang number ni Charles ay bigla naman siyang natigilan nang makita ang babaeng lumabas sa naturang restaurant. Kitang-kita ang pagkagulat sa magandang mukha ng babae, habang nakatingin kay Wilson. Hindi inaasahan ni Celine na muling makikita ang asawa, at sa lahat pa ng lugar ay sa restaurant na ito. Agad gumuhit ang malapad na ngiti sa mga labi ni Wilson nang sa wakas ay makita na nito ang pinakamamahal na asawa, biglang kumabog ng mabilis ang puso niya, habang nakatingin sa maamo nitong mukha. Akmang lalapitan ni Wilson ang asawa nang matigilan siya nang mapansin ang lalaking kasunod nitong lumabas. Ito ay walang iba kung hindi si Bernard Sales, ang dating manliligaw ni Celine na siyang pinagkasundo ni Señor Alejandro kay Celine, ang anak ng pinakamayaman na pamilya sa bayang ito. "Mr. Sales, thank you for dining with us. We look forward to seeing you and your fiancee again." Tila bomba naman na sumabog sa pandinig ni Wilson nang marinig ang sinabing iyon ng naturang empleyado. Hindi siya makapaniwala na tinawag nito ang kanyang asawa bilang fiancee ni Bernard.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD