"Just give me five minutes Young Master," ang sagot ni Charles kay Wilson.
"Look at this guy, bibilhin daw niya ang Měiwèi!" ang natatawang sinabi ng restaurant host sa kasamahan nito.
Nang marinig nga iyon ay sabay-sabay nagtawanan ang mga ito, habang patuloy sila sa pangmamaliit kay Wilson na tahimik lang na nakatingin sa kanila.
Para kasi kay Wilson, ang lahat ng mga taong tumatawa sa kanya ay mga pasayo sa paningin niya, wala naman siyang balak na balikan ang mga ito, ngunit masyado siyang nakakaramdam ng galit sa dibdib, at ang tanging maari niyang mapagbalingan ng galit ay ang mga taong ito, sa pangunguna ng restaurant host.
"Iwanan na natin ang taong iyan, masyado na niyang inaaksaya ang oras natin, tignan mo wala pa din naman nangyayari. Hindi pa din siya ang owner ng restaurant."
Hindi na nagtagal ang mga ito, at muli ng bumalik sa kani-kanilang mga trabaho, habang si Wilson ay tahimik lang na naghihintay.
Malaki ang tiwala ni Wilson kay Charles, kapag sinabi ni Charles na magagawa niya ang pinag-uutos ni Wilson ay paniguradong magagawa niya ito.
Saktong limang minuto nang mag-ring ang cellphone ni Wilson, agad itong sinagot ng binata, at ilang sandali nga lang ay may kakaibang ngiti na makikita guwapo nitong mukha.
Kahit sinong makakita sa ngiting iyon ay paniguradong kikilabutan, iyon ang klase ng ngiting hindi mo gugustuhin makita, dahil iyon ay ngiti ng paghihiganti.
Imbes na umalis na sa lugar na iyon ay muling naglakad si Wilson pabalik sa naturang restaurant, agad naman siyang sinalubong ng hindi makapaniwalang tingin ng mga tauhan na naroon, kabilang na ang mayabang na restaurant host.
Buong akala ng naturang empleyado na aalis na ito, gayong hindi naman nangyari ang sinabi ni Wilson kanina na bibilhin nito ang buong restaurant, kaya naman laking gulat nito nang muli na naman niyang nakita ang talunang lalaking iyon.
"Hindi ka ba talaga titigil? Ilang beses ko ng sinabi sa iyo na ang katulad mo ay hindi nababagay sa ganitong restaurant!" muli na naman nitong minaliit si Wilson, ngunit laking gulat niya nang isang makahulugan ngiti ang gumuhit sa mukha ng binata.
"At anong nginingiti-ngiti mo diyan?! Hindi ka ba talaga aalis? Ipapabugbog na kita sa mga security guards!" pagbabanta nito.
Hindi agad sumagot si Wilson sa tanong nito, bagkus ay mas lumapit pa nga siya sa nahihintatakutang empleyado.
"Bakit naman ako aalis sa restaurant na pag-aari ko na?" nakangising tanong ni Wilson dito.
Muli ay isang malakas na pagtawa ang maririnig mula sa restaurant host, pakiramdam nga niya ay nababaliw na ang lalaking nasa harap niya.
Paano nga naman papaniwalaan ng reestaurant host ang sinabing iyon ni Wilson gayong sa halata naman na mahirap lang ito, ay hindi man lang niya nakita na naglabas ng pera si Wilson, at maliban pa doon ay malabo din na makilala nito ang may-ari ng restaurant na mismong amo niya.
Iyon mismo ang nasa isip ng restaurant host, pero hindi niya mawari kung bakit may nararamdaman siyang pangamba sa paraan ng pagngiti ng lalaki sa harap niya.
"Hindi kaya, nagsasabi talaga siya ng totoo?" ang nasa isip ng restaurant host, ngunit agad din niya iyong inalis sa isip niya nang muli niyang makita ang lumang kasuotan nito.
Kung totoong may kakahayan itong bumili ng ganitong restaurant ay hindi dapat ganito ang suot nito, at hindi siya iiwan ng sariling asawa.
With that in mind, ay agad ng tuwamag ng security ang naturang empleyado.
"Guard! Palayasin niyo ang taong ito, kung pumalag ay saktan ninyo, at ako ang bahala!" kampanteng-kampante nitong sinabi.
Ilang sandali lang ay may tatlong guwardiya na ngang sumunod sa utos nito, ngunit kahit ganoon ay hindi pa din umaalis sa kinatatayuan nito si Wilson, bagkus ay nasa mukha pa din nito ang labis ng kumpiyansa.
Akmang hahawakan na ng tatlong guwarya ang binata nang isang malakas na boses ang nagpatigil sa mga ito.
"Itigil ninyo yan! Anong sa tingin ninyo ang ginagawa ninyo?!" maririnig ang labis na galit sa boses ng bagong dating.
"At sino naman ang istobo...."
Ngunit hindi na natapos ng restaurant host ang sasabihin nang tuluyan na nitong makilala ang bagong dating.
Ito ay walang iba kung hindi si Kim Dee, siya lang naman ang solong may-ari ng Měiwèi de shíwù restaurant na kauna-unahang five star restaurant sa bayang iyon.
"Sir Kim, anong ginagawa ninyo dito? Sana nagpasabi po kayo?" parang maamong tuta ang itsura ngayon ng mayabang restaurant host. Malayong-malayo ito sa pinapakita nito kanina sa harap ni Wilson.
Hindi man lang pinansin ni Kim Dee ang sinabing iyon ng kanyang empleyado, bagkus ay agad itong lumapit sa nakangiti pa din na si Wilson.
"Excuse me, ikaw ba si Wilson Bonifacio?" nag-aalangan na tanong ng bagong dating.
Ayon kasi sa nakausap nito ay ang taong nasa harapan niya ngayon ang tumutugma sa description na sinabi nito.
Nang matanggap ni Kim Dee ang tawag na iyon ni Charles ay labis na takot ang naramdaman niya nang mga oras na iyon na agad nabasa ng pawis ang likuran niya.
Hindi niya inaasahan na makakatanggap siya ng tawag sa nag-iisang si Charles. Si Charles lang naman ang kanang kamay, at pinagkakatiwalaang assistant ni West Aragones.
Si West Aragones lang naman ang bilyonaryong nagmamay-ari ng halos lahat ng kilalang negosyo sa Pilipinas, ngunit katiting lang iyon sa kung ano talagang tunay na yaman nito na nakakalat sa buong mundo.
Ang Měiwèi de shíwù restaurant ay nasa ilalim ng conglomerate companies na pag-aari ni West Aragones sa Pilipinas na Aftokratoría, group of companies.
Ang Aftokratoría group of companies ay iba't-ibang kumpanya mula sa telco, food, hotel and restaurant, at kung ano-ano pa.
Kaya naman nang malaman niyang nasa restaurant ang nag-iisang anak nito ay agad niyang iniwan ang kanyang ginagawa.
Hindi maiwasang palihim na titigan ni Kim ang nag-iisang anak ni West, malayong-malayo kasi ito sa kanyang ama.
Kung si West ay kumpiyansa sa lahat ng ginagawa nito, at hindi ito natatakot sa kahit na kanino, ibang-iba naman ang anak nitong si Wilson, kahit kasi nararamdaman mong hindi ito natutuwa sa nangyayari ay mararamdaman mo pa din ang kababawang loob nito.
"Ako nga," ang maikling sagot ni Wilson dito.
Nang makumpirma ni Kim ang katauhan nito ay agad siyang nakaramdam ng takot, kahit pagbalik-baliktarin kasi ang mundo ay hindi niya maaring ma-offend ang taong ito.
"Anong ginagawa ninyo diyan? Tara na at pumasok tayo sa loob," natatarantang sinabi Kim sa binata, ngunit hindi naman nagpatinag si Wilson sa sinabi nito, bagkus ay napatingin siya nahihintatakutang empleyado ng naturang restaurant.
Kung maari nga lang lamunin siya ng lupa ay mas gugustuhin pa ng restaurant host, ngayong nakikita niya kung paanong magalang na kausapin, at pakitunguan Kim Dee ang binata ay ibig lang sabihin na hindi basta-basta ang taong ito.
Sandali lang ang tingin na ginawad ni Wilson sa taong iyon, at muli ay hinarap niya si Kim.
"Hindi ako puwedeng pumasok sa restaurant mo," walang emosyon na sinabi ni Wilson dito.
Agad naman nawalan ng kulay ang mukha ni Kim nang marinig iyon, hindi nito alam ang nangyari, pero base sa reaksyon ni Wilson ay masasabi niyang may hindi magandang nangyari sa mismong restaurant na pag-aari niya, at ngayon ay pag-aari na ng binatang nasa harapan niya.
"There must be a misunderstanding Mr. Bonifacio," natataranta nitong sinabi, alam niya kasi na kapag nalaman ni Charles ang nangyari ay paniguradong mananagot siya, at madali lang para sa personal assistant ni West Aragones na si Charles ang pabagsakin ang mga negosyong tinayo niya.
"Dalawang beses akong hindi pinayagan makapasok ng tauhan mo," kibit-balikat na sinabi ni Wilson dito.
Sa narinig ay agad lumipad ang tingin ni Kim sa tauhan na halatang-halata ang takot sa mukha nito, hindi na nakapagtimpi si Kim, at agad binigyan ng malakas na suntok ang naturang empleyado.
Binunton ng negosyante ang galit na nararamdaman niya sa mayabang na empleyado, hindi kasi nito alam ang panganib na ginawa nito, hindi lang sa restaurant maski sa kinabukasan ni Kim Dee.
"I'm sorry Sir Kim, hindi ko po alam kung sino ang taong iyan," nahihintatakutan na sinabi ng nakahiga pa din na empleyado.
Sa narinig ay mas lalong nagalit si Kim, kaya naman sunod-sunod na suktok ang pinaulan niya sa kawawang empleyado.
Hindi magawang lumaban ng naturang restaurant host, dahil alam niyang may hindi magandang mangyayari sa kanya, kung sakaling gawin niya ang bagay na iyon.
Hinihingal na tumayo si Kim, matapos ang ginawang panggugulpi nito sa sariling empleyado, sandali namang tumingin siya sa wala pa ding emosyon na mukha ni Wilson na tahimik lang sa panonood sa ginawa niya.
"Sisiguraduhin ko na hinding-hindi ka na makakapagtrabaho sa kahit na anong restaurant, o hotel!" siguradong sinabi ni Kim.
Nang marinig nga iyon ng restaurant host ay pinilit nitong tumayo, kahit na nga ba sobrang sakit ng katawan nito, at nagmakaawa kay Kim, alam niya ang kakayahan ni Kim sa mundo ng industriya ng pagkain, kapag sinabi nito ay magagawa nitong hindi na siya matanggap sa kahit na anong hotel, restaurant, o kahit na anong may kinalaman sa pagkain.
Bilang isang graduate ng HRM ay mahirap para sa kanya kung magkatotoo man ang banta nito, ngunit desidido na si Kim na hindi man lang siya tinapunan ng tingin, kahit nakaluhod na siya dito, kaya naman naisipan ng naturang restaurant host na nakaluhod na lumapit sa wala pa ding emosyon na si Wilson.
"Parang awa na ninyo Mr. Bonifacio, alam kong nagkamali ako sa inyo, kaya nagmamakaawa po ako na patawarin na ninyo ako. May pamilyang umaasa sa akin," hindi na nga nito napigilan ang mapaiyak.
Sinong mag-aakala na ang taong kanina ay nilalait, at pinagtatawanan niya lang kanina ay ang taong nakasalalay ang kanyang kinabukasan.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Wilson habang nakatingin sa kaawa-awang kalagayan ng empleyado sa harapan niya.
Nang dahil sa galit ay inutusan ni Wilson si Charles na bilhin ang naturang restaurant, gusto niya kasing ipamukha sa taong ito kung sino ba talaga siya, ngunit ngayong humupa na ang galit niya para kay Celine ay agad ng kumalma ang nararamdaman niya.
Nang marinig din ni Wilson ang sinabi nito patungkol sa pamilya nito ay hindi niya naiwasang makaramdam ng awa.
"Sana ay maging aral na ito sa iyo na huwag manggusha ng tao, sana ay maging pantay-pantay ang ting mo sa lahat ng tao," mahinahon na sinabi ni Wilson.
Matapos sabihin iyon ay hinarap naman ni Wilson si Kim. "Huwag mo na siyang alisan ng trabaho, bilang parusa ay kakaltasan siya ng kalahati ng sahod niya." ang sinabi ni Wilson.
"Maraming salamat Sir Wilson, hindi ko makakalimutan ang kabutihan ninyo," umiiyak pa din na sinabi ng naturang empleyado.
Matapos maayos ang problemang iyon ay agad na inimbitahan ni Kim si Wilson sa loob ng restaurant, pinaayos pa nito ang pinakamahal na private room sa restaurant na iyon.
Maliban sa main restaurant ay meron ding mga private room sa bandang likuran kung saan hindi basta-bastang tao ang maaaring kumuha.
Nang makapasok sa naturang private room ay agad na inutusan ni Kim ang mga waiter nito na ihanda ang pinakamasasarap, at mamahalain na pagkain para kay Wilson.
"Mr. Bonifacio, ito po ang papeles na kailangan ninyong pirmahan para mapasainyo na ang restaurant," nakangiting sinabi ni Kim sa binata.
Bigla namang nagulat si Wilson nang marinig iyon, ang inutos lang naman niya kay Charles ay bilhin ang restaurant na ito, ngunit hindi niya inaasahan na ipapangalan iyon sa kanya.
Hindi na din siya nagdalawang-isip, at agad na pinirmahan ang naturang dokumento matapos basahin ang nilalaman noon, at ilang minuto lang ang nakalipas ay nagmamay-ari na siya ng isang five star restaurant.
"Gusto kong malaman kung anong pakay ni Bernard Sales dito?" diretsong tanong ni Wilson.
"Ayon kay Moises ay naparito si Mr. Sales para rentahan ang buong restaurant sa nalalapit na kasal nilang dalawa ni Ms. Celine."
Agad namang nagtangis ang ngipin ni Wilson nang marinig iyon, muli ay nanumbalik ang galit niya sa ginawa sa kanya ni Celine.
"Kilala ninyo pala si Mr. Sales."
Isang mapanganib ng ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Wilson nang marinig iyon. " Kilalang-kilala ko silang dalawa."
Hindi alam ni Kim, kung bakit biglang nanlamig ang buong katawan niya nang makita ang ngiting iyon ni WIlson, minsan lang niya nakita si West, pero kakaibang bigat na ang mararamdaman mo sa presensya ng taong iyon.
Hindi na din nagtagal si Wilson sa naturang restaurant, hindi na din siya pumayag sa hiling ni Kim na kumain na muna siya.
Palabas na sana si Wilson sa restaurant nang bigla itong may naalala, kaya muli itong tumingin sa nanatiling nakatayo na si Kim. "Gusto kong walang makaalam sa nangyari kanina, hindi ko gustong may makaalam kung sino ako, at anong kinalaman ko sa restaurant na ito."
Matapos sabihin iyon ay agad na ding lumabas si Wilson, may iba pa kasi siyang kailangan gawin, at malaman.
Nanatili naman nakatingin si Kim sa papalayong binata, hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya.
Malayo pa din si Wilson sa ugali ng totoo nitong ama, dahil kung si West ang nasa sitwasyon nito ay baka hindi lang ang kinabukasan ng emepleyadong nanlait dito ang nakasalalay, kung hindi ang lahat ng pagkaakitaan ng angkan nito.
"I guess, you're not that cruel compared to you father," sa loob-loob ni Kim.