"Alam mo na?" naguguluhang tanong ni Andres, habang nakatitig sa pamangkin na hindi man lang kakakitaan ng pagkagulat.
Magmula pa lang noon ay alam na ni Andres na hindi tunay na anak ng kapatid na si Antonio, at ng asawa nitong si Celia si Wilson, pero nangako si Andres na kahit kailan ay hindi nito ipapaalam kay Wilson ang totoo.
Matagal ng mag-asawa si Antonio, at Celia, pero ilang taon na silang kasal ay hindi pa din sila nabiyayaan ng anak, hanggang sa matapos ang ilan pang taon ay sa wakas ay nabuntis si Celia, at nang manganak ito ay pinangalanan nila itong Wilson.
Naging masaya ang pagsasama ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang nag-iisang anak, ngunit nang naging dalawang taon na ito ay nagkaroon ito ng malubhang sakit, gusto nga sanang dalhin sa ospital ng mag-asawa ang kanilang anak, ngunit sakto naman na bumabagyo sa isla.
Dahil sa taas ng lagnat ng bata ay hindi na ito tumagal, hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay, labis na sakit ang dinulot ng pagkawala ng anak sa mag-asawa, lalong-lalo na kay Celia na hindi agad nakakausap.
Minabuti na ng mag-asawa na agad ng pinalibing si Wilson, at kahit mahirap ay pinilit bumalik sa dati ang lahat, ngunit kahit iyon ang gusto nilang mangyari ay alam ng mag-asawa na hindi na babalik sa dati ang lahat.
Hanggang sa nagpunta sila sa kabisera sa probinsyang iyon, naglalakad sila sa isang talahiban nang makarinig sila ng pag-iyak ng bata, at nang hanapin nila ang pinanggalinga noon ay natagpuan nila ang isang magandang babae na duguan, at base sa paghinga nito ay malapit na itong malagutan ng hininga.
Hawak ng magandang babae ang isang batang lalaki na nasa dalawang taon na marahil ang edad, patuloy sa pag-iyak ang bata.
Nagmakaawa ang magandang babae na iligtas ng mag-asawa ang batang lalaki, at dahil sa awa ay pumayag ang mag-asawa.
Ilang sandali lang ay tuluyan ng nalagutan ng paghinga ang babae, kaya naman hinayaan na lang nila ito, lalo na at sinabi ng babae na kailangan na nilang umalis dahil may mga humahabol sa kanilang mag-ina.
Hanggang sa makabalik sa isla ay labis ang tuwang nararamdaman ng mag-asawa habang hawak ang kanilang anak na si Wilson.
Magmula nga noon ay nagkaroon ng bagong anak ang mag-asawa, ito ang pumalit sa nawala nilang anak.
Imbes na sumagot ay tanging pagtango lang ang ginawa ni Wilson, hindi na muna niya pinagtapat dito ang nalaman niya tungkol sa tunay niyang pagkata, at kung sino ang kanyang tunay na ama.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Andres, habang nakatingin sa determinadong pamangkin, nangako siya kay Antonion, pero karapatan din ni Wilson na malaman ang totoo, lalo na at mukhang may alam na din naman ito.
Imbes na agad sumagot ay minabuti ni Andres na sandaling pumasok sa loob ng bahay, paglabas nito ay may hawak na itong isang tampipi.
"Totoo ang sinabi mo, hindi ka talaga tunay na anak ni Kuya Antonio, at Ate Celia," pagtatapat ni Andres.
Naguguluhan man ay inabot ni Wilson ang naturang tampipi, at sa nanginginig na mga kamay ay agad niya iyong binuksan.
Tumambad kay Wilson ang isang pares ng damit na pambata, nang hawakan niya ang tela ay masasabing hindi basta-basta ang telang ginamit sa paggawa ng kasuotan na iyon.
Isang panyo ang tumawag ng atensyon ni WIlson, nakaburda kasi sa puting panyo na iyon ay ang mga initials na K, at A.
"Kahlen Aragones," sa loob-loob ni Wilson habang marahang hinahawakan ang dalawang letrang nakaburda sa panyo.
"Namatayan ng anak sila Kuya Antonio, at Ate Celia, kaya naman madami ang nagulat nang pagbalik nila sa isla ay may dala na silang batang lalaki na kaedad ng namatay nilang anak."
Sinimulang ikuwento ni Andres ang mga nalaman nito sa kapatid na si Antonio, pinagtapat kasi ni Antonio sa nakakabatang kapatid ang mga nangyari, kaya nga pinangako ni Antonio si Andres na wala dapat na makaalam ang tungkol sa nangyari.
Mas lalo namang nakumpirma ni Wilson ang mga sinabi ni Charles nang una silang magkita sa ospital kung saan siya na-coma.
Batay sa mga kinuwento ni Andress, pati na din ang initials sa panyo ay nakumpirma ni Wilson na siya nga ang nawawalang anak ng bilyonaryong si West Aragones, at siya ay si Kahlen Aragones.
"Huwag ka sanang magalit sa mga magulang mo kung sakaling nilihim nila ang bagay na ito," natatakot si Andres na baka magalit si Wilson sa paglilihim nila Kuya Antonio, at Ate Celia dito ng katotohanan.
Isang totoong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Wilson nang marinig ang sinabing iyon ng tiyuhin, kahit kailan kasi ay hindi niya magagawang magalit sa kinalakhang mga magulang, dahil tinuring siya nilang tunay nilang anak, at maliban pa doon ay malaki din ang utang na loob niya, dahil kung hindi siya nailigtas ng mga ito ay baka wala na din siya sa mundong ito.
Mas lalo tuloy niyang kailangan na pansamantalang itago ang totoo niyang pagkataon, natatakot kasi siya na kapag nalaman ng mga nagtaka sa buhay nilang mag-ina na nabuhay siya ay baka balikan siya ng mga ito.
"Huwag po kayong mag-alala Tiyo, hinding-hindi mangyayari na magalit ako sa mga magulang ko," nakangiting sagot ni Wilson dito.
Matapos ang pag-uusap nilang iyon ay inimbitahan ni Andres ang pamangkin na kumain sa bahay nito, nang marinig nga ni Wilson ang tungkol sa pagkain ay saka lang niya naalala na hindi pa pala siya kumakain magmula kanina.
Naghanda ng pagkain si Kim sa restaurant na pag-aari na ni WIlson, ngunit dahil sa galit ay hindi niya pinansin ang mga iyon.
Bigla tuloy siyang nakaramdam ng panghihinayang sa masasarap na pagkain na hinanda sa Měiwèi de shíwù restaurant.
"Kuya Wilson?!" hindi makapaniwalang sigaw ng anak na lalaki ni Tiyo Andres na si Anton nang makita siya nito.
Sumunod naman ang bunsong babae ni Tiyo na si Andrea na tumakbo palapit sa binata.
Sampung taon si Anton, samantalang anim na taon naman si Andrea, nalaman ni Wilson na hindi pa nakakapag-aral si Anton kahit na nga ba sampung taon na ito.
"Ang saya ko na bumalik ka na!" tuwang-tuwa na sinabi ni Anton kay Wilson, agad naman itong nagpakarga sa pinsan na pinabigyan ni Wilson.
Mukhang naiingit naman si Andrea kaya nagpakarga na din ito sa binata na halata na nahirapan na ito.
"Kayong dalawa, huwag na kayong magpabuhat sa Kuya Wilson ninyo, ang lalaki na ninyo," paninita ni Andres sa dalawang anak.
Nang marinig nga iyon ni Anton ay agad na itong nagpababa, hanggang si Andrea na lang ang nanatiling nagpakarga dito.
Karga pa din ni Wilson ang pinsan hanggang sa makapasok na sila ng bahay ng tiyuhin, nagtaka naman si Wilson nang mapansin ang mga pinagkainan sa lababo.
"Pasensya ka na Wilson kung makalatm."
Nahihiyang sinabi ni Andres, sinubukan nitong hugasan ang mga pinagkainan, ngunit nagpumilit si Wilson na ito na ang maghugas ng mga iyon.
"Nasaan nga pala si Tiya Susan?" tanong ni Wilson.
Nakatalikod si Wilson sa tiyuhin, kaya naman hindi niya napansin ang biglang pagdilim ng mukha ni Andres nang marinig ang pangalan ng asawa.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila, kaya naman nagtatakang napalingon si Wilson, at saka pa lang niya nakita ang reaksyon ng tiyuhin.