Makikita sa mukha ni Andres ang labis na sakit nang dahil sa tanong na iyon ni Wilson, hindi niya naipagtapat sa pamangkin ang nangyari sa kanilang mag-asawa halos isang taon na ang nakakalipas.
Sandaling tinapos ni Wilson ang paghuhugas ng pinggan, at nang matapos ay inaya niya ang kanyang tiyuhin sa labas ng bahay.
Nasa hindi kalayuan ang magkapatid na nakikipaglaro sa mga kaedad nilang mga kabataan sa isla, para silang walang problemang iniisip, at masaya lang silang naglalaro sa labas.
"Iniwan na ako ni Susan," pagtatapat ni Andres.
Labis na pagkagulat naman ang naramdaman ni Wilson nang marinig iyon, wala kasing nabanggit ang tiyo niya sa tuwing magka-text silang dalawa.
"Bakit? Nasaan na siya ngayon?" naguguluhang tanong ng binata.
Hindi kaila kay Wilson na hindi masaya ang tiyahin sa pagkakatira nilang mag-asawa sa isla, ang gusto kasi ni Susan ay manirahan sila sa kabihasnan, subalit nang dahil sa kahirapan ay hindi napagbigyan ni Andres ang gusto ng asawa.
"Sumama siya sa ibang lalaki, sa isang lalaki na kayang ibigay sa kanya ang gusto niya," malungkot na malungkot na sinabi ni Andres.
Mas lalong nagulat si Wilson sa narinig, at kasunod noon ay agad umusbong ang galit sa dibdib ng binata, naalala niya kasi ang ginawa ni Celine dahil pareho sila ng kanyang Tiya Susan na pinagpalit ang kanilang asawa para lang sa pera.
Hindi din naiwasang isipin ni Wilson, kung sakaling may anak kaya sila ni Celine ay magagawa din nitong iwan ang sariling anak para lang sa marangyang buhay?
Ipinagtapat ni Andres sa pamangkin noong nakaraang taon ay may nagpunta sa isla, at pinipilit ang mga nakatira doon na ipagbili ang kinatatayuan ng kani-kanilang mga bahay sa maliit na halaga, pero madami ang hindi pumayag, ngunit magmula noon ay madami na din hindi magandang nangyayari sa mga nakatira sa isla.
Isa sa mga tauhan ng kumpanyang iyon ay nakilala ni Susan, hanggang sa tuluyan na ngang sumama si Susan sa naturnag lalaki.
Sa edad na fourty ay masasabi pa din na maganda si Susan, kaya nga may nagkagusto ditong lalaki na mula sa Manila na siyang gustong tirhan ni Susan.
"Nakilala ni Susan si Jamir, at nang dahil sa taong iyon ay iniwan ni Susan ang pamilya niya," pagtatapat nito.
Mababanaag ang sakit sa mga mata ni Andres na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Wilson, ngunit minabuti na lang niyang manahimik, kahit na nga ba kanina pa nagpupuyos ang damdamin nito.
"Nang dahil doon ay madami na din ang napipilitan na ipagbili ang kanilang mga lupa," malungkot na sinabi ni Andres.
"May balak ba kayong ipagbili ang kinatitirikan ng bahay ninyo?" nananantiyang tanong ni Wilson sa tiyuhin.
"Wala akong balak na ipagbili ang lupa na ito, dahil ang dalawang lupa na kinatitirikan ng mga bahay namin ni Antonio ay mula pa sa mga magulang namin, pero anong magagawa ko kung pinipilit na kami," malungkot na sinabi ni Andres na para bang wala na itong nararamdaman pag-asawa.
Hindi masisisi si Andres, dahil mabibigat na mga tao ang may gusto na gawing tourist resort ang buong isla, at para mangyari iyon ay kailangan mapaalis ang mga tao sa isla.
Kaya hindi din magawang sisihin ni Andres ang asawa, dahil totoo naman na wala siyang silbi, at kahit na ipagtanggol ang kanilang tinitirhan ay hindi nito magawa.
Labis na galit ang naramdaman ni Wilson para sa asawa ng tiyuhin, at matinding awa naman sa kayang tiyo Andres.
Wala kasi itong kakayahan na ipagtanggol ang sarili, at ang pamilya nito, pero hindi ito nag-iisa, at ngayong may kakayahan na si Wilson ay hindi niya papabayaan ang nag-iisang pamilya niya sa islang ito.
Nasa ganoong pag-iisip si Wilson nang makarinig siya ng ingay hindi kalayuan sa puwesto nilang magtiyo, namalayan na lang niya ang dalawa niyang pamangkin na tumatakbo papunta sa direksyon na iyon, at nang makita niya si Susan ay doon lang nalaman niya na ang ina pala ng dalawa ang dumating.
Ibang-iba na ang itsura ni Susan magmula ng umalis siya sa islang ito, halata sa kasuotan nito ang karangyaan na inaasam nito noon.
Sa itsura nga nito ngayon ay mapagkakamalan na nasa trenta lang ang naturang bababe, akmang yayakap ang dalawang bata sa ina, ngunit sa pagkagulat ni Wilson ay marahas na tinulak nito ang kanyang mga anak.
"Ano ba! Baka madumihan ninyo ang bago kong damit!" iritable nitong sinabi sa mga anak.
Agad naman nangilid ang mga luha sa mga mata ng dalawa, lalong-lalo na sa bunsong si Andrea na agad umiyak.
Mas lalong nagpuyos ang damdamin ni Wilson nang makita kung paanong umismid si Susan na para bang balewala lang dito ang pag-iyak ng anak.
Nagpatuloy lang ito sa paglalakad na para bang pag-aari nito ang nilalakaran nito, saka lang din napansin ni Wilson ang matabang lalaking nakasunod dito, at ito na nga ang lalaking pinalit ni Susan sa asawa na isa sa mg contructor para paalisin ang mga tao sa isla.
Punong-puno ito ng alahas na para bang pinagmamayabang nito ang estado ng buhay niya, at nang makita nito si Susan ay tuluyan na itong nahumaling sa ginang, kaya naman kahit may asawa ng tao si Susan ay pinatulan niya ito gamit ang pera, ari-arian na meron siya.
"Oh nandito pala ang pamangkin mo na iniwan din ng asawa," ang tumatawa na sinabi ni Susan nang mapansin ang pamangkin ni Andres.
"Sumusobra ka na!" galit na galit naman na sinabi ni Andres sa dating asawa.
Sobrang pagpipigil ang ginawa nito para hindi masaktan ang dating asawa, dahil maliban sa makikita ng kanilang anak ay may mga bodyguards pa ang mga ito.
Napaismid naman si Susan habang nakatingin sa walang kuwentang asawa nito, ang buong akala talaga niya ay maibibigay ni Andres ang mga pinapangarap niya, nabulag siya sa nararamdaman niya noon kaya pumayag siyang magpakasal dito, pero puro paghihirap lang ang naranasan niya kasama si Andres.
Mas lalo pa silang nalugmok ng ipanganak ang kanilang mga anak, ayaw naman talaga ni Susan ang mag-anak, pero nang mabuo si Anton ay nagmatigas si Andres gayong gusto na sanag ipalaglag ni Susan ang kanilang panganay na anak.
Walang nagawa si Susan doon, hanggang sa muli na naman siyang nabuntis, sinubukan niyang itago iyon sa asawa, at plano na nga niyang uminom ng pampalaglag na binili sa Quiapo, ngunit muli ay nalaman ng asawa ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao.
Kaya nga wala itong kaamor-amor sa mga anak, at napilitan lang itong pakisamahan ang mga bata dahil tanging kay Andres lang ito umaasa, ngunit ngayong may mayaman na itong kalaguyo ay kaya na nitong gawin ang lahat.
"Totoo naman ang sinasabi ko eh, pareho kayong iniwan ng mga asawa ninyo, sino nga ba naman ang magtitiyaga sa mga katulad niyong hampaslupa, at walang silbi!" punong-puno ng asido nitong sinabi.
Mas lalo namang nagalit si Andres sa dating asawa, pero kataka-taka na nanatiling walang imik si Wilson habang pinapakinggan ang masasakit na mga salita na lumalabas sa bibig ng dating tiyahin.
Muli na naman napaismid si Susan sa naging pananahimik ni Wilson, inaasahan na naman niya talagang walang magagawa sa kanya ang pamangkin ng dating asawa, wala naman itong maipagmamalaki katulad ng tiyuhin nitong walang silbi, kaya naman muling hinarap ni Susan si Andres.
"Napagdesisyon ka na ba na ibenta ang kinatitirikan ng bahay na ito?" diretsong tanong ni Susan.
Ang dahilan lang naman kung bakit bumabalik pa siya sa impyernong lugar na ito ay para kumbinsihin si Andres, isa kasi ito sa mga pinuno sa isla na matindi ang pagtutol na ibenta ang kanilang mga bahay, at kaya nga kinuntsaba ni Leonard na contructor na bagong kinakasama ni Susan ang babae.
Sa oras na bumigay si Andres ay unti-unti ng mapipilitan ang iba pa na sumunod dito, at matapos nga iyon ay maari ng masimulan ang paggiba sa mga kabahayan sa isla.
"Kahit magpabalik-balik pa kayo ay hindi ko ibebenta ang bahay na ito!" determinadong sinabi ni Andres kay Susan.
"Huwag kang matigas ang ulo mo Andres! Wala na naman magandang mangyayari sa islang ito, kaya naman ibenta mo na at manirahan na lang kayo ng mga bata sa ibang lugar!" muling pamimilit ni Susan dito, ngunit naging matigas ang paninindigan ni Andres sa kanyang desisyon.
"Huwag ka sanang magsisi kung may hindi magandang mangyari," makahulugan na sinabi ni Leonard habang niyapos nito si Susan.
Walang pakundangan nga nitong hinalikan si Susan sa mga labi sa harap mismo ng dati nitong asawa, at wala naman magawa si Andres kung hindi mamuhi sa dalawang ito na walang delikadesa sa pinaggagawa.
Kanina pa gustong tawagan ni Wilson si Charles upang hingin ang tulong nito, pero natatakot din siya sa maaring mangyari kapag nalaman ng kanyang tiyuhin ang kanyang totoong pagkatao.
Hindi pa kasi nahuhuli ang nagtangka sa buhay nilang mag-ina noon, kaya naman natatakot si Wilson na baka madamay ito sa gulo ng totoo niyang pagkataon, kaya kahit mahirap ay wala siyang magawa kung hindi ang manahimik na lang.
"Okay lang po ba kayo?" ang tanong ni Wilson sa tiyuhin nang sa wakas ay umalis na ang dalawa, kasama ang mga bodyguards ng mga ito.
"Ayos lang ako Wilson, huwag mo akong alalahanin," pilit na ngiting sinabi naman ni Andres.
Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan ng magtiyuhin, hanggang sa unang magsalita si Andres.
"Desidido na ako na kahit anong mangyari ay hindi ko ibebenta ang bahay na ito," matatag na sinabi ni Andres, mas higit sa sarili kaysa kay Wilson.
Mas lalong humanga si Wilson sa tiyuhin, at pinangako niya na sa sarili na kikilos lang siya kung kailangan-kailangan na talaga.