Matapos ang pakay ni Wilson sa lugar na iyon ay nagpasya na itong umalis, masakit pa din sa kanya ang mga salitang binitawanan ng dating asawa.
Hindi niya matanggap na basta-basta na lang nito tinapon ang lahat ng pinagsamahan nila nang dahil lang sa napagod na itong maghirap kasama siya, kung naghintay lang sana si Celine kahit sandali ay baka buhay reyna na ito sa piling ni Wilson.
Isang mapait na ngiti ang nanilay sa mga labi ng binata nang maisip ang bagay na iyon, kung nakapaghintay lang sana si Celine ay ibibigay ni Wilson ang buhay na pinapangarap niya para sa minamahal, pero nang dahil sa nangyari ay lumabas din ang katotohanan.
Kapareho lang din siya ng mga kamag-anak niya na wala ng ibang mahalaga, kung hindi ang pera. Tanging pera lang ang sinasamba ng pamilyang iyon, at ngayong nalaman niya ang totoo niyang pagkataon ay sisiguraduhin ni Wilson na sasambahin siya ng mga ito.
Pinangako ni Wilson sa sarili na dadating din ang araw na makikilala ng angkan ng mga Rivera kung sino ang kinutya, inalipusta, at nilait nilang tao.
Hanggang sa makaalis siya sa lugar na iyon ay iyon ang tumatakbo sa isip ng binata, napuno na ng galit ang puso niya para sa dating asawa ang sa mga kamag-anak nito, at ang tanging nasa isip niya ay makapaghiganti sa kanila.
Ngunit bago pa man niya gawin ang planong iyon ay may kailangan muna siyang malaman tungkol sa totoo niyang pagkatao, at para magawa niya iyon ay kailangan niyang bumalik sa isla.
Agad na dumiretso si Wilson sa pantalan, kung saan kailangan niyang sumakay ng bangka na maghahatid sa kanya sa kanilang isla.
Patay na pareho ang mga kinikilala niyang mga magulang, pero may natitira pang kapatid ang kanyang Tatay, at iyon ay ang nakakabata nitong kapatid na si Tiyo Andres.
Umaasa si Wilson na masasagot ng kanyang tiyuhin ang tungkol sa kanyang pagkataon, kung may nakakalam kasi sa nangyari kung paano siya napunta sa mga kinagisnang mga magulang ay ito ang makakasagot sa lahat ng katanungan ni Wilson.
"Ikaw ba yan Wilson?" laking gulat ng binata nang makarinig siya ng tumawag sa pangalan niya, kaya naman agad na hinanap ni Wilson ang pinanggalingan ng boses na iyon, at agad nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala kung sino.
Si Christian ay kababata ni Wilson, ngunit mula nang magkaisip ang dalawa ay hindi na nagkasundo ang dalawang lalaki.
Kung si Wilson ay lumaki sa hirap ay iba naman si Christian, may kaya nga mga magulang ni Christian, madami silang mga bangka na pinapaupahan sa mga mangingisda na walang magamit na mga bangka, at maliban pa doon ay sila ang may-ari ng pinakamalaking tindahan sa isla.
Magmula nang magkaisip si Christian ay tinanim na na ng mga magulang nito na hindi siya dapat nakikipagpakaibigan sa mga tulad ni Wilson na galing sa hirap, nakatatak na sa isip ni Christian na gagamitin lang ng mga mahihirap na tulad ni Wilson ang pagkakaibigan na iyon para lang maabuso siya ng mga ito.
Kaya nga kahit magkapitbahay ang dalawa, at naging magkaklase silang dalawa ay hindi na naging magkaibigan ang mga ito.
"Balitang-balita sa isla na hiniwalayan ka na pala ng asawa mo, at ngayon ay magpapakasal na siya kay Bernard Sales," puno ng pangungutya nitong sinabi kay Wilson.
Bigla namang naikuyom ni Wilson ang kamay nang marinig iyon, mukhang alam na halos lahat ng tao sa probinsyang ito ang tungkol sa nangyari sa kanila ng kanyang asawa.
Hindi naman tinago ni Christian ang pagngisi nito nang makita ang pagdidilim ng mukha ni Wilson, sa kaparehong school sila nag-aral nila Wilson, at Celine.
Magmula pa lang nang makita ni Christian si Wilson ay labis na niyang nagustuhan ang dalaga, sino ba naman ang hindi maakit sa kagandahan ni Celine na tinuturing na campus bell ng unibersidad nila, at dahil dito ay iba't-ibang mayayaman at galing sa mayamang angkan na mga binata ang nagtangkang ligawan ito, ngunit wala ni isa man ang nagtagumpay.
Tumigil lang ang mga binatang iyon nang nalaman nila na pinagkasunod na pala si Celine sa anak ng pinakamayaman na angkan sa kabilang bayan, at iyon ay walang iba kung hindi si Bernard Sales.
Ngunit sa pagkagulat ng lahat ay may kumalat na balita na nagpakasal si Celine sa tinuturing na taluna na iskolar na si Wilson, at napatunayan nga iyon nang mismong si Celine ang nagkumpirma ng bagay na iyon.
Labis na inggit ang naramdaman ni Christian, dahil alam niyang galing sa mayaman na pamilya si Celine, at naisip nitong na malalagpasan na siya ng kababata, ngunit kabaliktaran ang nangyari.
Tumigil sa pag-aaral si Wilson sa kagustuhan ng tiyuhin ni Celine, at imbes na maranasan ang magandang buhay ay naghirap ito sa angkan ng mga Rivera, at dahil doon ay nawala ang pangamba ni Christian na mauungusan na siya nito.
"Wala kang pakialam kung ano mang nangyari sa buhay ko," ang galit na sinabi ni Wilson dito.
Minabuti ni Wilson na lampasan na lang ito, at sumakay na sa bangkang maghahatid sa kanya sa isla, habang si Christian naman ay sumakay sa bangkang pag-aari ng pamilya nito.
Kung si Wilson ay nakikipagsiksikan sa naturang bangka, si Christian naman ay prenteng-prente na nakaupo sa maluwag nitong bangkang sinasakyan, muli itong napaismid nang makita ang sitwasyon ni Wilson sa kabilang bangka.
Agad naman umandar ang bangkang sinasakyan ni Christian, habang ang bangkang sinasakyan ni Wilson ay nanatili pa sa pantalon ng sampung minuto hanggang sa tuluyan ng napuno ito.
Hindi naman nagmamadali si Wilson, kaya balewala sa kanya kung maghintay pa siya ng ilang minuto, balak nga niyang sa isla na magpalipas ng gabi.
Ilang sandali lang ay umandar na din sa wakas ang sinasakyang bangka ni Wilson, iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ni Wilson ng mga oras na iyon, ngayong pabalik na siya sa islang tinuring niyang tahanan.
Magkahalong pangungulila, lungkot, at takot ang nararamdaman ni Wilson habang palapit na sila sa isla.
Nangungulila, at nalulungkot siya dahil wala na ang mga kinilala niyang mga magulang na masayang sasalubong sa pagbabalik niya, at takot dahil natatakot siyang malaman ang katotohanan.
Inabot din ng isang oras bago nakarating ang bangkang sinasakyan ni Wilson, at nang makadaong na ang bangka ay isa si Wilson sa mga naunang bumaba doon.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Wilson, ilang taon din siyang hindi nakabalik sa isla, magmula kasi nang pumasok siya sa kolehiyo, at nakapag-asawa ay sa Sta Ynez na siya tumira.
Kakaibang lungkot ang nararamdaman niya nang sa wakas ay makabalik siya sa lugar na kinalakha niya, madami ng mga mukha na hindi siya kakilala, pero ganoon pa din ang itsura sa isla.
Payak na pamumuhay, pero makikita sa mga mukha ng mga nakatira dito ang ngiti, at kakuntentuhan sa buhay.
Minabuti ni Wilson na dumiretso na muna sa dati nilang tirahan, isa iyong baro-barong gawa kawayan, at nipa.
Kahit ganoon ang bahay na ginawa ng Tatay niya ay matibay naman ito, at ilang bagyo na din ang pinagdaanan ng bahay nilang iyon.
Kakaibang lungkot ang lumukob sa damdamin ni Wilson nang maraning niya ang kanilang tahanan, nakatayo pa din ito, pero makikita ang katandaan nito.
Ilang taon na din kasi nang umalis si Wilson, at magmula noon ay wala ng nag-alaga sa bahay na ito, agad nagbalik sa alaala niya ang buhay nilang pamilya.
Oo nga, at salat sila sa mararanyang mga bagay, pero kahit ganoon ay masaya pa din sila. Marunong silang maging masaya, at kuntento sa mga bagay na meron sila.
"I'm home," ang hindi namalayan na lumabas sa bibig ng binata.
Pinigilan niya ang maging emosyal dahil muli niyang naramdaman ang pangungulila sa mga kinagisnang mga magulang.
Kapag lumuluwas siya noon sa isla, at sa tuwing babalik siya ay laging naghihintay ang kanyang Tatay, at Nanay na laging sabik sa pagbabalik niya, ngunit ngayon ay isang tahimik na barong-barong ang sumalubong sa kanya.
Sandali munang tinanggal ni Wilson ang tali sa pinto, sa lugar kasi na ito ay madalang ang mga magnanakaw, dahil wala din naman silang makukuhang importanteng mga bagay,.at maliban pa doon ay magkakakilala ang lahat ng tao sa isla.
Kanina lang nang naglalakad si Wilson ay binabati siya ng mga nakakakilala sa kanya, mula sa mga kababata niya, hanggang sa mga matatanda sa islang iyon.
Hindi lingid kay Wilson na ang ilan sa mga iyon ay pinag-uusapan ang nangyari sa kanila ni Celine, wala siyang alam kung paano nakarating ang bagay na iyon sa isla.
May manipin na mga alikabok ang mga kasangkapan sa loob ng bahay nang tuluyan na siyang makapasok, kaya naman minabuti ni Wilson na bahagyang maglinis.
Hindi naman ganoon kadumi sa loob na halatang kahit paano ay nalilinis din paminsan-minsan, kaya nga wala pang trenta minutos ay natapos na ang binata.
Sandaling lumuho si Wilson, at tumingin sa ilalim ng kawayang papag nila, agad nitong pinasok ang kamay sa ilalim ng papag na para bang may hinahanap ito, at matapos ang ilang sandali lang ay nanilay ang ngiti sa mga labi nito.
Isang lumang lata ng biskwit ang makikita na hawak ni Wilson, at nang buksan iyon ni Wilson ay tumambad sa kanya ang mga laruan niya noong bata siya.
Makikita ang mga sipa, tirado, at sumpit na gawa halos lahat ng Tatay niya para sa kanya, hindi man nito mabili ang mga mamahaling laruan na meron noon si Christian ay sinigurado naman nito na merong laruan ang anak.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makarinig siya ng boses sa labas ng kanilang bahay.
"May tao ba diyan?" ang tanong ng tao sa labas.
Agad namang napatayo si Wilson sa kinauupuan nito, at dali-daling lumabas ng bahay kung saan naroon ang kanyang Tiyuhin na si Andres.
"Tiyo!" masayang-masayang bati ni Wilson sa matanda, agad namang nagmano si Wilson na hatala din na natuwa nang malamang ang pamangkin pala ang tao sa bahay ng kapatid.
Matapos sandaling magkamustahan ay inaya ni Wilson ang tiyuhin sa harapan ng bahay kung saan merong mahabang silya, sakto naman dahil may bubong ang bahaging iyon ng bahay, kaya hindi tumatagos ang sinag ng araw.
"Nabalitaan namin ang tungkol sa nangyari," mahinang sinabi ni Andres sa pamangkin, nag-aalangan ito kung dapat ba nitong sabihin ang bagay na iyon, ngunit minabuti niyang malaman mula sa pamangkin ang totoo.
Bigla namang natigilan si Wilson nang marinig iyon, kahit hindi niya tanungin ay alam na nito na tungkol sa nangyari sa kanila ni Celine ang tinutukoy nito.
Isang malalim na paghinga ang pinakawan ng binata, hanggang sa magpasya siyang sabihin dito ang mga nangyari, magmula ng maaksidente siya, hanggang sa makabalik siya sa Sta Ynez kung saan niya nalaman ang totoo.
"Nakapawalang puso naman pala ng napangasawa mo!" hindi makapaniwalang sinabi ni Andres, hindi nito maisip kung paano tinanggap ng pamangkin ang nangyari, lalo na at alam nito kung anong pagsasakripisyo ang ginawa ni Wilson para lang kay Celine.
Kahit kasi hindi umuuwi si Wilson ay madalas naman silang magka-text na magtiyo.
Hindi maintindihan ni Wilson kung bakit nasaktan siya nang marinig ang sinabi ng tiyo nito patungkol kay Celine, totoo naman na walang puso si Celine sa ginawa nito, pero hindi niya maintindihan kung bakit nasasaktan pa din siya ngayong may pumuna sa dati niyang asawa, kaya agad niyang inalis sa isip ang bagay na iyon.
"Huwag kang mag-alala Tiyo, dahil hindi ako papayag na basta na lang matapos dito ang lahat," seryosong-seryoso sinabi ni Wilson.
Bigla naman nag-aalala si Andres nang marinig iyon sa pamangkin. "Alam kong masakit ang ginawa sa iyo ni Celine, pero huwag ka sanang gumawa ng makakapagpahamak sa iyo."
Hindi napigilan ni Wilson na mapangiti sa sinabing iyon ng Tiyo nito, marahil inisip nito na gagamit siya ng dahas para maghiganti, pero malayong-malayo sa plano ng binata ang tinukoy nito.
Gusto ni Wilson na magsisi si Celine sa ginawa niya sa kanya, kaya naman sisiguraduhin niya na mawawala kay Celine ang bagay na pinakaaasam-asam nito, at iyon ay ang mas lalong umangat, at yumaman.
"Kalimutan mo na ang mga nangyari, mabuti na nakabalik ka na, dito ka na lang uli sa isla," pangungumbinsi ni Andres sa pamangkin, ngunit laking pagtataka nito nang nakangiting umiling lang ang binata.
"Hindi po ako magtatagal Tiyo, may gusto lang akong malaman," seryosong sinabi ni Wilson, habang matiim na nakatingin sa tiyuhin.
Hindi naman maintindihan ni Andres kung bakit, pakiramdam nito ay iba na si Wilson sa dating Wilson na nakilala niya, para bang may nagbago dito na hindi niya mabigyan ng pangalan.
"Anong gusto mong malaman?" tanong ni Andres sa pamangkin.
"Gusto kong malaman kung paano ako napunta kela Tatay, at Nanay?" ang sinabi ni Wilson.
Agad namang nanglaki ang mga mata ni Andres nang marinig iyon, hindi kasi niya inaasahan na iyon pala ang pakay ni Wilson sa pagbabalik sa isla, buong akala niya ay bumalik ito, dahil gusto na nitong manatili dito matapos itong iwanan ng dating asawa.