CHAPTER 10: Sakuna

3026 Words
Nang gabing iyon ay masayang nagsalo-salo ang pamilya ni Andres kasama si Wilson, matagal-tagal din na hindi niya nakita ang pamangkin, kaya nga naisipan niyang ipagluto ito ng tinolang manok, ngunit imbes na tubig ang gamitin ay sabaw ng buko ang pinansabaw sa naturang ulam na paboritong-paborito ni Wilson. "Ano ba talagang balak mo kung hindi ka naman pala mananatili na lang dito?" tanong ni Andres sa pamangkin. Makailang beses na din niyang kinumbinsi ito, ngunit kahit anong sabihin niya ay mukhang desidido na si Wilson sa mga plano nito. "Kailangan kong bumalik, hindi ko puwedeng basta na lang makalimutan ang ginawa sa akin ni Celine," puno ng determinasyon na si Wilson sa tiyuhin. Hindi naman masisi ni Andres ang pamangkin dahil hindi biro ang sinakripisyo ni Wilson para lang makasama ang asawa, kahit ang sarili nitong pangarap ay tinalikuran ni Wilson para lang sundin ang kagustuhan ng mga kamag-anak ni Celine. Pero matapos ang pagsasakripisyo ng pamangkin ay basta na lang nito iiwan si Wilson, para lang sa pera. Katulad ng asawa nitong si Susan. Sa naisip ay isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Andres dahil pareho sila ng pinagdaanan ng pamangkin, ang kaibahan nga lang ay wala pang anak ang mga ito. Isa sa mga problema ni Andres ay ang mga anak, kahit naman noon ay alam ni Andres na hindi gustong mag-anak si Susan, pero napilit niya itong ituloy ang pagbubuntis. Napadami ng kain si Wilson, at matapos maghugas ng pinagkainan ay nagpasya na ang lahat na matulog na. Agad dumiretso si Wilson pabalik sa bahay nila, kahit walang ilaw ay hindi naging hadlang iyon sa binata, dahil maliwanag naman ang bilog na bilog na buwan, at maliban pa doon ay nagbibigay din ng liwanag ang milyon-milyong bituin sa kalangitan. Sobrang payapa ng lugar na iyon, at minsan na nga din naisip ni Wilson na dito na lang manirahan kasama si Celine, pero malabo ng mangyari iyon, dahil pinili nitong iwanan ang binata, at sumama sa iba. Nang makarating sa bahay ay sandali na munang naligo si Wilson sa likod-bahay at matapos nga noon ay agad na din siyang humiga sa papag. Dala ng labis na pagod ay agad ding dinalaw si Wilson ng antok, at ilang sandali lang ay payapa na itong nakatulog, ngunit sa kalagitnaan ng gabi ay nagising si Wilson sa tila usok na nagmumula sa labas ng bahat. Biglang nanglaki ang mga mata nito Wilson nang makita ang malakas na usok, at apoy sa labas, hindi nito tulloy napigilan ang mapaubo nang makalanghap siya ng usok, kaya naman dali-dali siyang nagtakit ng ulo habang agad na dumapa. Unti-unting gumapang si Wilson, hanggang sa makalabas siya ng bahay. Ganoon na lang ang takot na naramdaman nito nang mapansin na hindi lang pala ang bahay nila ang nasusunog, dahil lahat ng kabahayan sa isla ay nasusunog. Maririnig ang sigawan ng mga tao, habang pilit nilang nililigtas ang kanilang mga kabahayan, ngunit dahil gawa halos ang lahat ng bahay sa madaling masunot na materyales ay hindi nila nagawang mapatay ang apoy. "Tiyo Andres," bigla namang tila natauhan si Wilson nang maalala ang tiyuhin, at ang dalawang pinsan nito, kaya nagmamadaling tinunton ni Wilson ang daan papunta sa bahay ng mga ito. Katulad ng kanilang bahay, at nang iba pang bahay ay tinutupok na din ng apoy ang bahay ng kanyang Tiyo Andres, hindi maiwasang mag-panic ni Wilson habang hinahanap ang mga ito, hanggang sa mamataan ni Wilson ang mga ito, hindi kalayuan sa bahay nilang nasusunog. Tulala si Andres habang pinapanood na matupok ang bahay na pinamana sa kanya ng mga magulang, masakit sa kanya na makita na unti-unting mawala ang kahuli-hulihang ala-ala niya sa mga magulang. Dito sa bahay kasing ito pinanganak, at lumaki ang magkapatid na sina Andres at Antonio, at dito din sa bahay na ito nagsama silang buong pamilya. Pinilit ni Andres na magpakatatag para sa dalawang anak, hindi siya dapat panghinaan ng loob. Kaya naman mahigpit niyang niyakap ang mga ito na patuloy pa din sa pag-iyak nang dahil sa takot na nangyayari. Sa ganoon sila naabutan ni Wilson na habol ang paghinga nang makalapit sa mag-aama. "Ok lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Wilson sa mga ito, ngunit nang makitang hindi naman nasaktan ang mga ito ay bahagya ng napanatag ang loob ni Wilson. Hindi nakaligtas sa paningin ni Wilson ang labis na kalungkutan na pilit nilalabanan ng tiyuhin nang tumingin ito sa kanya. Alam ni Wilson kung gaano kahalaga dito ang bahay na iyon, kaya naman alam din niya kung gaanong sakit ang pilit nitong tinatago. Ilang sandali lang ay tuluyan ng naapula ang apoy, ngunit halos wala ng natira sa mga kabahayan sa isla na tinupok na ng apoy. Mas lalong nakita ang pinsala ng sunog nang tuluyan ng magliwanag ang kalangitan, makikita ang pami-pamilya na labis na naghihinagpis sa pagkawala ng kani-kanilang mga bahay, at ari-arian. Matapos kumalma ang lahat ay nagpatawag ng pagtitipon ang punong barangay sa isla, ngunit kataka-takang wala ang pamilya ni Christian sa mga dumalo gayong mas malaking halaga ang nawala sa mga ito, hanggang sa may nakapagsabi kay kapitan na umalis na pala ang pamilyang iyon bago pa magsimula ang sunog. Hindi mahirap isipin na maaring alam na nila ang mangyayari, dahil sila din naman ang unang nagbenta ng kanilang bahay, at marahil ngayon ay papunta na sila sa kabisera, o kaya naman ay sa Maynila na madalas banggitin ng mag-asawa. "Sigurado ako kapitan na ang mga contractor na iyon ang may pakana ng pagsunog sa lahat ng bahay dito sa isla!" galit na galit na sinabi ni Mang Luis. Si Mang Luis ay dating kasa-kasama ng ama  nila Andres, at Antonio sa pangingisda, dito ito pinanganak sa isla at dito na din ito nagkapamilya. "Wala pa tayong ebidensya na sila nga ang may kagagawan nito, hindi tayo basta-basta maaring magbintang hanggang wala tayong nakukuhang ebidensya," pagpapaliwanag ni kapitan na halata ang pagod nang dahil sa nangyari. "Ano pa bang ebidensya ang kailangan? Sila lang naman ang kating-kating palayasin tayo sa islang ito! Maliban pa doon ay sobrang nagkataon naman na kakapunta lang nila kahapon!" galit na galit naman na sinabi ng isang ginang sa grupo. Agad na sumang-ayon ang lahat, pero dahil wala silang makuhang ebidensya ay wala din silang nagawa. Makikita ang sama ng loob ng bawat isa, sa isip ng mga ito ay kahit na magreklamo sila ay wala din namang mangyayari dahil makapangyarihan ang babanggain nila. Sinubukang isalba ng mga tao sa isla ang mga bagay na puwede pa nilang pakinabangan mula sa nasunog nilang mga bahay, pero halos wala na din natira mula doon. Minabuti ni Wilson na magpasama sa tiyuhin sa kabisera para bumili ng makakain para sa lahat, naisip kasi ng binata na makakatulong kung makakain ang mga ito para tumaas ang moral ng mga tao sa isla. Nagpasama na din sila sa iba pang kalalakihan sa isla, at matapos nga noon ay dalawang bangka ang ginamit nila para makarating sa naturang isla. Nang makarating sa kanilang destinasyon ay minabuti na muna ni Wilson ang mag-withdraw, wala kasi siyang dalang cash. Sinubukan niyang mag-withdraw sa ATM na nasa malapit, ngunit dahil may limit lang ang puwedeng i-witdraw dito ay kinailangan niyang pumunta sa mismong bangko ng kanyang ATM card. "Good morning magwi-withdraw sana ako, hindi kasi ako pinayagan na mag-withdraw ng more than twenty thousand," ang sinabi ni Wilson nang  sa wakas ay turn na niya. Nakangiting kinuha ng teller ang withdrawal slip, ATM card, at ang I.D. ni Wilson ngunit ilang sandali lang ay nanlaki ang mga mata nito nang makita ang amount na gustong i-withdraw ng binata. "Sandali lang sir," pilit na ngiting sinabi nito. Sandali nitong tinignan ang bank account ng binata para makasigurado , at doon niya nakita ang mahigit fifty million sa bank account nito. Palihim na tinignan ng naturang teller ang binatang customer, wala kasi sa itsura nito na meron itong ganitong kalaking halaga sa bangko. Ang dahilan kung bakit nagulat ito noong una ay dahil sampung milyon ang gustong i-withdraw ng binata, kaya nga agad niyang chineck ang bank account nito. "Sir, puwede po bang maupo na muna kayo. Kailangan ko kasing kausapin ang manager namin," magalang nitong sinabi. "Ganoon ba? Sige maghihintay na lang ako," nakangiting sagot ni Wilson, at minabuti nga nitong umupo na muna. Agad namang dumiretso ang teller sa opisina ng manager nito, kasalukuyang may kausap sa kabilang linya ang babaeng manager, at nang matapos ay agad nitong pinalapit ang tauhan. "Anong problema Vivian?" tanong ng Manager na nagngangalang Trina. "Ma'am Trina, meron po kasing client na gustong mag-withdraw ng isang milyon," agad nitong sinabi sa Manager. Biglang natigilan si Trina nang marinig iyon, madalang kasi na merong mag-withdraw ng ganoon kalaking halaga sa branch na iyon, kaya naman hindi nito mapigilan ma-excite, dahil sigurado siyang isang mayamang tao ang client nilang iyon. Ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ni Trina nang makita nito ang naturang lalaki, oo nga at magandang lalaki ang naturang binata, pero nang dahil sa suot nito ay hindi mo iisipin na mayaman nga ito. "Sigurado ka ba sa ID na binigay niya?" palihim na tanong ni Trina sa teller na si Vivian. "Sigurado po ako," pabulong din na sagot ni Vivian. Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Trina nang makalapit na kay Wilson, kahit kasi anong tingin niya dito ay masasabi ni Trina na hindi talaga halatang mayaman ang taong ito. "Good morning Sir, sinabi sa akin ni Vivian na gusto daw ninyong mag-withdraw," nakangiti nitong sinabi. "Oo sana, alam kong medyo malaking halaga ang iwi-withdraw ko, pero kailangan ko na kasi siyang makuha," paliwanag ni Wilson. "I'm really sorry Mr. Bonifacion, pero nasa policy po kasi ng bangko na hindi kami maaring maglabas ng ganoon kalaking halaga, at maliban pa doon ay kakailangan pa namin ng isa pang ID mula sa inyo," nakangiti pa ding sinabi nito. Hindi maiwasang pagdudahan ni Trina si Wilson, dahil nga sa suot nito. At para makasigurado ay nanghingi ito ng karagdagang ID sa binata. "Ganoon ba? Wala din kasi akong ID na dala, dahil iniwan ko ang mga gamit ko sa isla." Bigla tuloy nagkaproblema si Wilson, at dahil wala na siyang choice ay tinawagan niyang muli si Charles para tulungan siya. Natahimik naman si Trina na matiim na tinitignan ang binata habang nakikipag-usap ito sa cellphone nito, hindi nakaligtas sa paningin ni Trina ang cellphone na gamit ni Wilson. Iyon kasi ang latest phone ng isang sikat na brand ng cellphone na nagkakahalaga ng mahigit isandaang libong piso. "May tatawag daw sa inyo."  Laking-gulat ni Trina nang marinig iyon kay Wilson, noong una ay hindi niya ito pinaniwalaan, ngunit nag-alanganin siya nang ilang minuto lang ang nakalipas ay nag-ring ang cellphone niya, at ganoon na lang ang gulat ni Trina nang malaman niyang ang presidente pala ng bangko ang tumatawag. Sa nanginginig na kamay ay sinagot niya ang tawag na iyon. "Hello Ms. Salvacion. Meron ba diyang nagwi-withdraw na ang pangalan ay Wilson Bonifacio?" hindi pa man nakakasagot si Trina ay agad ng nagtanong ang nasa kabilang linya. Iyon ay walang iba kung hindi ang presidente ng bangko na si Manny Cruz na siyang big boss ni Trina. "Yes sir," sagot ni Trina sa nanginginig na boses. Sandali pang pinaalalahanan ni Manny ang tauhang si Trina, at nang matapos nga noon ay nakangiti na itong hinarap si Wilson. Hindi nakaligtas kay Wilson ang biglaang pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya, hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa, o madismaya dito. Mabilis lang ay na-withdraw na ni Wilson ang perang kailangan niya, at paalis na sana ang binata nang muli itong tawagin ni Trina. "Mr. Bonifacio sir!" ang tawag ni Trina. Agad namang huminto sa paglalakad ang binata, at hinintay nitong makalapit sa kanya ang naturang babae. "Sir... if there is anything you need you can call me," ang sinabi nito nang iabot nito ang calling card. Agad naman iyong tinanggap ni Wilson, at nilagay sa likurang bulsa ng pantalon, at nang matapos nga noon ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Tahimik namang nakatanaw si Trina sa naturang binata, hindi sinabi ng boss nito ang tunay na pagkatao ng binata, pero sigurado si Trina na hindi basta-basta ang lalaking iyon, dahil hindi naman mag-aabala ng ganoon ang boss nito na personal na tumawag. Mabilis naman natunton ni Wilson ang mga kasama, at nang makita nga ang mga ito ay sabay-sabay na silang bumili ng mga pagkain para sa buong isla. Lahat ng nakikita ni Wilson na mukhang masarap ay binibili nito ng walang pag-aalinlangan, hindi naman maiwasang tignan ng palihim ni Andres ang pamangkin, dahil hindi na basta-basta ang halaga ng binibili nila. "Hindi birong halaga ang ginastos mo Wilson, saan ka nakakuha ng ganitong kalaking pera?" naguguluhang tanong ni Andres. Alam ni Andres ang mga nangyayari kay Wilson dahil nga madalas naman silang nagkakamustahan sa cellphone, kaya hindi maintindihan nito kung paanong nagkaroon ng ganitong karaming pera ang pamangkin.  Isang makahulugang ngiti ang nanilay sa mga labi ni Wilson nang marinig ang sinabing iyon ng tiyuihin, at dahil sa pagkakangiting iyon ng binata ay hindi naman maiwasang mag-isip ng masama si Andres. Natatakot kasi si Andres na baka may masama ng ginawa ang pamangkin para lang makapaghiganti kay Celine, at sa pamilya nito, ngunit minabuti niyang manahimik na muna, at hintayin na masolo niya ang pamangkin. Ilang sandali lang ay nakabalik na sila sa isla, ngunit laking gulot ng grupo nila nang maabutan na madaming tao sa isla, at ang mas nakakatakot ay hindi tagaroon ang mga taong may hawak ng mga armas. Dali-daling nagbabaan ang mga sakay ng dalawang bangka. Iniwan na nga muna nila ang mga pagkain na dala-dala nila, at nagmamadali silang bumalik sa kani-kanilang mga pamilya. Dahil sa pag-aalala ay nagmamadali ding bumaba si Andres sa bangkang sinasakyan nito para puntahan ang dalawa nitong anak, habang si Wilson ay sandaling nagpahuli sa mga ito. Agad naman nahanap ni Andres ang dalawang anak, at nang masiguradong ligtas ang mga ito ay minabuti niyang alamin ang nangyayari. Nasa dalawangpung katao siguro ang mga dayong iyon sa isla na may dala-dalang mga armas na nagpatakot sa mga mamayaman ng islang iyon, at ang nasa gitna ng mga dayo ay ang dating asawa ni Andres na si Susan kasama ang kalaguyo niyong si Leonard. "Ano na naman ang ginagawa ninyo dito?!" galit na singhal ni Andres nang malaman ang taksil na asawa, at ang kalaguyo nito ang naroon. "Hindi pa ba obvious? Nandito kami para tumulong, nalaman kasi namin na nasunog ang lahat ng kabahayan sa islang ito, kaya naman nandito kami para bilhin ang mga lupang kinatitirihan ng mga bahay ninyo," kunwaring naawa na sinabi ni Susan, ngunit halata naman na nagpipigil lang itong mapangiti. Nang marinig nga iyon ay galit namang sumagot ang iba pa na kagagawan nila ang pagkakasunog ng kanilang mga kabahayan, ngunit sandali lang iyon dahil muli silang natahimik nang magkasa ng dalang baril ang mga kasama nila Leonard. "Please, huwag po tayong magpadalos-dalos, may ebidensya ba kayo na magpapatunay na kami nga ang nagpasunog ng mga bahay ninyo?" tanong ni Leonard. Bigla namang napatahimik ang lahat, dahil wala naman talaga silang patunay na kagagawan nito ang sunog kaninang madaling araw, at maliban pa doon ay natatakot din sila sa mga armadong kasama nito. Lihim naman napangiti si Leonard nang wala ng naglakas-loob na salungatin ang sinasabi niya, at ang dahilan ng pagpunta niya dito ay para mapilitan na ang nakatira sa isla na ibenta sa kanila ang kinatitirikan ng kani-kanilang mga bahay, at para na din masimulan ang binabalak nitong island resort. "Handa kong dagdagan ang perang inaalok ko, magbabayad ako ng twenty thousand para bilhin ang kinatitirikan ng mga bahay ninyo, hindi na masama iyon para makapagsimula kayo sa ibang lugar," nakaismid na sinabi ni Leonard, ngunit hindi inaasahan ni Leonard na matapos niyang magsalita ay meron agad na tumutol sa gusto nito. "Hinding-hindi ako papayag sa gusto mo!" matatag na sigaw ni Andres. Bigla namang naningkit ang mga mata ni Leonard habang nakatingin sa dating asawa ni Susan na babae nito. Agad naman sinenyasan ni Leonard ang dalawang tauhan nito para hatatik sa harapan si Andres, at nang makalapit ito ay mahigpit na hinawakan ng dalawang tauhan ang magkabilang braso nito. Kahit anong pagpupumiglas ni Andres ay hindi siya nakawala mula mahigit na pagkakahawak ng dalawang tauhan ni Leonard, at bago pa man siya makapag-reacta ay isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito. Sinundan pa ni Leonard ang p*******t nito kay Andres, natigil lang iyon nang nagmamadaling lumapit ang panganay na anak ni Andres na si Anton. "Huwag ninyong saktan ang Tatay ko!" umiiyak na sinabi ni Antok habang mahigpit na nakayakap sa leeg ng ama. "Umalis ka na dito!" agad na utos ni Andres sa anak, ngunit huli na dahil mahigpit ng nahawakan ni Leonard ang bata. Tila naman walang pakialam ang ina nito na nanonood lang hindi kalayuan kung nasaan ang mag-ama nito. "Kung ang mga anak mo kaya ang mapahamak ng dahil sa katigasan ng ulo mo?" sadya pang nilapit ni Leonard ang mukha nito sa tenga ni Andres. Ganoon na lang ang takot ni Andres nang marinig iyon. Kaya niyang tiisin ang p*******t ng mga ito, pero hindi niya kakayanin na mapahamak ang kanyang mga anak, kaya naman mabigat man sa loob nito ay kailangan niyang sumunod sa kagustuhan ni Leonard. "Pumapayag..." Hindi pa man natatapos ni Andres ang sasabihin nito ay naputol na iyon nang may isang malakas na boses ang pumailanlang sa paligid. "Hindi sila magpapabayad sa inyo!" malakas na sinabi ni Wilson. Para namang tubig na nahati ang mga tao, hanggang sa tuluyan ng makita ni Leonard ang pinanggalingan ng boses na iyon. Bigla siyang natawa nang makita kung sino ang taong iyon, kung hindi kasi ito nagkakamali ay ito ang pamangkin ng dating asawa ni Susan. "Bakit mo naman nasabi yan?" natatawang tanong nito kay Wilson. Sandaling katahimikan ang lumipas bago sumagot si Wilson, at lahat ay nagulat sa sunod nitong sinabi. "Dahil ako ang bibili ng islang ito!' puno ng determinasyon na sinabi ni Wilson, habang wala itong kakurap-kurap na nakatingin kay Wilson na halata ang pagkagulat sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD