Sandali lang ang pagkagulat na iyon ni Leonard nang dahil sa sinabing iyon ni Wilson, at matapos nga noon ay isang nakakalokong pagtawa ang lumabas sa bibig nito..
Agad naman nagsisunod ang mga tauhan nito, ngunit pinakamalakas ang naging pagtawa ni Susan nang marinig ang sinabing iyon ng pamangkin ng dating asawa.
Kilalang-kilala niya si Wilson, dahil magmula pagkabata pa lang nito ay nakakasama na nila ito, kaya naman sigurado siyang walang malaking halaga itong hawak, kaya naman malabong mangyaring matumbasan nito ang offer na pera ni Leonard sa mga tao sa isla.
Mahigit isang minuto din siguro ang nakalipas nang mahimasmasan si Leonard, at ang mga tauhan nito. May luha pa nga sa mga mata ni Leonard nang muli itong tumingin kay Wilson.
"Sa tingin mo ba ay may kakayahan kang bilhin ang islang ito at bayaran ang bawat pamilyang nakatira dito?" nanunuya nitong tanong.
"Kaya ko, at mas kaya ko pang higitan ang inaalok mo sa kanilang bayad," matatag na sinabi ni Wilson.
Isang nanunuyang ngiti ang nanilay sa mga labi ni Leonard nang marinig iyon, dahil sigurado siyang mahirap lang din ang taong ito katulad ni Andres, pero gusto niyang makita kung hanggang kailan ito makakapagpanggap.
"Baka kainin mo ang sinabi mo," mapanganib na sinabi ni Leonard.
"Kung mabayaran ko ang lahat ng pamilyang narito na mas higit sa inaalok mo, titigilan mo na ba kami?" naghahamon na tanong ni Wilson.
Sandali natigilan si Leonard nang marinig iyon, ngunit sandali lang iyon nang makita nito ang pagsusog ni Susan sa kanya.
"Sige! Ipinapangako ko, kung malagpasan mo ang offer ko sa kanila ay aalis na kami sa islang ito, at hindi na kami manggugulo pa," pangako nito.
Alam naman ni Leonard na nagpapanggap lang si Wilson, dahil kung may pera nga ito ay hindi magkakaganito ang sariling tiyuhin, at mangyayari pa na iwan ni Susan ang asawa, at sumama sa mayamang tao.
Agad naman kinuha ni Wilson ang dalang paper bag kung saan nakalagay ang bungkos-bungkos ng pera na winithdraw nito kanina.
Maririnig ang pagsinghap sa mga taong naroon nang tuluyang tumambad ang pera na binuhos ni Wilson.
Hindi naman makapaniwala si Leonard, at kahit si Susan habang nakatingin sa bungkos ng pera sa buhanginan.
Kung hindi nagkakamali si Leonard ay nasa sampung milyon din ang perang binuhos ni Wilson, muli ay hindi makapaniwalang napatingin si Leonard sa binata.
"Bibigyan ko ang lahat ng bawat pamilya ng isang daang libong piso!' mas lalong natuliro ang lahat nang marinig iyon.
Kasalukuya ay nasa halos isang daan ang pamilya sa isla, kung bibilangin ay aabot nga iyon sa sampung milyong piso.
Hindi lang sila Leonard, at Susan ang naguguluhan, dahil maski si Andres ay hindi makapaniwala kung saan nanggaling ang perang iyon ni Wilson, muli na naman tuloy niyang naisip na baka may ginawa itong masama.
"Sapat na ba ang perang ito?" seryosong tanong ni Wilson kay Leonard na patuloy pa din na natitigilan.
Hindi inaasahan ni Leonard na makakapaglabas nga ng malaking halafa ang binatang kaharap, pero sandali lang iyon dahil wala naman talaga siyang balak na tuparin ang pinangako niya.
"Wala akong pakialam kung may pera ka! Basta itutuloy ko ang pagkuha ng islang ito, at wala kayong magagawa lahat!" galit na galit na sinabi ni Leonard.
Nang marinig nga iyon ay agad na kumilos ang mga tauhan ni Leonard, ngunit parang balewala lang kay Wilson ang mga ito, dahil kalmado pa din itong nakatayo sa kinatatayuan nito kanina pa.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?!" galit na singhal ni Leonard dito.
Kasalanan kasi nito kung bakit napahiya siya sa mga taong dukha sa paligid, ayaw pa naman nito na napapahiya siya sa harap ng mga taong mababa sa kanya, kaya isang malaking sampal sa pride ni Leonard ang nangyari.
"Hindi ako tatalikod sa napag-usapan natin kung ako sa iyo," kalmado pa din na sinabi ni Wilson na lalong nagpakulo ng dugo ni Leonard.
Kaya naman inutusan ni Leonard ang mga tauhan nito na saktan si Wilson, ngunit bago pa man sila makalapit sa binata ay natigilan na sila nang may sampung malalaking private helicopter ang tumigil sa isla, at mas lalo pang nagpagulat sa kanila nang marinig ang malakas na boses galing sa megaphone kung sinuman ang sakay ng mga helicopter na iyon.
"Stay where you are! Don't you dare harm anyone!" ang malakas na boses mula sa isa sa mga helicopter.
Tuluyan ng nag-panic si Leonard, at ang mga kasama nito, hindi siya makapaniwala na may tutulong sa mga tao sa isla na ito, at kung titignan ay hindi basta-basta ang mga helicopter na nasa himpapawid.
Ang mga helicopters na ito ay ang pinakabagong modelo ng West Industry, mula sa mga helicopters, fighter jets, tanks at kung ano-ano pa.
Agad nagsiluhod sila Leonard, at ang mga tauhan nito, hindi nito napigilan muling tignan si Wilson, hindi niya sigurado, pero malakas ang kutob nito na may kinalaman ang binatang kalmado pa din na nasa harapan nito.
Ilang sandali lang ay nag-landing na ang mga helicopters, at agad tumambad sa lahat ang mga nakasuot na itom na mga special agents.
Sila ang mga personal army ng ama ni Wilson na si West Aragones, kanina kasi ay tinawagan na ni Wilson si Charles para hingin ang tulong nito nang makita ng binata ang mga armadong tauhan ni Leonard.
Mabilis lang napakilos ni Charles ang mga tao lalo na, at para sa kaligtasan ng kanilang Young Master ang misyon nila ng araw na iyon.
"Sino ka... talaga?" naguguluhang tanong ni Andres nang tulungan ito ni Wilson na makatayo.
"I will explain everything later," pangako naman ni Wilson sa tiyuhin.
Sandali nitong hinatid ang tiyuhin sa malapit na upuan, at nang masiguradong maayos na ang lagay nito ay muli niyang binalikan si Leonard, at ang mga tauhan nito.
Mababakas naman ang takot sa mukha ng mga ito, lalong-lalo na sa magkalaguyong sila Leonard, at Susan.
Hindi nila inaasahan na mangyayari ang bagay na ito, dahil alam ng dalawa na lahat ng nasa isla ay walang-wala sa buhay.
Sino nga ba naman ang makakaisip na isa sa mga tao sa isla ay isa palang anak ng isang bilyonaryo na kayang magpapunta sa maliit na islang ito ng sam