MPD 3- Blight Mejarez

1290 Words
Rijon POV Matapos naming mag-usap ni Blight, kasi wala si Shawn at mukhang ibang no. ata ang binigay ng kumag na iyon. Tinext ko na iyong address ng clinic. Naguluhan pa nga ako bigla dahil ibang tao ang nakausap ko. Sino ba talaga ang kausap ko kagabi. Eh Sino ang kasama ko kagabi?? Nababaliw ba ako? Teka, baka doppelganger niya kaya o kambal niya?? Hmmmm. Hala nakakatakot naman. Hindi pa naman ako nakakakita ng multo. Tapos sa akin kakaibang experience. Niligtas ko na nga, ginamot ko pa at nakipaglaro pa sa akin. Hayyysss, ang gulo. Tsss. Parang ayoko tuloy siyang makita. Natatakot ako. Hayyssss. Di bale naibigay ko naman na iyong address, mas maganda na iyong malinawan ako kaysa mag-iisip pa ako kung nakipag-usap ako sa multo o hindi. Inasikaso ko muna yung pinagagawa sa akin ni Ms. Ruffa para sa mga blood sample. Dinala ko na din agad ang iba sa hospital para malaman na ang result ng patient namin at isesend na lang nila ang copy sa amin kaya bumalik din agad ako sa clinic. Pagbalik ko sa clinic nagkakagulo yung mga staff. "Huy, Rijon, kapatid mo ba talaga yung nasa headquarters ngayon?" sabi ni Micah "Ha? Sinong kapatid?" takang tingin ko sa kanila. "Yung lalaki sa headquarters, hinahanap ka niya ngayon, eh nagtanong kay Ms. Ruffa kung may pahingahan tayo. sinabi ni Ms. Ruffa na may headquarters tayo para sa mga bisita. Kaya iyon, pumunta siya doon." sabi naman ni Angel. Napaisip naman ako dahil isa lang naman alam kong maghahanap sa akin kundi si Shawn, este si Blight lang ang pupunta ngayon kasi hindi naman daw siya si Shawn. Yun ang sabi niya. "Ahhhh, baka si Blight." sabi ko sa mga ito. "Hmmm, parang hindi Blight ang pangalan niya eh. Sino nga siya Micah?" pag-iisip ni Angel. "Reji daw eh." sabi ni Micah "Oo, Reji ang pangalan, kapatid mo daw siya. Totoo ba?" sabi ni Angel. "Aaaiiissssh. talaga" inis kong sabi at iniwan na lang sila basta basta. "Huy, Rijon." tawag pa sa akin ni Angel. Si Reji talaga, hindi man lang ako hinintay sa labas. Kainis. Tsaka kapatid nga pala ang sabi nila, bakit ba si Shawn at Blight ang nasa isip ko. Hayssss. Whatever. Nang makarating ako sa headquarters ay agad kong binuksan ang pinto at nakita ko lang naman ang kapatid kong nakahiga sa kama. "HOY! REJI, BAKIT HINDI MO KO HININTAY SA LABAS HA!!! HA!!!!" sigaw ko dito. "Ano ba naman yan Ate, ang ingay mo. Alam naman na natutulog ang kapatid mong gwapo." inis na sabi nito sabay smirk. Lumapit naman ako kaagad sa kanya. "Huy, Reji, bakit ka ba,,,,,,, gagi may lagnat ka ba?" hipo ko sa noo niya dahil sobrang init niya nung hawakan ko ang braso niya hindi dahil sa init ng kagwapuhan niya. Oo, aminado ako na mas gwapo tong lokong to kahit kapatid niya ako. "Hindi te, sobrang lamig ko nga eh. tsss. pwede bang magpahinga muna kahit ilang oras lang?" sarkastikong sabi nito. "Haysss ewan ko sa iyo. Sige magpahinga ka muna dyan at magtatrabaho lang ako, dadalhan na lang kita ng gamot diyan." sabi ko dito bago ako tumayo. "Huwag na, pahinga lang ito Ate, sige magtrabaho ka na at mag-eexplain ka pa sa akin." "Ayyyy, huwag nang mag-explain. Kainis naman." irita kong sabi sa kanya. "Psssshh, Shoooo, layas." pagpapalabas nito sa akin. "Grrrr. Cheee." inis kong labas sa headquarters. Paglabas ko ay nagpakalma muna ako at tsaka nagsimulang ngumiti sa nakakasalumuha kong mga pasyente. Sinabi ko na din kay Ms. Ruffa na natapos ko na yung pinapagawa niya sa akin. Kasalukuyan na akong nag-aayos ng inventory ng biglang lumapit sa table ko si Ms. Ruffa. "Rijon, may naghahanap sa iyo sa labas. Blight daw ang pangalan." ngiti nito sa akin. "Ahhh, Sige po Ms. Ruffa." tayo kong sabi. "Pero Rijon, diba siya yung pasyente natin kagabi?" takang tanong nito. "Ahhhmm, opo siya nga po." tingin ko dito. "Eh, bakit ganon, Blight ang binigay niyang pangalan?" "Hindi ko din po alam, pero iyon po ang aalamin ko ngayon Mam" paliwanag ko dito. "Oh, siya sige. Baka naghihintay na iyon." "Sige po." paalam ko dito. Agad ko din itong pinuntahan at unang kita ko pa lamang dito ay ibang-iba talaga sa kanya si Shawn. Magkahawig sila pero iba ang porma ng kanilang suot. Nakatayo lang ito sa tapat ng sasakyan niya at mukhang may hinihintay. Lumapit naman ako dito. "Good afternoon, Mr. Blight?" ngiti ko dito. Napatingin naman ito sa akin at tinitigan lang ako. "Hello?" pag-uulit ko. "Ahhmmm, Hi, Rijon right?" tanong nito. "Yes, I'm Rijon Pelaez." muling ngiti ko dito. "Ahhh, okay, anyway, about sa nangyari kagabi. I will pay you 1 million para lang manahimik kalang." seryosong tanong nito sa akin. "Ha?" takang tanong ko naman sa kanya. "Shawn Mendez and I are the same." "Wait, what?" naguguluhan kong tanong. "I'm serious kaya kung hahanapin mo si Shawn, huwag mo na siyang hahanapin." hawak nito sa balikat ko. "T-teka, bakit? ano bang nangyari sa kanya? patay na ba siya?" pag-aalala ko. "Hindi siya patay, nasa katawan ko siya!" pagdidiin niyang hawak sa balikat ko. "A-aray, nasasaktan ako." pigil ko sa kanya. "S-sorry. P-pasensya na." bitaw nito sa akin. "Hmm, Okay, Hindi mo ko kailangan saktan para lang kalimutan ang taong iyon, nag-aalala lang ako dahil grabe ang natamong bubog niya kagabi dahil sa pagtatanggol sa akin at mas lalong hindi ko kailangan ng pera mo para lang itago ang identity mo. Kung sino ka man, kung si Shawn ka man or Si Blight or whatsoever, Wala akong pakielam basta huwag ka ng babalik dito. Wala din naman akong pakielam kung ganyan lang din naman pala sasabihin mo sa akin ngayon." matalim kong titig sa kanya. Umalis na ako sa harap niya dahil ramdam ko padin ang hawak niya sa akin kanina at kung batayan lang ng pera para maitago ko ang lihim niya, di bale na lang, kaya kong kitain iyon kahit may binabayaran akong bills. "Oh, Ate, mukhang badtrip ka ah." salubong ni Reji sa akin. Tinarayan ko lang ito at nilampasan. "Wow, isnabera na pala ang Ate ko, ganyan ka ba sa mga pasyente mo?" habol nito sa akin. "Ano ba Reji, tigilan mo nga ako ngayon. Tssss." harap ko dito bago layasan ulit. "Ayyyy, Iba na talaga ang Ate ko, di ka naman ganyan sa mall dati ah." "Anu ba, sabihin mo na lang kila mama at papa na iba na ang trabaho ko tapos umalis ka na, ginugulo mo lang ako dito eh." harap ko sa kanya. "Pssshh, ikaw na magsabi. Nag-aalala lang sila mama at papa sa iyo dahil hindi ka sumasagot sa tawag nila. Gano ba kahirap ang mangamusta sa kanila. Hindi naman diba? Ate?" tingin nitong malala sa akin. Bigla naman nagbago ang expression ko. Baka napataas lang dahil sa nangyari. "Haysss, Oo na, tatawag na lang ako mamaya sa kanila." sabi ko dito. "Pero Ate, pwede bang magsinungaling ka muna na okay ka kahit alam kong hindi dahil nagsisimula ka na naman ulit magtrabaho." mahinahon nitong sabi. "Oo na. Tsss, Ohh siya, nakakaabala ka na sa trabaho ko, kabago-bago ko palang baka mawalan kaagad ako ng trabaho tsaka baka nakakaabala na ako sa trabaho mo." pagpapalayas ko dito. "Suuusssss, huwag kang mag-alala day-off ko ngayon kaya hintayin kita hanggang uwian. Treat ko ang Ate ko dahil nakahanap na siya ng bagong trabaho. Yieeeee." hawak nito sa kamay ko at tinaas pa nga. "Sira ka talaga." batok ko dito. "Sige na, magtrabaho ka na. Kita na lang tayo mamaya Ate." ngiti nito sabay yakap para magpaalam. (Out of nowhere ay nakita ito ni Blight Mejarez at naging si Shawn siya. "Lagot ka sa akin mamaya." ngiting sarkastiko nitong sabi. (Tsaka ito umalis sa kinatatayuan niya.) 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD