MPD 4 - Girlfriend

1304 Words
Rijon POV Lumipas ang ilang oras at pa-off na ako ng biglang may lumapit sa akin. Pagtingin ko ay si Mr. Mejarez. "Oh, Mr. Mejarez. May kailangan ka?" tingin ko dito habang nag-aout na sa trabaho. "Mukha atang nakalimutan mo kung sino nasa harap mo ngayon." ngisi nito. "T-teka, S-shawn." tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa. Iba nga ang itsura niya ngayon kaysa kanina although pareho padin sila ng damit pero iba ang aura niya ngayon at iba na ang ayos ng buhok nito ngayon. "I-ikaw pala, akala ko hindi ka na pupunta." pilit ngiti ko dito. "Pupunta naman talaga ako kaso iba ata ang pinapunta mo. Natagalan ata ako, dapat talaga hindi na ako natulog." muling ngisi nito. "Ha? anong konekta naman ng tulog mo sa nakalimutan mong pagpunta dito?" takang tanong ko sa kanya. "Sinisira kasi ng Blight na iyon ang plano ko. Di bale may pupuntahan ka ba?" tingin nito sa akin. Agad naman akong napaisip kung meron ba hanggang naalala ko ang sinabi ni Reji na aalis kami ngayon dahil ililibre ako nito. "Ahhhm meron eh, pero bago iyon patingin nga ako ng sugat mo kung okay na o hindi." agad ko naman hinawakan ang mukha niya at chineck ito. "Okay naman na ang mga sugat mo at hindi naman na siguro kailangan ng ct scan tsaka mukhang okay ka naman na." ngiting sabi ko dito. "Ang ganda mo talaga kapag ngumingiti." ngiti nito sa akin at akmang hahalikan pa ako kaya agad akong lumayo sa kanya. "T-teka, Hahaha, okay ka lang ba talaga, mukhang napuruhan ka ata kagabi." hawak ko sa pisngi kong nag-iinit at patawa-tawa lang. "Hahahaha, ang cute mo!" natatawa nitong sabi. "Hala siya, tigilan mo nga ako. Hahahaha" hampas ko dito. "Sige na, may pupuntahan pa ako. Bye." dugtong ko. Umalis ako sa harapan niya at hindi naman niya ako pinigilan. Ang assumera ko naman kung pipigilan niya ako. hahaha. Nakita ko naman si Reji na naghihintay sa labas ng clinic kaya kumaway na ako sa kanya at lumapit naman ito sa akin. "Ate, antagal mo naman lumabas. Tumae ka siguro?" akbay nito sa akin. "Sira, Eh may humabol na pasyente kasi eh." akbay ko din sa kanya. "Sus, nabago lang trabaho sobrang workaholic muna. Hahaha." sabay gulo nito sa buhok ko. "Sira ulo ka talaga, tsaka ano ba, huwag mong guluhin ang buhok ko, kainis ito." tanggal ko sa kamay niya. "Si Ate talaga hindi na nasanay." muling akbay nito sa akin. "Eh sa totoo naman kasi sinasabi ko, kasalanan ko ba iyon?" taas kilay kong tingin sa kanya. "Oo na, oo na, naniniwala na ako basta ikaw. hahaha. Tara, dadalhin kita sa magandang lugar." hila nito sa akin. At ito naman ako, nagpahila naman ang Ate. Nakarating kami sa isang banchetto sa Qc at napagdesisyonan naming doon na lang kumain. Nang makapili kami ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa buhay niya at buhay ko ngayon. Magiging editor na daw siya sa pinagtatrabahuhan niya ngayon kaya pala nagpalibre ang loko. Patapos na kaming kumain ng biglang may humila kay Reji at pagkakita ko ay Si Shawn at tinulak ang kapatid ko. "Shawn, anu ba." sigaw ko dito sabay layo sa kanya kay Reji. "Huwag mong malapit-lapitan girlfriend ko." duro ni Shawn kay Reji. Napangisi naman si Reji. "Wala akong pakielam kung girlfriend mo yan, eh ako kasama niya ngayon." maangas na sabi ni Reji. "Reji, ano ba, tigilan mo nga yan, sira ulo ka ba?" sigaw ko dito. "Eh gago pala yan eh." muling suntok ni Shawn kay Reji. "ANO BA, TAMA NA SHAWN!" pigil ko ito. Hanggang sa tinulungan na ako ng mga tao sa paligid. "Bakit ka ba nanununtok, kilala mo ba kung sino ako ha!" sigaw ni Reji. "Wala akong paki kung sino ka basta huwag mong hahawakan ang girlfriend ko." sigaw naman ni Shawn na lalo kong kinabibigla dahil hindi naman naging kami. "Bakit hindi mo tanungin si Rijon kung sino ako sa buhay niya bago ka nanununtok." maangas na sabi ni Reji. "Bakit sino ba siya tsaka bakit mas kampi ka sa kanya?" tingin sa akin ni Shawn. "Sabihin mo diyan sa boyfriend mo kung sino ako sa iyo! DI BA ATE!" natatawang sabi ni Reji. " Haiissttt." padyak kong hila kay Shawn. Hinila ko ito palabas lalo na sa hindi kami makikita ng mga tao sa loob ng pinagkainan namin ni Reji. *slap* "KAPATID KO LANG NAMAN ANG SINUNTOK MO! Ano bang problema mo?" tingin ko dito. "Ahhhh, akala ko kasi kung sino." napapakamot nalang sa ulo. "Nahihibang ka ba? sana tinatanong mo ako, t-tsaka, anong sinasabi mo sa loob ha! Na g-girlfriend mo ako?" taas kilay kong tanong sa kanya. "Oo, bakit may mali ba sa sinabi ko?" "Oo, meron, maling-mali ang ginawa mo. Tsss. patay na ako nito. Tsaka hindi ko naman maalala kung nanligaw ka sa akin kaya WALANG TAYO. Magsorry ka sa kapatid ko." inis kong sabi sa kanya. "Hindi ako magsosorry." tingin nito sa kalsada. "Aba't, TSSS, Sa ayaw mo o hindi, magsosorry ka doon dahil ikaw ang gumawa ng eksena at bawiin mo sa kapatid ko na boyfriend kita." hila ko dito. "Kasalanan niya iyon kung bakit ako nagkakaganto, Kung makahawak siya sa iyo parang kanya ka." iwas nito sa kamay ko. "Malamang, ganun talaga lalapit iyon dahil KAPATID ko nga iyon, malamang naman na tayo ang magkapatid eh HINDI naman, Mas lalo na kung GIRLFRIEND mo ako!" tingin ko sa kanya. "Ah basta di ako magsosorry." matigas na sabi nito. "AIIISHH." lapit ko dito sabay batok ng malakas. "ARAY ah!" hawak nito sa ulo niya. "Magsorry ka doon." muling hila ko dito. Bumalik kami kung saan kami galing at nakita ko si Reji na naghihintay sa labas. "Bunso sorry ha, Ito kasi eh! Magsorry ka nga." turo ko kay Shawn. "Hmmp, kapal ng mukha, di marunong magsorry. Wala yan Te, mahinang nilalang yan." pang-aasar ni Reji. "Ano ba, tumigil ka nga, tsaka di ko naman b- hmmm," pigil sa akin ni Shawn. "S-sorry pre, akala ko kasi nanliligaw ka sa kanya." sarkastikong sabi ni Shawn. "Hmp, Eh bakit ako manliligaw sa kanya eh Ate ko yan. Hindi porket mayaman ka, nananakit ka na ng ibang tao. Tara umuwi na tayo." hila sa akin ni Reji. "Teka sa akin siya sasama." hawak naman ni Shawn sa kamay ko. "Sa akin siya, Wala akong tiwala sa iyo pre, kilala ko Ate ko." muling hila sa akin ni Reji. Wala naman nagawa si Shawn kundi bitawan din niya ako. Matagal-tagal din kaming naglakad ni Reji hanggang sa natawa ito. "HAHAHAHAHA, Walanghiya." tawa nito sabay hawak sa labi niyang pumutok dahil sa suntok ni Shawn kanina. "Huy, Anong nangyari sa iyo?" takang tanong ko sa kanya habang hinampas ko siya dahil wala naman nakakatawa. "p*ta, girlfriend ka daw, hahahaha hindi naman totoo iyon eh, wala ka ngang pinakikilala sa akin." tawa padin nitong sabi. "Aba, parang sinabi mong hindi na ako pwedeng magboyfriend?" inis kong sabi dito. "Haha, sorry na, pwede naman syempre, ikaw pa ba? ang ganda mo kaya. Ang hindi ko lang mapaniwalaan kung paano siya umakto hahahaha." nauubo na ito sa kakatawa. "Reji, kilala mo ba kaharap mo kanina?" seryosong sabi ko sa kanya. "Oo, Alam ko Ate." ngiting seryoso sa akin nito. "Ano?" nagtataka kong sabi. "Tropa ko iyon pero ng makita ko siya sa pinagtatrabahuhan ko hindi niya ako kilala kaya simula noon, hindi na kami nagkita." seryosong sabi nito. "Tsaka malay ko ba na magkikita kaming dalawa ngayon, lalo pa at sinasabi nito na girlfriend ka niya Bwahhaahha. Impossible talaga. Hahahaha." natatawang sabi ulit nito. "Alam mo Reji, sira ulo ka, ganyan ka na pala sa akin. Ewan ko sa iyo. Maluwag na ata turnilyo mo. Bahala ka na nga dyan. Tinalikuran ko na ito kahit tinatawag niya pa ako. Iniwan ko siya. Bahala siya sumunod siya dyan.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD