MPD 2 - Shawn Miller

1583 Words
Rijon POV Kasalukuyan ko ng ginagamot si Shawn. Napakadami ng galos niya sa mukha kaya yung ibang part ng mukha niya ay hindi ko na maayos este malinis pero push lang hanggang sa makita ko kung ano ba ang mukha niya. Inadvice ko nalang siya na magpamedical test dahil bugbog sarado siya kanina. Kumbaga sa clinic namin ay paunang lunas lang talaga magagawa namin. May panaka-naka na nadidiinan ko ang pagdampi ng bulak sa mukha niya pero wala akong nakikitang reaksyon sa kanya. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala siya umaaray. "Aray!" sabi nito. Napatingin naman ako ng maayos sa kanya. Ang gwapo pala kapag nalinisan ang mukha niya. "Tss." sabay yuko nito. "Ahmm, S-sorry. Pasensya na." baba ko naman sa kamay ko kaya bumalik na lang ako sa mesa para asikasuhin yung mga kalat namin. "Ahm, Shawn, next time wag ka nalang sasali sa gulo para hindi na maulit ito and better kung magpact-scan ka para malaman kung may pumutok na ugat dyan sa ulo mo." paalala kong sabi ko dito. "What if kung ayaw ko. Tsk." sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya. "Huy, di pwede yun. Need mo yun." tingin ko dito ng masama. "Eh sa ayoko nga eh. Gusto ko samahan mo ako." ngisi nito. "A-abat lakas nito ah. May sapak ka na nga talaga sa utak. Ikaw na mag-isa. Aisshh. " maktol ko. "Pleasseee." Pacute nito. "Ewan ko sa iyo. Pasalamat ka concern ako. Sige bukas. Sasamahan kita. Bumalik ka nalang bukas dito. Tsaka need ko nadin umuwi." sabi ko dito. Pagkatapos kong ligpitin lahat ng gamit ay nagpaalam na ako kay Mam Dianne dahil dapat kanina pa ako nakauwi sa bahay kundi dahil sa taong ito. Kung hindi ako binangga. Edi nasa bahay na ako. Pakain-kain nalang at sa mga oras na ito ay natutulog na dapat ako. Haysss. Hindi ko talaga kakalimutan pangalan niya. SHAWN MILLER. Grrrrr. " Ahm, Shawn, dito na ako. Uuwi na kasi ako. Ingat ka nalang sa daan. Huwag ng sasali sa gulo. Naku, naku." paalam ko dito. Tumango lang ito pero wala parin siyang reaksiyon. Hindi pa ako nakakalayo eh napapansin ko naman na sumusunod siya sa akin. Pagtitigil ako ng lakad ay titigil din siya. Ano naman trip niya sa buhay? Lakas siguro ng impact ng pagkakabugbog sa kanya kanina. Tsk. Tsk. Kaya ang ginawa ko ay tumingin na ako sa kanya. Yung tipong naniningkit na yung mata ko sa pagtingin sa kanya. Lumapit naman ito. " Ahmm Ms. Sorry sa abala. Sino ka nga ulit?" sabi ni Shawn "Ahh. Yun lang ba?" paninigurado kong tanong sa kanya. Muling tumango lang ito. "Para lang sa pangalan ko kaya mo ko sinundan?" tanong ko ulit. Tango lang ulit ang sinagot niya. Napahawak naman ako sa noo ko. Hay naku nalang talaga. "Okay, I'm Rijon." sabay lahad ko sa kamay ko para makipagshakehands sa kanya. Tinanggap naman niya. "Pahiram ako ng phone mo." utos nito. "B-bakit? Anong gagawin mo sa phone ko?" pagtataka ko. "Diba sasamahan mo ko bukas? Remember?" sabay nagbuntong-hininga siya nang malalim. "Ahh, eh, oo nga pala. Hehe sensya naman." natatawa kong sabi sabay abot ng phone ko sa kanya. "Yan, pangalan ko ang nakalagay dyan. Shawn Miller. Tatandaan mo yan." walang buhay na sabi nito. Natahimik naman kami ng ilang minuto pero binasag na niya iyon. "Gusto mo bang makipaglaro?" tanong nito. Naguluhan naman ako. Seryoso ba siya. Sa ganitong oras. Mag-10 na ng gabi. Hindi pa ako nakain. Naku naman talaga. "Seryoso ka ba? “ sabi ko dito pero tumango lang ito." ano namang laro? " naguguluhan kong tanong sa kanya. " Susundin ko lahat ng sasabihin mo. Ano Game? " walang emosyon na sabi nito. Alam niyo yung tipong maangas siyang magsalita pero walang emosyon. Basta yun. Ganun na ganun siya. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya habang nararamdaman ko naman yung sikmura ko na kumakalam na. Napaisip naman ako. "Okay Game. Stop." pagkasabi ko nun ay bigla siyang tumigil. Nagtaka naman ako dahil hindi na siya gumagalaw. Naka steady na siya. Hala, seryoso ba siya?? Kumaway kaway naman ako sa harap ng mukha niya. Kahit nga ang pagkurap ay di na niya nagawa. Talagang nakastop siya. " Hmm, turn around." at umikot siya. Legit nga na sinusunod niya ako. "Okay Shawn, umuwi ka na sa inyo at magpact-scan ka bukas. Okay!" pagkasabi ko sa kanya ay tumango lang siya at kusang umalis na sa harapan ko. Lah, napakaeasy naman niya. Aisshh. Tinignan ko nalang siyang naglalakad patungo sa malayo kaya pinagpatuloy ko na lang din ang paglalakad ko at maghintay ng jeep sa mismong hintayan para makauwi na rin ako sa bahay. Napagod ako ngayong araw dahil sa kakaasikaso sa mga pasyente. Lalo na sa taong ito. Kinabukasan. Maaga akong dumating sa Clinic mga 7:30 ata. Alam niyo yung pakiramdam na may kailangan kang gawin pero di niyo maalala. Ganun kasi ako ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit ang aga-aga ko kahit ang duty ko ay 9 pa. Siguro dahil may work na ako kaya excited lang ako. Nakatulala lang akong humihigop ng kape ng mapadako ang mata ko sa cp ko. May something talaga sa cp ko. Sumingkit na ang mata ko sa kakatingin ng maalala ko ang gagawin ko. "Ahh, oo nga pala!" agad ko itong kinuha at nagcheck sa faceboom. ________________________________________ Reji laki Ate bibisita ako dyan sa mall mamaya. May ibibigay lang ako. Me Huy, bakit ka pupunta?? Alanganin ka masiyado. Reji laki Ha? Paanong Alanganin? Ate magkita tayo mamaya! Kahapon ka pa ah! _______________________________________ Magrereply na sana ako ng biglang tumawag siya. "Hoy, Ate, bakit ayaw mong makipagmeet sa akin?! " sabi nito. "Hindi sa ayaw. May ano lang kasi. Tsaka ano ba kasi yang ibibigay mo?? Ipadala mo nalang sa bahay. Asar ito." maktol ko dito. "Che! Manahimik ka. Isang buwan na tayong hindi nagkikita. Hindi mo naman sinasagot sila mama at papa sa bahay. Nag-aalala na yung mga iyon!" sabi nito. Nalungkot naman ako bigla. Pasensya na Ma at Pa. Nawalan kasi ako ng trabaho kaya ang hirap humarap sa kanila na wala na akong perang maipapadala. "Ganun ba?" lungkot kong sabi. "Oo, buti inaalala ka pa nga eh. Di ka na daw kasi tumatawag tapos di mo naman sinasagot tawag nila sayo kaya yun, kailangan kitang makita dahil baka mamaya eh kulang-kulang ka na." biro nito. Natawa naman ako sa sinabi niya. Iba din itong kapatid ko eh. "Wow ha, grabe makapagsabi ng kulang-kulang ha! Kumpleto pa ako no!" sabi ko dito. Nakita ko naman na pumasok si Mam Ruffa. "Good Morning Mam Ruffa." bati ko dito. "Good Morning din Rijon. Aga mo ngayon ah?!" bati nito. "Naexcite lang po hehe." sabi ko dito sabay tawa kaming pareho. "Ganyan talaga kapag kakapasok lang." sabi nito. "Oo nga pala Rijon, pakiayos mamayang 9 yung mga blood sample para maipadala sa hospital need kasi ng result niyan. Ibigay mo nalang mamaya sa lobby." paalala nito. "Noted po Mam Ruffa." Maya-maya lumipas na yung 2 mins ay hindi pa pala nakapatay ang cp ko. 'siomai naman' haysss. "Ahh, Reji, andyan ka pa ba?" mahina kong tanong. "Ano yun? Wala ka na ba sa mall?" pagtataas na ng boses nito. "Ahmm, send ko nalang sayo yung address tapos dito ko nalang iexplain. Bye." sabay end ko sa tawag naming dalawa. Paktay na ako. Alam na ni Reji. Haysss. Bakit kasi hindi ko inend yung tawag kanina. Napakabobita naman talaga Rijon. Napapikit nalang ako ng biglang nag-appear ang mukha ni Shawn sa kadiliman. Hahaha. Oo nga pala. Nakalimutan ko na. Itext ko na nga lang siya. ________________________________________ To: Shawn Miller Good Morning Shawn. Si Rijon nga pala ito. Yung nag-asikaso sa iyo sa clinic. Punta ka nalang dito before maglunch para maipact-scan ka. Sana makarating ka. Ingat. Sent _________________________________________ Pagkasend ko ng text ko ay bigla siyang tumawag. Shawn Miller calling... Kaya sinagot ko kaagad. "Hi Shawn. Si Rijon ito. Remember? Kamusta na yung mukha mo este yung sugat mo? Ano pupunta ka ba mamaya?" sunod-sunod kong tanong. Hindi naman ito sumagot pero rinig ko ang buntong hininga sa kabilang linya. "Ahmm, Shawn? Are you there?" tanong ko ulit. "Ahmm Hello?" sabi nito sa maayos na boses. "Thanks God, Shawn buti nagsalita ka din. Pinakaba mo naman ako." sabi ko dito. "Ah, Sorry, Rijon right?" sabi nito sa mahinhin na boses. Nagtaka naman ako dahil mas nakaka-usap ko siya ng maayos. "Oo nga, ako nga. Naalala mo ba ako kagabi? Yung nanggamot sayo sa clinic?" paliwanag ko dito. "Sorry, hindi kita maalala kagabi. Tsaka Shawn ba sinabi mo?" takang tanong niya. Nagtaka naman ako kaya chineck ko ang phone ko kung si Shawn ba talaga ang tumawag. Pangalan naman niya ang nakalagay. Napaisip tuloy ako. Aba, siraulo pala yon. Ibang no. ang binigay para makaiwas. Nadamage na talaga utak niya. Grabe. Grabe ba! "Oo, Shawn nga, Hindi ka ba si Shawn?" pagdududa ko. Tsaka boses ni Shawn ito eh. Kaya nakakapagtaka talaga. "Sorry, hindi ako si Shawn. Pwede ko bang malaman ang address mo para makapag-usap tayo?" tanong nito. "Ahh, Oo naman. Itext ko nalang yung address ko. Sana maisama mo si Shawn kasi nabugbog siya kagabi. Kumag pa naman kagabi iyon. " pag-aalala kong sabi. "It can't be." sabi nito. "Ha? Bakit?" pagtataka kong sabi. "Basta, I explain to you later. Anw, I have an urgent meeting. Send mo nalang sa akin yung address mo. Thank you." paalam nito. "Wait, sino ka nga?" kunot noo kong sabi. "Ahh, yeah, I'm Blight. Blight Mejarez." sabay end niya ng tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD