MPD 1- Ang Pagkikita

1961 Words
Rijon POV **kringg, kringg** "hayss, kainis naman. Ang aga-aga pa." patay ko sa cellphone ko sabay itsa sa tabi. Bigla nalang akong napatayo na marinig kong nalaglag ito sa ilalim ng kama. "Tsk, kainis naman." Agad kong chineck ang cellphone ko kung may basag ba o wala. "hayss, buti wala. Naku malilintikan talaga ako. Wala pa naman akong pambiling bago." sabay halik ko sa cellphone ko. Nag-ayos narin naman ako para mag-asikaso ng lulutuin ko dahil wala naman akong kasama sa tinutuluyan kong apartment. Nasa probinsya kasi sila mama at papa. Kasama ko naman ang kapatid ko dito sa maynila pero nakahiwalay naman ito dahil nalalayuan sa apartment ko ang pinagtatrabahuhan niya. Sayang nga naman sa pamasahe kung dito siya uuwi. Kaya minabuti nalang din naming dalawa na hanapan siya ng apartment malapit sa tinatrabahuhan niya. Kaso ang problema ko ngayon ay saan na ako magtatrabaho dahil tapos na ang kontrata ko sa isang sikat na mall. Need ko ng maghanap ng bago dahil kung tatamad-tamad ako, edi wala akong pambayad ng renta, ang ending walang pera ang ateng niyo. Hayssss. Kumilos na ako at nagprint ng resume ko para sa mga papasahan mamaya na company. Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako agad para hindi masayang ang oras. Kasalukuyan na akong naglalakad sa kahabaan ng Quezon City ng biglang tumawag ang kapatid ko na si Reji. "Oh, bakit? Bakit ka tumawag?" inis kong bungad, natapilok kasi ako habang kinukuha ko yung cp ko sa bulsa. "Easy, napakaaga pa para magalit." biro nito sa kabilang linya. "Naku, mamaya mo na ako tawagan dahil nag...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi nga niya pala alam na wala na akong work. "Na ano? Di kita marinig." sabi nito sa kabilang linya. "Ano kasi, ahmm. Teka." sabi ko habang natataranta. "Anong teka. Tsaka bakit ang ingay dyan. Diba pagganto nasa mall ka na at hindi na sumasagot sa tawag ko tsaka alas-nuebe na mahigit ah?" reklamo nito. Sa daming sinabi di ko tuloy malaman gagawin ko. Kung sasabihin ko ba or sasagutin siya sa mga tanong niya. " Teka Reji ah. Sensya naman at nalate ng gising ang lola mo kaya nasa labas pa ako. Tsaka malapit na ako. Kaya mamaya ka na tumawag babush." sabay patay ko sa tawag niya. Mahirap na at marami pa naman ang tanong nito. Hinilot ko muna ang paa ko bago magpatuloy sa paghahanap ng trabaho. Buti nalang ay may dala akong tubig at payong. Maya-maya pa, paglingon ko ay may nakapaskil na hiring. Vet nga lang. Pede na ito. Pede ng patulan. Malaki din kita sa mga ganto kaya push na. Pumasok na ako sa loob at nagpasa ng resume. Kaso ang ending. Tatawagan na lang daw ako. Kaya ayun, punta na ako sa next spot. Pagdating ko sa Quezon Ave ay naghanap-hanap ako ng mga hiring at nakakita ako ng clinic na related sa tinapos kong kurso. Tinanong lang naman ako kung ano pa mga alam ko sa psychology at nasagot ko naman ng maayos. Doon ko din nalaman na extension lang pala ang napuntahan kong clinic. Kaya sabi nalang sa akin ni Ms. Andrea ng HR ay tatawagan nalang din ako dahil kung matatanggap daw ako ay ipapadala na ako sa hospital para mag-asikaso ng pasyente. Ioobserve lang muna nila ako ng 2 months dahil hindi biro ang maghandle ng patient. Ang kinaganda lang ay may allowance namang makukuha kapag trainee palang. Atleast kung makapasok man ay may pangbabayad na akong apartment at pagkain ko. Kaya ng matapos ang interview ay sinabihan ako na tatawagan ako within this week. Nang makalabas na ako ng clinic ay mas pinili ko nalang maghanap ng trabaho ulit. Sinubukan ko din ang mga call center para kung sakali. Swak na din ito sa budget ko. Pero ang ending tatawagan padin. Tsk. Hindi ko siguro porte ito dahil ang gusto ko nakikipagcommunicate sa mga tao. Haysss. Ang sakit-sakit na ng paa ko. Hindi narin tumawag ang kapatid ko, baka busy narin siya. Nagdecide na akong umuwi. Buti nalang may budget pa ako bago ako nawalan ng trabaho. Pagkauwi ko ng bahay ay nagpalit narin ako at ginawa ang routine ko sa pag-araw-araw na buhay. Nagpahinga, naligo, kumain at matulog. Syempre Char muna ang matulog. Magseselpon muna ako. Nagcheck ako ng account ko sa Faceboom at nakita ko ang chat ng kapatid ko. ____________________________________ Reji laki Reji laki Ate di na kita natawagan busy na ako. Reji laki Ate kain na. Mukhang busy ka na. Mamaya nalang ako tatawag. Reji laki Ate di na talaga kita matatawagan. Bukas na lang talaga. Reji laki Ate okay ka lang ba? Di ka na nagrereply. Reji laki Ate ingat ka lagi. Love you? Reji laki Goidnight Ate kong ganda. ________________________________________ Napakasweet naman ng kapatid ko kaya nireplyan ko na lang ito at natulog na. Kinabukasan may tumawag sa akin. "Hello, this is Ms. Rijon Pelaez?" sabi ng babae sa kabilang linya. "Yes po. Ako nga po si Rijon. Sino po sila?" tanong ko. "Hi. This is Ruffa from S********* Clinic. Nakita namin yung application paper mo. So fit ka naman sa job. Kaya you are hired na po. We will wait you today. As much as possible. Sana makarating ka before 10 para mabriefing ka na namin." "Noted po Mam Ruffa. Thank you po." "Thank you din. See you later Miss Pelaez." Sabay end nito ng tawag. Sheessshh. May work na ako. Yehey. Tuwang talon ko. Chineck ko kaagad ang orasan ko and already 8:15 in the morning na kaya nagluto na ako kaagad ng kakainin ko. Pagkatapos kong kumain ay pahinga ng konti and naligo narin ako. Syempre inasikaso ko na din yung mga kakailanganin ko like alcohol, face mask, ballpen at notebook. Sinama ko na din ang bimpo, pamalit ng damit at panyo ko. Pacheck ko ng time. It's already 9:06 na. Hala. Baka malate na ako. Kaya nagmadali na ako. Buti na lang isang sakay lang ako mula bahay hanggang Clinic at buti na lang talaga mabilis din ang nasakyan kong jeep. Whoo. Akala ko malalate na ako. Agad narin akong pumunta sa lobby ng clinic. "Hello po. Good morning po. I'm Rijon Pelaez po. Saan po pala pwedeng pumunta yung mga nahired po dito sa clinic?" tanong ko kay ate. "Oh, Ms. Pelaez right?" tumango naman ako bilang tugon. " Punta ka muna sa HR. Sila na magbibigay ng instructions sa iyo." ngiti nito. "Thank you po." pasalamat ko dito bago ako pumunta ng HR. Pagkapunta ko ay kumatok na ako agad at sinalubong ako ni Ms. Ruffa. "Hi, Ms. Pelaez, I'm glad to see you here." bungad nito sa akin sabay shakehands. Pagkatapos ng ginawa nito ay sinabi na nito ang mga instructions sa clinic. Nakipag meet and greet muna ako sa kanila para daw maging kumportable ako sa clinic. Medyo nag-adjust lang ako ng konti pero goods naman. Inabot na din kasi ng gabi ang duty ko kaya ng matapos ako dito ay napadaan ako sa isang bar pero hindi naman talaga doon ang punta ko kundi sa katabi nitong grocery ng biglang may bumangga sa akin. Pagkatingin ko ay duguan ang mukha niya at mukhang binubugbog ito. "Ahhhh, tulong!" sigaw ko. "Kuya okay kalang ba?" akay ko dito. "Tsk." yun lang sabi niya sabay tulak sa akin at dumiretso sa mga nambubugbog sa kanya. "Kuya! Tama na! Itiggil niyo na yan. Duguan na siya.!" patuloy kong sigaw. Napatingin naman ako sa mga nakapaligid sa kanila. Nagvivideo lang sila instead na tulungan. Ako naman itong si shunga. Humihingi padin ng tulong. Nilalapitan silang lahat. Kahit yung mga bouncer hindi sila pinipigilan. Hindi ko tuloy alam kung iiyak ba ako or aalis na lang pero namutawi ang awa ko kay kuya. Hanggang sa makakita ako ng kahoy sa gilid ng bar. Kinuha ko kaagad ito sabay pukpok sa mga nambubugbog sa kanya. "Aray! Epal ka ah! Wag kang makielam dito." sabi ng pinaluan ko. "Tama na kasi! Bugbog sarado na siya sa inyo tsaka iisa lang siya kaysa sa inyong tatlo. Napakadaya niyo! " sigaw ko dito habang nakatutok padin yung hawak kong kahoy sa kanila. "Kung ako sa iyo miss. Lumayas ka na dito at wag ng makielam pa!" sigaw nung isang mukhang bisugo. "Kahit na! Ano bang ginawa niya sa inyo at ganyan niyo siya anuhin, ahhmm yung bugbugin? " sabay turo ko kay kuya na nakayuko na habang nakaluhod. Humihinga pa naman ito base sa itsura niya. Confirm buhay pa si kuya. "Mayabang kasi itong hayop na ito. Inaagaw ang chics ko." sabi ni kuyang mahaba ang baba. Nabilaukan naman ako sa sinabi niya. Lihim man na natawa ako sa sinabi niya ay pinakita ko na matapang ako. Tapang yarn. "Ehem, Eh, mukhang kaagaw-agaw naman kasi mukha mo kuya. Baka mas gwapo lang talaga itong binubugbog niyo kaya niya inaagaw ang chics mo." duro ko sa kanya ng pamalo ko. "Tss, aba't nang iinsulto ka pa ah! Dayo ka na nga lang pakielamera ka pa!" duro nito sa akin sabay dura sa gilid niya. Nyay. Kadiri naman si Manong. "Kung ako sayo Manang o kung sino ka man. Lumayas ka na dito. Para di ka na madamay pa!" sabi naman ng matabang pandak. "Che! Anong Manang. Wala pa nga akong asawa ni jowa tapos Manang pa itatawag mo sa akin! Tigilan niyo muna si kuya. Kayo ang mayabang eh!" sabi ko habang winawasiwas ang pamalo na hawak ko. "Aba, nang aano ka na ah! “ sabay takbo nito habang hawak ang balisong nito. Hindi naman ako makagalaw dahil nakatingin lang ako sa balisong na hawak niya. Napapikit nalang ako ng malapit na siya sa akin. " Ahhhhhhhhhhh. " sigaw ko Shocks. Katapusan ko na ata. Lord, bigyan niyo muna ako ng asawa huhu. Tatlong minuto na ata ang lumipas ay wala man lang dumampi sa akin na saksak. Pagdilat ko ng mata ay bagsak na yung tatlong kumag. Namimilipit pa. Habang si kuya nakatingin naman sa akin ng malamlam. Wala nga atang emosyon itong pinapakita. Nakipagtitigan lang ito sa akin hanggang sa humakbang siya papunta sa akin. Napaatras naman ako. Teka, ano gagawin niya. ( 0 o 0) Lumalapit parin siya sa akin hanggang nasa harapan ko na siya. Muli kong pinikit ang mata ko sa kanya at nagulat ako ng bigla niyang kinuha yung pamalo na hawak ko at inihagis niya sa kawalan. "Mula sa araw na ito, ika-27 ng hunyo sa oras ng 8:26 nitong gabi. Lagi mong tatandaan na ito ang unang-araw na nagustuhan kita." saktong pagsabi niya nun ay nawalan ako ng balanse. Buti nalang nahawakan niya ako sa kamay dahil kung hindi baka natumba na ako sa sahig. Teka, seryoso ba siya? Legit ba na may nagkacrush sa akin? Wehh? Kikiligin ba ako? Teka wait. Bakit ambilis. Hahahaha "Ahmm, kuya pwede ba. Bago ka magsasatsat ng ganyan baka nabibigla ka lang kasi naalog utak mo dahil sa bugbog kanina. Dalhin muna kita sa clinic namin para maayos natin yang mukha mo este sugat mo . Hehehe. " sabi ko dito pero bago pa man siya makasagot ay nahila ko na siya. Hindi naman siya umangal kaya goods yun para mas mahila ko siya ng mabilis kasi kailangan ko nadin umuwi. Buti nalang malapit lang ang clinic dito. Haysss. Nang makarating kami ay inasikaso ko na siya agad. " Teka lang ha! Kukunin ko lang yung mga gamit. Napakatakaw kasi sa gulo eh. Haysss. " sabi ko dito na akala mo eh napakatagal ko na siyang kilala. Tinitignan niya lang ako sa mga kilos ko. "Hay naku kuya, wag mo nga akong titigan. Medyo naiilang ako, hehe." suway ko dito na may pag ka sarcastic. "Shawn" bulong nito. "Ano kuya?" tingin ko dito na may pagtataka. "My name is Shawn Miller. Always remember that name." titig nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD