Kabanata III

2091 Words
Kabanata 3 Napatingin si Savvy sa papel na bumagsak sa kanyang harapan, habang nakaupo siya sa harap ng mesa, mag-isang kumakain. Takot man siya ay tumingin siya sa kung sinong naglapag nun sa harap niya. Si Stanley ang nakatayo roon. Napalunok siya. Hindi na sana masakit kung si Stanley lang pero hindi, kasama nito ang ama na kinatatakutan niya nang sobra. Daig pa niya ang hihimatayin sa sobrang pagkabahala. Ang kapanatagan ng loob at kasiyahan niya noon ay napalitan ngayon ng takot at kalungkutan, sakit ng kalooban at luha. “Sign that,” anang asawa niya sa kanya. Savvy blinked back her tears. Hawak niya ang tyan sa ilalim ng mesa, palihim na hinahaplos ang anak nila. Anak niya na pinaghihinalaan nitong galing sa ibang lalaki. Nagtataka siya kung bakit iyon nasabi ni Stanley hanggang sa isampal nito sa mukha niya ang mga litrato niya, kasama ang isang lalaki, na ni sa bangungot ay hindi pa niya kailanman nakikita. Walang matandaan si Stanley sa mga nangyari noon at kahit na siya ay hindi nito maalala. He had been in a car accident the night of their wedding anniversary. That is so tragic for her especially that she’s already pregnant. Malaki na ang tyan niya nang mangyari iyon at ngayon ay pitong buwan na siyang buntis. She tried clearing her throat and with her shaky hand, she handed the envelope. Kinuha niya ang papel sa loob at sa pagkakabasa pa lang niya ng heading at paunang mga salita ay daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan. Tiningala niya ang asawa. Lumuha na siya nang tuluyan sa walang kasinlamig na mga mata nito, na nakatunghay sa kanya, na dati-rati ay puno ng pagmamahal. Noon, kahit hindi mgsalita si Stanley ay alam niya kung gaano siya nito kamahal pero ngayon ay hindi na. Purong pagkasuklam at pagkadisgusto ang ipinakikita ng mga titig nito. Hindi niya makalimutan ang araw na nagmulat ito ng mga mata, matapos ang aksidente. She was the happiest person in the entire Universe when that happened but she was wondering why he was just looking at her, and he asked her who was she. Nagsalita siya pero sumabat ang ama nitong Heneral. The old man even brushed her off. She doesn’t have the courage to fight back so he just let her father-in-law talk to her husband. Pinagbawalan siya ng matanda na bumisita sa ospital pero si Diana ay welcome na welcome. Sobrang sakit nun para sa kanya dahil daig pa niya ang may nakahahawang sakit na hinaharang ng mga armadong tauhan ni General Antonio. Napilitan siyang manatili sa bahay. Walang pwedeng bumisita kay Stanley, iyon ang order ng ama nito. Kahit na mga dating katrabaho ay wala. When he arrived home, he was already so distant to her and he was eyeing her baby bump like he’s so disgusted. Nagtatanong siya kung bakit ganoon hanggang sa malaman niya ang lahat. He was brainwashed. Ang yaya na lang nila ang makapagsasabi kung gaano siya katapat na asawa at gaano sila kasaya pero pati na si Sela ay baliktad ang naging salita. Hindi pumanig sa kanya ang matanda. Since that day, she was torn apart. She’s just trying her best to be brave for the sake of her baby. Iniwan na siya ng pinakakamahal niya at ayaw niyang pati na anak niya ay mawala na rin sa kanya. Si Holy na lamang ang natitira sa kanyang kaisa-isang pamilya. “A-Annulment?” bulong niya sa sarili. Mas masakit pa kaysa sa pagkakulong ng ama niya ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. “Yes, and an agreement,” ani Stanley sa kanya. Matatag niyang tiningnan ang asawa at saka siya tumayo. Her baby is kicking inside her belly. “Ito na ba ang gusto niyo?” taas noo niyang tanong kahit na lumuluha siya. “Yes,” ani Stanley kaya mula sa kamay nito ay kinuha niya ang hawak nitong sign pen. Binasa niya ang kasunduan at nakalagay doon na kanya ang anak niya. That moment, only her child matters. Walang silbi kung makipag-contest siya. Wala siyang pera at lalong wala siyang kakampi. Pinamirma siya ni General Antonio sa isang prenup agreement bago sila maikasal ni Stanley sa huwes, isang taon ang nakalilipas. Kung hindi raw siya pipirma, walang kasal na mangyayari. Kapalit ng prenup ang katahimikan niya sa loob ng mansyon na iyon, at bilang isang hangal na babae, walang matakbuhan ay pumirma siya, dahil hindi naman mahalaga para sa kanya ang pera. Oo, kailangan niya ng pera pero kung hindi siya bibigyan sapat na, na makasal siya kay Stanley. She loves him so much and it’s all that matters…but not anymore. Her child matters most this time, lalo pa at wala naman siyang kalaban-laban sa ama ni Stanley. “Wala ba akong makukuha na pera?” nilakasan niya ang loob na magtanong kahit na ano pang sabihin ng mga ito sa kanya. Sira na rin naman siya at hindi naman ito naniniwala sa kanya kaya magtatanong siya kung may makukuha siya para sa pag-alis niya. “Lumabas din ang kulay mo,” ani Antonio sa kanya at pinid ang mga labi niya na magsalita. Darating din ang araw na titigil ito sa pang-aapi sa kanya. Kung ngayon kayang-kaya siya nito, hindi na kapag wala na siya sa poder ng mga Gonzàlez. “Wala kang makukuha. Sapat na ang pagtulong sa’yo ng anak ko. Tinulungan ka na nga, niloko mo pa.” Humugot siya nang malalim na hinga para mapigil ang pag-iyak niya. Baka makasama sa bata kung makikipagtalo siya at iiyak nang iiyak. Wala naman mangyayari kahit na parang mamamatay na siya sa sakit sa mga sandaling iyon. She signed the papers. Kinuha niya ang kopya niya at saka niya tiningnan si Stanley, na daig pa ang isang robot ngayon, na sunod-sunuran sa ama nitong masama ang ugali. Huling titig na niya iyon sa yelo nitong mga mata at kung iyon na ang huli nilang pagkikita, masaya siyang nagising itong muli kahit pa kapalit ang paghihiwalay nila. Humakbang siya at nilagpasan ito, bagsak ang mga balikat. Dumiretso siya sa kwartong siya na lang ang umuukupa at pinag-impake ang mga damit niya. Nasa isang oras na siya mahigit sa ganoong ginagawa nang sumulpot sa kung saan si Diana. Prente itong tumindig sa harap niya, nakangisi. The woman looks victorious, as if she won a battle. Tama. Diana won the battle she's been badly battling for almost half of her life already. alam naman niya kung gaano kapatay na patay ang babaeng ito sa asawa niya. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, dati prinsesa ka rito pero ngayon magiging palaboy na,” anito habang nakaposing. Sosyal na sosyal ito at parati naman itong ganoon. Madalas niya itong pagselosan noon pero mahal na mahal siya ni Stanley at iniwasan nun ang babaeng ito para hindi siya umiiyak at nasasaktan, pero ngayon ay nakapwesto ito sa buhay ng mag-amang Gonzàlez, sa buhay ng asawa niya. “Kasi naman, lalakero ka,” anito pa at noon siya tumingin dito. Saglit niyang itinigil ang pagtitiklop sa mga damit niya, na inilalagay sa maleta. “Alam mo sa sarili mo kung ano ang totoo. Kung meron man ditong mapagpanggap, hindi ako yun.” Diana just rolled her eyes, mocking her. She has a very confident smile, a victorious one. “Whatever you say, loser,” she chuckled and threw a small brown envelope to her. Nalaglag iyon sa sahig pero hindi niya dinampot. Hindi niya alam kung ano iyon. “Abuloy ko sa’yo,” mataray na sabi ni Diana saka nagmartsa papaalis sa harap niya. Naawa siya sa sarili lalo sa batang dinadala niya at hindi niya akalain na isang umaga ay dadating ang oras na tulad ng nangyayari sa kanya ngayon. Naluluha niyang tiningnan ang envelope na nasa sahig at dinampot iyon. She opened it and saw money. Hindi siya nagdalawang isip na ilagay iyon sa maleta niya. Gagamitin niya ang mga pera na iyon para sa sarili at sa bata, at hindi siya aasa kay Stanley ni singkong duling. Hindi naman siya galit sa asawa niya pero galit siya dahil nakinig iyon sa salita ng ibang tao pero hindi siya binigyan ng pagkakataon na idepensa ang kanyang sarili. Hindi na niya pinagkaabalahan na tiklupin ang ilan pa niyang mga damit. Basta niya isinaksak ang mga iyon sa maleta at nang mai-zipper niya ay eksatong pumasok naman ang mayordoma na mula dose anyos ay nakasama na niya. Kasama ni Sela ang isang kasambahay na kukunin sana ang maleta niya. “Ako na po, senyorita,” ani Chela pero ngumiti siya nang mapait. Inilayo niya ang maleta at saka siya umiling. “Hindi mo na ako dapat tawagin na ganyan dahil hindi naman ‘yan totoo. Noong mga panahon na kailangan ko kayo, wala man lang ni isa sa inyo ang tumestigo para sa akin, para paniwalaan ako ng asawa ko, sa kabila ng sitwasyon ko na buntis ako at ako ang nasa panig ng totoo. Sabagay, sino ba naman ako? Salamat na rin sa maraming taon na inalagaan niyo ako rito. Siguro lahat talaga ng bagay, may katapusan at ang ginawa niyo sa akin ay alam ng Diyos.” Hila niya ang maleta ay nilagpasan niya ang dalawang kasambahay. Ang yaya Sela niya ang inasahan niya na magtatanggol sa kanya pero naiintindihan niya. Takot ang mga ito kay General Antonio. “Savvy iha,” anang matanda nang sundan siya pero tuloy-tuloy siya papunta sa elevator. “Pagamit po ng elevator, yaya Sela. Huling beses na po ito. Alam ko na po yaya Sela at naiintindihan ko. Amo niyo si General at ako ay hamak na ampon lang dito. ‘Wag na po kayong magpaliwanag pa. Aalis na po ako.” Ang sama ng loob niyang lumabas ng mansyon. Wala na ang mag-amang Antonio at Stanley. Daig pa ng asawa niya ang aso na bubuntot buntot sa ama. Ang dating Stanley na superhero ang tingin niya, ngayon ay isa na ring umapi sa kanya. Paglabas niya sa pintuan ay hinarang siya ng isang tauhan, tauhan ng beyanan niya. “Anong kailangan mo?” maang na tanong niya sa lalaki. “Pasensya na, ma'am, utos ni General. Baka raw may dalahin kayong mga alahas o mahalagang gamit.” “Teka,” pigil niya rito pero binuksan nito ang maleta at tiningnan ang mga bulsa nun. Kinuha nito ang jewelry box niya, at naroon ang isang set ng alahas na bigay sa kanya ni Stanley noong 18th birthday niya. She was given the most elegant debut and his proposal to her, bu now she’s crying. “S-Sa akin ‘yan,” aniya at napaiyak na siya. Pati na kamay niya ay tiningnan nito at kinuha ang engagement ring doon, kasama ng wedding ring nila ni Stanley. “Hindi mo pwedeng kunin ito,” umiiyak na sabi niya pero wala siyang magawa kung hingi hayaan itong kunin ang mga iyon. Mukhang determinado itong sumunod sa utos ni Antonio kaya bakit siya makikipaglaban para sa wedding ring na siya na lang naman ang naniniwala? Ipinasok ni Dado ang mga singsing sa loob ng jewelry box at iniabot iyon kay Sela. Nakatingin sa kanya ang matanda at may luha ang sulok ng mga mata. Napangiwi siya sa pagpipigil na huwag humagulhol ng iyak pero mas pinili niyang tumalikod at magpatuloy na lang sa pag-alis. Ang ipinagtataka niya ay hindi kinuha ng lalaki ang pera sa sobre. Siguro ay alam ni Dado na galing iyon kay Diana. Lumuluha siyang naglakad papalabas ng subdibisyon na iyon. Temporary comfort lang din pala ang lahat. Sana, nanatili na lang siya sa DSWD noon. Naging assuming din kasi siya dahil nasanay siya na maganda ang bahay na sinisilungan niya, ang kama na hinihigaan. Maganda ang naging treatment sa kanya ni Stanley at inasahan niya na puro lang saya at katahimikan pero hindi pala ganoon ang buhay. Sana naging handa siya pero kahit yata pinaghandaan niya, masasaktan pa rin kahit sinumang nasa katayuan niya ngayon. Nagkagusto sa isang lalaking gwapo at mayaman, samantalang siya ay anak ng drug p****r at drug addict. Nanay niya GRO sa isla. Sinong matinong ama nga naman ang gugustuhin ang isang gaya niya, na maging asawa ng anak nun na edukado at mataas ang katungkulan sa pagpupulis? Kahit siguro siya ay pipili ng mabuting tao para sa anak niya. At si Diana ay di hamak na mas mataas kaysa sa kanya. Though the pain is most likely killing her, she has to face the truth that sooner or later, she’ll no longer be Mrs. Anthony Stanley Gonzàlez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD