Kabanata II

2413 Words
KABANATA II Quietly, inside the classroom, Savvy couldn’t pay much attention to her teacher’s instructions. She’s out of her mind. She reviewed and got herself really prepared for the examination but now she could no longer remember anything. She seemed like having an amnesia. If she only could she’d erase all the sad memories, especially the imprisonment of her father. She had her pen on her finger and decided to read the questionnaire but she really couldn’t focus until she just answered her sheet without reading the questions. Parang ang daming bumubulong sa isip niya. Nag-o-overthink na siya dahil sa mga nangyari. Pakiramdam niya ay siya ang palihim na pinag-uusapan ng mga kaklase niya dahil nakarinig siya ng usap-usapan sa lugar nila na nakaradyo at nasa local channel ng telebisyon ang pagkalahuli sa Papa niya. Noong isang araw pa nakulong ang ama niya at mag-isa siya sa bahay sa murang edad niya. Hindi niya alam kung paano siya natitiis ng malayo nilang kamag-anak, na ni alukin man lang siyang ampunin ay wala. Baka isang araw ay wala na siyang masilungan. “Savvy, lika na sa canteen,” yaya ng isang kaklase niya, na madalas niyang kasama. Paiba-iba ang sinasamahan niyang kaibigan at lahat okay siya pero hindi sa pagkakataon ngayon. She shook her head and sadly smiled. She’d rather think than eat. Kahit na si Alona na para nilang kasambahay ay hindi na rin siya pinupuntahan para ipagluto. Bumibili na lang siya sa malapit na karenderya at noon lang iyon nangyari sa kanya. Sanay siya sa masasarap at maaayos na pagkain. Bakit naman sa isang iglap ay nawala iyon? Masama rin ang loob niya na parang hindi man lang siya naisip ng sarili niyang ama. “Kayo na lang muna,” she said, smiling at her classmate. “Sure ka?” Tango lang ang isinagot niya. Ganoon na siya hanggang sa mag-uwian. Biglang nawala ang pagkabata niya sa pangyayaring iyon at napalitan siya na mag-mature. … Pagdating niya sa bahay ay walang ingay dahil walang katao-tao. She looked around and memorized every part of the house. That served her home for twelve years. Not even in her worst nightmare it came to her mind that it will soon be gone. Mabuti pa ang kapatid niya at si Rachel, napatayuan ng sariling bahay ng ama niya samantalang siya ay wala. Ayaw naman siyang kupkupin ng madrasta kahit na lahat naman ng pundar nun ay galing sa pawis ng ama niya noong nasa Saudi pa. Savvy decided not to go to school ang just watched TV. Binabad niya ang sarili niya roon hanggang sa may kumatok sa gate nila. She looked at the window and saw a woman. Lumabas siya dahil kilala naman niya ang babae, si Juliana. Nakadamit ito ng short na parang panty ang style at ang damit ay labas ang pusod. Balot ang mukha nito ng make-up at ang nguso ay pulang-pula dahil sa lipstick. Her cheeks are so pink and brows are like tattoos. Nangungupahan ang babae sa halos karatig bahay niya at ang mga kasama nito roon ay kagaya rin nitong manamit. “Savvy,” nakangiting bati ng babae sa kanya kaya ngumiti siya kahit kaunti. “Ano po yun, ate Juliana?” “Nabalitaan ko na mawawala na raw itong bahay niyo. Saan ka titira? May matitirhan ka na ba?” tanong nito habang may nginunguya na chewing gum. Umiling siya rito. “Baka lang gusto mong sa akin ka na lang.” Medyo napaarko ang mga kilay niya. Seryoso ba ito? May nagmamalasakit na sa kanya? Nakaramdam siya ng kasiyahan. Kahit paano ay may tao pa naman pala na concern sa kanya. Tumingin siya sa sasakyan na tumigil sa harap ng gate nila. Isa iyong itim, na mamahaling sasakyan. Kabuntot noon ay ang isang kotse na may nakalagay na DSWD sa may pintuan. Puting kotse iyon na pagma-may-ari ng gobyerno. Mula sa puting kotse ay bumaba ang dalawang babae na nakaumiporme. Parehas ang mga suot ng dalawa at may dalang mga folders. Mula naman sa itim na sasakyan ay bumaba ang isang lalaki, ang pulis na humawak sa kaso ng ama niya. Napakurap siya pagkakita rito dahil di hamak na mas gwapo pala ito kapag hindi nakauniporme ng pulis. Si Juliana ay napanganga at kaagad na ngumiti nang makita ito, “Hi, sir.” Tumango lang ang binata pero walang ngumiti. He’s so casual though he’s not wearing his cop uniform. “May we talk privately, Savannah?” tanong sa kanya ni Stanley kaya binuksan niya ang gate. “Sige Savvy, alis na ako,” paalam naman ni Juliana kaya tumango rin siya. “Anong kailangan niya?” usisa ng binata nang makaalis ang kapitbahay niya. “Inaalok po akong sa kanila na lang tumira,” anaman niya at nagkatinginan ang tatlong magkakasama. “Don’t,” anito sa kanya kaya napamaang siya, “Hindi siya ang tipo ng mga tao na dapat samahan mo.” Ang sungit nito. Hindi na siya umimik hanggang sa makapasok sila. “Mrs. Guinto and Mrs. de Leon, she’s Savannah. Savvy, these are Mrs. de Leon and Mrs. Guinto from Department of Social Welfare and Development,” pakilala ni Stanley sa dalawa. “Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa, Savannah. Nandito kami para isama ka. Nagtanong kami sa pinagkaksanlaan ng ama mo at hindi na raw sila makakapagbigay ng palugit. Kasama ito sa auction at nabili na ito ng ibang tao. Anumang oras ay kukunin na ito sa inyo kaya habang maaga, sumama ka na sa amin.” ani Mrs. Guinto sa kanya. Naiiyak siyang nagpalit-palit ng tingin sa tatlo, “Ayoko po sa DSWD,” tahasang sabi niya. Hindi niya alam kung anong buhay na ang naghihintay sa kanya lalo pa at nag-aaral siya ay sa isang private school, na ang tuition sa isang taon ay mahigit trenta mil. “Well,” ani ni Mrs. Guinto, “Kinausap na kami ni Inspector at balak ka niyang tulungan. Kapag pumayag ang tatay mo, pwede ka naming ibigay kay Inspector Gonzàlez.” Nag-aalala siyang tumingin sa pulis at ngumiti ito sa kanya. Natatakot siya dahil ibang tao ito pero magaan ang loob niya sa lalaki. Ito lamang ang nagpakita sa kanya ng concern noong dinakip ang Papa niya. He comforted her though he’s a bit serious. Pirma ba kamo ng ama niya? Bakit pa? Hindi naman nga nun naisip ang kapakanan niya nang mag-upisa na gumamit at magbenta ng droga. Mas mabuti pa nga siguro ang ibang tao, baka totoong may pagmamalasakit sa kanya kaysa sa sarili niyang magulang. ☆☆☆ Three days after being taken cared of the DSWD, Savvy is now ready to go with the man who is willing to take her of her. Alanganin man siyang sumakay sa sasakyan na sumundo sa kanya, sumakay pa rin siya. Hindi niya alam kung saan siya titira pero nabawasan ang takot niya dahil bibisitahin naman daw siya nina Mrs. Guinto para alamin ang lagay niya sa bagong kumopkop sa kanya. “I already went to your school and they told me you never passed any exam,” nakangiting tumingin sa kanya si Stanley habang nagmamaneho ito. Nahihiya siyang tumungo, “Nag-aral naman po ako kaya lang nawala ako sa concentration dahil kay Papa.” “I know. Ita-transfer kita sa ibang eskwelahan para makaiwas ka sa stress. I don’t want you to get bullied. As much as possible, doon kita ipadadala sa bahay ko sa Tagaytay. Nandun ang yaya ko noong bata pa ako. She will take care of you and you will have a good start again. Focus on your studies. I will visit you when I’m out of work. How’s that?” Tumango na lang siya dahil ano naman ang sasabihin niya? Naiilang siya rito dahil ngayon lang naman niya ito nakilala pero siguro sa murang edad ay kapit na rin lang siya sa patalim para makaahon. Kasama siyang ibinaon ng Papa niya sa paghihirap. Hindi naman siguro siya sasakyan ni Inspector Gonzàlez. Isa itong alagad ng batas at ikasasama nito kung mamaltratuhin siya. “Gusto mo munang kumain?” “H-Hindi na po, k-kuya…” alanganin siyang napangiwi lalo na nang matawa ito sa kanya. “That’s great. I don’t have any sibling. Call me Stanley. That’s my nickname." Tumango ulit si Savvy pero naagaw ang pansin niya ng smartphone nito sa ibabaw ng dashboard. Nakaflash doon ang mukha ng isang magandang babae, na parang artista ang dating. Her lashes flicked when she looked at Stanley. Kumamot ito sa ulo nang makita ang tumatawag. “Naman, naman…” anito na pinindot ang Bluetooth earpiece, “Diana.” Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana kasi ayaw niyang makinig sa usapan ng mga ito pero paano ba naman siya iiwas? Magkatabi lang sila at imposible na hindi niya iyon marinig. “I’m still coming. Ihahatid ko lang si Savvy sa bahay. I already got her. I’ll hang up now. Just wait for me. Bye.” Girlfriend siguro nito ang Diana pero ano ba ang pakialam niya? She’s going to mind her own life. … Pagdating nila sa isang subdivision ay pumasok doon ang sasakyan ni Stanley. Nakita niya kung paanong bumukas nang kusa ang gate. Sa TV lang siya nakakakita ng gamoon, meron pala sa personal. “Ang galing,” nasambit niya saka siya napangiti. Smirking, Stanley looked at her, “The gate?” “Opo, ang galing. Akala ko sa TV lang pero meron pala sa totoong buhay.” “Not just that. Here, you don’t have to turn on and off the switch. The bulbs will light up when they detect your motion and shut when not.” Tumango-tango siya lalo na nang makita niya ang kabuuan ng bakuran at bahay nito. Bakit napakayaman naman yata nito? “Bakit po mayaman ka? Bata ka pa po,” inosenteng tanong niya rito. Itinigil nito ang sasakyan sa isang open garage, na malapit sa isang swimming pool. Mag-isa niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba siya roon. Kinuha ni Stanley ang mga bag niya sa likod ng SUV. “Well, my Dad is a General and we have other businesses except for being cops. We own a lending agency. Kami ang nagpapautang sa mga pulis at mga teachers.” Tinanguan siya nito, senyales na sumunod na siya kaya naman ganoon ang ginawa niya. Bumukas ang puntuan ng bahay na matatawag niyang mansyon at mula roon ay lumabas ang isang may edad na babae. Nakangiti agad iyon kay Stanley at parang ina na sumalubong sa isang anak.. Savvy suddenly remembered her grandmother. Pakiramdam niya ay walang ibang nagmahal sa kanya nang totoo kung hindi ang lola Amara niya. Sila lamang parati ang magkasama at grade six na siya ay sinusundo pa siya nun sa eskwela, until the woman died and everything changed. Kahit na kalat sa buong lugar nila na masama ang ugali ng lola niya at tsismosa, lola niya iyon at mahal siya nun. Magulo kung tutuusin ang buhay nila. May kwento pa siyang narinig na minsan, kapapanganak pa lang sa kanya ay ipina-baranggay ng lola niya ang totoo niyang ina, dahil nahuli na kabit ang halos kapitbahay nilang si Alex. Kaya nawalan daw iyon ng karapatan sa kanya at mas pinili na lang din na umalis, matapos papirmahin sa baranggay na ibinibigay na ang buong karapatan sa lola niya, na maging tagapag-alaga niya. “Siya na ba ang aalagaan ko rito? Aba ay dalagita na pala. Akala ko naman elementarya,” anang babae na nakangiti at nakatingin sa kanya. “Siya po, yaya. Savvy ang pangalan niya. Savvy, siya si yaya Sela. Siya ang mag-aalaga sa iyo. Yaya, kayo na ang bahala dahil minamadali na ako ni Diana,” ibinaba kaagad ni Stanley ang mga bag niya at inayos nito ang sarili. “Sige na. Kanina pa iyon tawag nang tawag dito. Late ka na raw sa usapan niyo.” Kukurap-kurap lang siyang nakatingin sa dalawa hanggang sa harapin siya ni Stanley at hinawakan siya sa magkabilang balikat. He smiled at her, “Dito ka na. Feel at home and do everything you want. From now on, we are your family.” Ngumiti rin siya pero hindi maaalis ang lungkot sa puso niya. Siguro balang araw makakapag-move on din siya pero hindi pa sa ngayon. May mga counseling siyang pinagdaanan sa DSWD at gumaan ang pakiramdam niya kahit paano, sa mga bagay na iyon. She mentally bullied herself that time her father got imprisoned. She kept her silence but herself has been her own antagonist. Overthinking made it worst but now, it seems like the place is so quiet for her. She has peace of mind somehow. Malayo siya sa tsismis at sa mga taong pwedeng pag-usapan ang buhay na kinahantungan niya. “Salamat po, k-kuya…” alanganin siyang ngumiti pero tumawa lang nang kaunti si Stanley at ginulo ang buhok niya. Tumalikod ito at nahabol niya ng tingin pero lumingon din ito sa kanya at tumaas ang isang sulok ng labi. “Call me when you need anything. Alam ni yaya ang number ko,” aniyon pa kaya naman tumango siya. Tuluyan na itong umalis at siya ay nakahabol ng tingin. “Halika na at ihahatid kita sa kwarto mo, Savvy,” ani Sela sa kanya habang ang isa pang kasambahay ay bitbit ang mga bag niya. “Masanay ka na tayo lang dito madalas. Si General, bihira naman yun umuwi rito pero kapag naiisip ay sumusulpot na lang. Istrikto iyon, iha. Huwag ka ng magulat kung makikita mong matapang ang mukha at aura. Kapag hindi ka kinausap, huwag ka na lang umimik ha,” anito pa kaya naman nakaramdam siya ng kaunting takot ulit. Pumanhik sila sa hagdan. “Masungit po?” “Masungit pero kapag nariyan, sa kwarto ka na lang para huwag kang matakot. Naikwento na sa akin ni Stanley ang nangyari sa iyo at napakabata mo pa para pagdaanan ang mga bagay na iyon. Ang dapat sa iyo ay tahimik na buhay at lugar at dito iyon. Si Stanley, mabait na bata pero seryoso sa trabaho at negosyo. Si General, seryoso sa lahat. Basta ang bilin ko kapag hindi ka kinausap, huwag kang magsasalita. Kung hindi mainit ang ulo nun sa mga empleyado sa lending, talo iyon sa sugal.” Tumango siya ulit pero sa loob niya ay napalunok siya. Sa kwarto na lamang siya kapag dumating si General. Mas mabuti at mas maganda ang lagay niya sa bahay na iyon kaysa sa DSWD kaya dito ang gusto niya at hindi sa kung saang ahensya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD