Kabanata IV

2141 Words
Kabanata IV “Kumare! Here na me! Where na ba you?” Agad na napalingon si Savvy sa boses na iyon na nagmula sa pintuan. Natigil ang pagbalik niya sa nakaraan habang titig sa anak na nasa playpen. Tatlong taon na rin ang nakalilipas simula nang umalis siya sa bahay ng mga Gonzàlez pero sa tuwing naaalala niya ay parang kahapon lang. There’s still pain but not like how much she had during the first months and year. Boses iyon ng kaibigan niyang si Perla. Tagapag-alaga iyon ni Holy sa tuwing may trabaho siya. Holy is her three-year-old daughter. Yes. She’s now graduate and she has a job. Sa awa ng Diyos ay nakatayo siya sa sariling mga paa, matatag at may ipinagagatas siya sa anak niya. It is from her effort and sweat. Since he walked away after signing the annulment papers, she continued her studies. She was more than broken that time, yet she told herself that she should do everything for her baby, and show those people who mocked her that she could still carry on and live her life. Siya man ang pinakanakakaawang nilalang, na walang masilungan at walang mapuntahan, hindi naman siya pinabayaan ng Diyos. “Pasok ka na, mare!” Savvy told her best friend. Si Perla ay nakilala niya sa lugar kung saan siya napadpad para mangupahan. Hindi gaanong desente ang lugar na iyon pero doon siya tumira dahil mura ang upa. Ang perang ibinigay sa kanya ni Diana ay isandaang libong piso. Abuloy daw. Walang tindahan sa looban, at parang sadya ng langit na ang inuupahan niyang maliit na bahay ay may saradong tindahan. Binuksan niya iyon at nagtinda siya. Doon siya kumuha nang pang-araw-araw na gastusin. Tipid kung tutuusin pero nabuhay silang mag-ina. Nag-aral siya ng isa pang taon at nakagraduate. She transferred from a private university to a cheaper one. She also never knew how she was able to make it but she did. Iyak lang siya nang iyak at namalayan na lang niya, nakatapos na siya. “Baby, aalis na si Mama, pakabait ikaw kay ninang. Damihan mo lang ang arte,” natatawa niyang sabi sa anak at si Perla ay natawa rin. “Sira ka talaga,” anito sa kanya, “Bilisan mo na at sabi mo may meeting si Mayor Lagoste ngayon.” “Oo nga,” she glanced at her wristwatch and grabbed her bag. Hinalikan niya ang anak at niyakap. Hindi na rin naman masyadong habol si Holy sa kanya dahil nasanay na rin ang bata na parati siyang umaalis. Isa pa, sanay na ito kay Perla. Matanda lang ng isang taon sa kanya ang kaibigan niya. Galing ito sa mahirap na pamilya at hindi nakapagtapos dahil naging bed ridden ang ama, nang mahulog daw sa construction site. Ang sweldo niya rito ay kulang kung tutuusin pero dahil hindi naman nga makahanap ng trabahong maayos ay nagtyaga na lang dahil gusto raw makaipon at makapag-aral ulit kahit vocational course. Nangako siya rito na tutulungan niya itong makakuha ng scholarship kay Mayor. “Alis na ako, mare. Ikaw na bahala sa baby natin ha,” bilin niya sa kaibigan. “Oo naman, mare. Kapag nainip kami, doon ulit kami kay nanay.” Tumango siyang nakangiti. Posturado siya at iiling-iling si Perla sa kanya. Nakangisi ang kaibigan niya habang hinahagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Lalong mai-in love si Mayor sa'yo,” biro nito kaya pinandilatan niya kaagad. “Loka ka. Baka may makarinig sa'yo, makarating sa asawa nun.” “Mas loka ka. Alam mo namang nasa korte na ang annulment nila.” “Tse. Diyan ka na nga. Si Holy ha, alagaan mong mabuti,” pahabol niya habang hindi maiwasan ang mangiti. Sira ulo talaga ang best friend niya at botong-boto kay Mayor Jake Lagoste. Sa totoo lang, bata pa rin naman ang Mayor, nasa 36 lang at matalinong nilalang kaya gusto ng mga taga-Maynila. Hindi nga rin niya alam kung bakit siya nakuha na sekretarya. Wala naman siyang eligibility at kahit na vocational course ay wala. Noong sumubok siyang umaplay ay sinabi lang niya na kailangan niya ng trabaho para sa anak niyang baby. That was one month after she had given birth. Mabuti na lamang at normal delivery siya kaya naman hindi siya nahirapan kahit bagong panganak. At ngayon ay sekretarya pa rin siya ng Mayor. Nag-exam siya sa civil service at nakapasa naman siya, sa awa ng Diyos. … Nagmamadali si Savvy na bumaba sa jeep nang marating niya ang munisipyo. Sumulyap siya sa suot na relo at mukhang hindi pa naman siya late, pero kapapasok pa lamang niya ay nakita na niya si Mayor Lagoste na pababa na, kasama ang mga bodyguards nito. “G-Good morning, Mayor,” bati niya kahit gulat siya na nauna pa ito sa kanya. Nakangiti ito sa kanya at saka umiling, “You’re late darling.” Naitago niya ang mga labi para itago ang ngiti. Hindi naman siya late. Binibiro lamang siya nito, at isa iyon sa mga bagay na gusto niya sa Mayor. Very approachable ito sa lahat, hindi lamang sa kanya. Marami ritong lumalapit na tao dahil sa bagay na iyon at kaya ito ibinoto ng mga tao. “Aalis na po ba tayo?” tanong niya sa lalaki na tumango naman. “Yes. May iba pa akong aasikasuhin bukod sa meeting na ito,” anito at nag-umpisa ng maglakad kaya naman sumabay na rin siya. “Hindi ko lang mapahindian ang taong ito kaya inuna ko na kaysa sa lahat ng schedule ko ngayong araw.” “Sasama pa ho ba ako Mayor sa iba niyo pang lakad? Baka po may mangailangan sa akin dito,” paalala niya sa lalaki. “Siguro hindi na sa mga susunod. Hindi naman meeting ang pupuntahan ko. I just need you on this one. Mahirap ng makalimutan ko ang mga detalye ng pag-uusapan namin.” Tumango siya nang sulyapan siya nito. Gaano kaya kaimportante ang taong ka-meeting nito na talagang napaaga pa ang alkalde? Parang may nasunod pa nga iyon kaysa rito. “How’s Holy?” tanong ni Jake sa kanya nang makasakay sila sa sasakyan nito. “Okay naman po, Mayor,” tipid na sagot ni Savvy. “Bibisita ako sa susunod.” Her eyes flew to this man abruptly. Bakit naman ito bibisita sa kanya? “’Wag po,” agaran niyang sabi na ikinatawa naman nito. “Why?” Napakurap ang dalaga at saka kumamot sa batok, “Hindi ho mayor maganda ang tinitirhan namin at baka po hindi kayo naging kumportable.” Nagkibit balikat lang naman ito at saka bahagyang lumabi sa kanya. “It doesn’t matter. Hindi naman bahay ang bibisitahin ko, yung tao na nakatira.” “Eh araw araw naman po tayong nagkikita sa munisipyo. Kung si Holy naman po, ayos lang naman—” natigilan siya nang hawakan nito ang kamay niya. “You know my intention from the start. Ilang taon ka na rin na nagtatrabaho sa akin at alam mo rin naman na wala akong ibang babaeng niligawan. Kung tungkol naman sa sinasabi mong kasal ka na at hindi mo na alam ang estado ng kasal niyo, madali lang naman tingnan lalo na at nasa munisipyo tayo nagtatrabaho. Annulment here takes a very long process but I can wait. Ilang beses ko ng sinabi sa'yo, Savvy.” Tumango siya at yumuko nang kaunti. Oo nga, ilang beses na nitong sinabi sa kanya iyon at talagang nanliligaw naman ito sa kanya at nasa isang taon na rin. May mga palihim itong bulaklak minsan at mga tsokolate, na si Perla lang naman ang nakakaubos. Kahit na ganoon ay ginawa pa rin niyang pormal ang trabaho rito. Isa pa, natatakot siya na mag-entertain ng lalaki. She’s been traumatized, badly traumatized. The last time she fell in love, her love turned his back on her after losing his memory. And perhaps, hindi na bumalik pa iyon dahil taon na ang mga lumipas. May mga pagkakataon na sumasagi sa isip niya ang dating asawa pero hanggang dun na lamang. Wala ng puwang ang lahat sa isip at puso niya. She dedicated all her attention and love to her only daughter. “Seryoso ako, Savvy. Nakikita mo naman siguro,” anito pa kaya tumango siya. Nakikita nama niya. Sa wakas ay tinanggal nito ang kamay sa ibabaw ng kamay niya, matapos na tapikin iyon. Salamat naman dahil naaalangan naman siyang bawiin iyon. Mabuti na lamang at kusa nitong ginawa. … Makalipas ang ilang minuto ay nakarating sila sa destinasyon. Hindi na rin naman siya gaanong nagsalita pa sa biyahe dahil may mga tauhan silang kasama, mga bodyguard ni Jake. Savvy looked at the restaurant through the window of the vehicle and her brows lifted, seeing the name. It is the most expensive and finest restaurant nowadays in Manila. Mayayaman at totoong mayayaman ang pumupunta sa restaurant na iyon, sa pagkakaalam niya, kung hindi naman ay mga sikat na artista at mga modelo. “P-Papasok ako diyan, Mayor?” tanong niya nang makababa siya sa sasakyan. Nasuri niya ang sarili at saka siya napalunok pero mahina ang tawa ni Jake dahil sa ginawa niya. “You will fit in. Don’t get bothered by your look. You look beautiful, Savvy.” Nakauniporme siya. Pihadong ang gaganda ng nasa loob ng restaurant dahil sa mga sasakyan pa lamang na nakahilera sa parking area ay mahahalata na. “Mayor!” sigaw ng isang bagong dating na lalaki na kinawayan din naman ni Jake. Langya. Anong sinabi ng mga artista sa kasikatan ni Mayor Jake Lagoste? Ngumiti ang dalaga at itinaas ang noo. Mayor ang kasama niya at kagalang-galang. Bakit nga naman siya mahihiya kung nakauniporme siya? She’s proud to be the secretary of the father of the city. Isang karangalan iyon para sa kanya, dahil iyong trabaho na iyon ang bumubuhay sa kanilang mag-ina ngayon. Nang humakbang ito ay humakbang na rin siya papasok. Even the guards of the restaurant went out to secure the mayor. Pumasok sila sa loob at walang kasing ganda ang nakikita ni Savvy na mga dekorasyon , mesa, upuan at mga chandeliers. Wow. Totoong namangha siya sa ganda ng lugar at hindi niya akalain na nakatingin sa kanya si Jake. “Amazed?” Tumingin siya rito at tumango, “Ngayon lang po ako nakapasok dito, Mayor.” “Wala tayo sa munisipyo. Sabi ko sa’yo Jake lang at walang po at opo.” Napakamot siya sa batok. Nakakaalangan naman yun. Hindi naman sila magka-level. Saka nasanay na siya na gumagalang dito. “Ang ganda po dito, Mayor.” “Mas maganda ka.” Naubo bigla ang tauhan nito kaya nalingon ni Savvy. Pakiramdam niya ay pinamulahan na siya nang husto dahil sa sinab nito pero hindi na lang niya pinansin. “Good morning, Mayor. This way to your VIP room,” nakangiting bati ng isang babaeng lumapit sa kanila. Ipinag-guide sila nito papunta sa may dulong bahagi ng restaurant. Ang daming kumakaway kay Jake, at kumakaway naman ito saka ngumingiti pabalik. Kinagat ni Savvy ang labi nang ipagbukas sila ng pintuan ng crew. Nagpatiuna ang lalaki sa pagpasok at siya naman ay nasa likod nito, nakasunod. “Jake!” bulalas ng isang lalaki na nagpatigil kay Savvy sa paghakbang. Ang boses na iyon, hindi niya pwedeng makalimutan kahit na ilang taon ang lilipas sa kanya. Inay ko! Daig pa ng boses na iyon ang isang bangungot. “Ninong.” Ninong? Nganga si Savvy na sumilip mula sa likod ni Jake at hindi na nga siya nagkamali, si General Antonio Luna—este Gonzàlez. Diyos ko po. Hindi malaman ng dalaga kung pipihit siya para lumabas o papakain siya sa sahig. “Long time no see, inaanak,” ani pa ng matandang ex-beyanan niya. Umusog si Jake pakaliwa kaya naman umusog din siya para hindi siya makita ni Antonio. Maliit lang naman siya kaya siya nakakapagtago. Umusog ulit ito papakanan kaya naman humakbang ulit siya pero nakaapak siya ng paa pero may humawak sa siko niya. “Ay!” Agad na napatingala ang dalaga matapos niyang maramdaman iyon pero laking panghihilakbot niya nang mapagsino ang lalaking naapakan niya. She met those hazel brown eyes she’d memorized since she was twelve. Literal itong nakatingin sa mukha niya at pati na ang dalawang lalaking nagbabatian ay sa kanya na nakatingin. Stanley… Agad niyang binawi ang tingin, pati na ang siko mula rito. Hindi pa rin ito nagbabago. Parang hindi ito tumanda. Sabagay, tatlong taon pa lang naman ang nakalilipas kaya hindi pa kita kung umedad sila o hindi. Hindi malaman ni Savvy kung mahihimatay siya o ano kaya napalunok na lamang siya ng laway. Bakit naman ito ang ka-meeting ni Jake? Pwede bang iba na lang? Hindi niya malaman ang pagkabog ng dibdib niya, na bigla na lang niyang naramdaman. Pakiramdam niya ay naririnig iyon ng mga lalaking ito. Sana soundproof ang dibdib niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD