Kabanata 1

1860 Words
Kabanata I Nakaramdam ng lamig, niyakap ni Savvy ang sarili nang bumaba siya sa sasakyan ng pulis. Tumingin siya sa kanyang ama at hindi niya maalis ang mga eksenang nangyari sa kanyang isipan. Pinagmamasdan sila ng kanilang mga kapitbahay at tinitigan sila habang inilalagay ng mga pulis ang kanyang Papa sa likod ng mobile. Akala niya tatay lang niya pero laking gulat niya nang inilapit din sa kanila ang pinsan niyang si Andrei na nakaposas. Si Andrei ay anak ng kanilang kasambahay na si Alona na humahagulgol na rin. Itong dalawampu't isang taong gulang na pinsan niya ang nag-aalaga sa kanya kapag wala ang Papa niya. Si Andrei ay laging nasa mini farm din, pero ngayon parang pareho sila ng Papa niya sa buhay, maging ang mga ilegal. Ang dalawang ito ay nagpapanggap lamang na sila ay nagkukundisyon ng mga manok para sa pakikipaglaban. Ngayon alam na niya. That’s the reason why her Papa comes home around three AM or two in the morning, mukhang lasing na lasing at wala sa katinuan. Pumikit siya at muling humikbi at nang pagbuksan siya ng pulis ng pinto ng mobile. Tumingala siya at pinagmasdan ang buong gusali ng Philippine National Police sa munisipyo, sa tabi lamang ng wet market. Hindi siya makapaniwala na tatayo siya roon dahil ang kanyang ama ay isang lalaking lumabag sa batas. Ano na ang mangyayari sa kanya ngayon? Ano ang mangyayari sa kanyang pag-aaral? Ano kaya ang sasabihin ng mga kaibigan niya? Ito ay isang kahihiyan. Paano pa siya makakapasok sa kanyang mga klase sa eskwelahan? Tiyak na pag-uusapan ng kanyang mga kaklase ang tungkol sa kanyang ama at hindi niya ito kayang ipaglaban dahil tanggapin man niya o hindi, talagang lumabag sa batas ang kanyang Papa. “Savvy,” mahinang tawag sa kanya ni Alona, humihikbi, “Naimpluwensyahan lang ng tatay mo ang anak ko.” Hindi niya mahanap ang lakas para ibuka ang kanyang bibig at magsalita. Si Alona ay gumagawa lamang ng mga gawaing bahay para sa pera at ang naglalaba sa kanila. Naniniwala siya na hindi ng mga ito kayang bayaran ang piyansa para mapalaya si Andrei. Paano naman siya? Wala rin siyang pera. Ni hindi niya alam kung may naipon ba ang Papa niya. Walang tutulong sa kanila. Mula nang mapatay ang kanyang lolo sa isang rally, tinalikuran sila ng kanilang mga kamag-anak dahil sa takot din na mapatay ang mga iyon o madamay. Galit ang mga iyon sa kanila. Sinabi nila na ang kanyang lolo ay kasama sa isang rebeldeng grupo. Siya at ang kanyang lola at Papa ay nabuhay nang maluho. Nakasuot siya ng mga branded na damit, mula ulo hanggang paa, may kotse sila, nakatira sa isang maayos na bahay at kumakain ng napakasarap na pagkain sa bawat araw, pero simula nang mamatay ang kanyang lolo, nagbago ang lahat. Hindi na nila mabayaran kahit ang gamot ng kanyang lola nang ma-diagnosed iyon na may sakit sa puso. Halos hindi na maalala ni Savvy kung paano namatay ang kanyang lola ngunit noong araw na iyon, umiiyak ang matandang babae sa sariling kwarto matapos makipag-usap sa kanyang Papa. Nang pumunta si Amara sa kusina para magluto ng tanghalian, natumba lang iyon at idineklara na dead on arrival sa ospital. Namatay ba ang matandang babae dahil sa tinatagong kamalian ng kanyang ama? "Huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan," isang makapangyarihang boses ang nagsalita sa likod ni Savvy. Si Gonzàlez iyon. “She knows nothing about this and she’s also a victim here. Pumasok na tayo sa loob." utos nito habang hawak ang kanang siko niya, ginagabayan siya sa loob ng police station. She was so hesistant, pero nagawa niyang maglakad ng dahan-dahan at sinunod ang sinabi ng opisyal. “Savvy,” bulong ni Danilo na may luhang mga mata. Tumingin siya sa kanyang Papa at agad na umiyak, umiling. “Wala akong ipon. Ang bahay ay hindi na sa atin. Sinala ko na ang lote at mini farm.” umamin ito sa kanya, kaya literal na nalaglag ang kanyang mga panga. “A-Ano?” muli niyang tanong, nalilito sa sitwasyon. Teka. Ano? Nakasangla ang house and lot and yet, wala namang naipon ang kanyang ama? Paano ito nangyari? Saan ba nito inilagay ang pera? “Tawagan mo ang Tita Rachel mo at sabihin mo na kung pwede ay alagaan ka. Sabihin mo sa kanya ang nangyari dahil hindi ko alam kung makakalaya pa ba ako dito.” Iniyuko niya ang kanyang ulo at kinontrol ang kanyang mga hikbi. Ang isipin na wala siyang sapat na pera para makapagpiyansa at ayusin ang gulo ng kanyang ama ay sobra siyang nasaktan. Iniisip niya ang sarili niya. Labindalawa pa lang siya. Ano ang alam niya tungkol sa kaguluhang ito na nasangkot ang tatay niya? She’s not that foolish to not know what is happening to all the drug addicts and drug pushers nowadays. Karamihan sa mga iyon ay pinatay at walang hustisya. Natatakot siya na baka mangyari din iyon sa Papa niya. Will it? Hindi… Nang hilahin si Danilo palayo sa kanya, wala siyang nagawa kundi ang umiyak muli, mas malakas sa pagkakataong ito ngunit malumanay siyang inakay ng nag-aalalang pulis sa loob ng isang opisina. Ang lamig na nagmumula sa air con ay lalong nagpalamig sa nararamdaman niya. Bigla siyang naging ulila. It doesn’t change anything, nor will it make another difference? Wala siyang pinagkaiba sa mga inabandunang bata sa ampunan. Napatingin ang mga mata ni Savvy sa name board sa mesa, nang makapasok sila sa opisina May nakasulat doon na pangalan, P. INSP. GONZÀLEZ, A.S.H. Walang alinlangan na ang opisina ay pag-aari ng lalaking ito na nagpapakita ng simpatiya sa kanya sa simula pa lang ay kumatok sila sa kanyang pintuan. “Take a seat, whichever seat you like, Miss,” medyo ngumiti ito sa kanya pero pumikit lang siya. Mas gumugwapo ito kapag ngumingiti. "Ano pangalan mo at edad mo?" Iminuwestra nito ang kamay sa pulang upuan sa harap ng mesa, kaya tinatamad niyang inokupa ito. Naglakad ang pulis papunta sa water dispenser at inabot ang isang itim na tasa. "A-Ako po si Savannah Natalie Zamudio, and I’m twelve," wika niya sa kanyang namamaos na boses. Napakatuyo ng lalamunan niya at parang walang gustong lumabas na ingay mula sa kanya. "Do you have any relative, sweetie?" tumalikod siya at binigay ang baso ng tubig, na may dalawang slice ng brownies. She loves to eat but at that moment, she’s not interested with anything. "Pwede ko po bang gamitin ang cellphone niyo, sir? I don’t have load and I want to call my stepmother,” ang sabi ni Savvy sa halip na sagutin ang tanong ng pulis. “Sure,” agad nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at iniabot sa kanya. Sa nanginginig, basa at malamig na mga kamay, tinanggap niya ito at tiningnan ang numero ni Rachel sa sariling cellphone. Tumulo na ang kanyang mga luha sa kanyang mukha habang tina-type niya ang mga numero dahil hindi siya sigurado. Duda siya na aalagaan siya ni Rachel. Wala siyang mapupuntahan. Anong kinabukasan ang naghihintay sa kanya? "Loudspeaker, if you don't mind sweetheart," nakangiting sabi ni Gonzàlez sa kanya kaya tumango siya, halos hindi mapansin. "Hello? Sino ito?" Sagot ni Rachel kaya tumahimik si Savvy bago nagsalita. "S-Savvy po," bulong niya, "Tita Rachel, P-Papa was..." hindi niya masabi dahil hindi niya alam kung paano ito sasabihin. “I…Humiram lang po akong phone at nandito kami sa station, P-Police station po,” she managed to compose herself and gathered enough courage to say those words. Oo, nakaipon na siya ng sapat na lakas ngunit patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata at sunod-sunod na pumatak ang mga iyon sa kanyang pisngi. Hindi niya mapigilan ang mga ito. Parang may sariling isip ang mga mata niya na hindi niya kayang kontrolin. "Anong nangyari?" "Hinuli po siya dahil sa..." tumingin siya kay Police Inspector Gonzàlez, hindi sigurado sa isasagot niya, "p-pagkalulong sa droga at pagbebenta?" Tumango ang pulis kaya lalo siyang nasaktan. “Diyos ko!” bulalas ng babae kaya nabasag ang boses niya, nanginginig habang umiiyak. Parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang kaba at kung anu ano pang emosyon. "Ano ngayon ha? Iresponsable talaga ang tatay mo at sobrang sakit ng ulo! Ngayon, nasaan ang mayabang mong lola na parating iniinsulto ako at ang anak ko, noong nabubuhay pa siya?! Huwag mo na kaming istorbohin pa, Savannah! Tulungan mo ang ama mo kung kaya mo pero kung hindi ay wala kaming magagawa. Nakakaawa ka! Para ka rin ng lola mong matapobre noon! Napala niyo ang hanap niyo!" Humagulhol siya ng iyak. Wala naman siyang kasalanan at nakinabang naman si Rachel na sobra sa pera ng Papa niya noong nasa abroad pa iyon. Binaba ni Rachel ang tawag at mas lalong umiyak si Savvy. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at walang magawa kundi ang humugot ng hangin. Walang mag-aalaga sa kanya. Ayaw niyang mag-isa at mapunta sa kustodiya ng Department of Social Welfare. “Hey, hey,” biglang naglakad si Stanley papunta sa kanya at hinaplos ang kanyang ulo, hinawakan siya nito nang marahan pero triple lang ang kanyang awa sa sarili. Lalo lang siyang nasasaktan sa nararamdamang simpatiya nito sa kanya. She’s so miserable and she really feels that. “Ang paghuli sa Papa mo ay hindi nangangahulugan na isasantabi ka namin. Bata ka pa at narinig ko ang sinabi sa iyo ng tatay mo, na wala ka nang ibang mapupuntahan dahil nasangla na niya ang house and lot.” “Wala akong kamag-anak na pwedeng mag-alaga sa akin,” hikbi niya, “lahat sila ay tumalikod sa amin nang barilin ang lolo ko sa isang rally dahil siya ay isang presidente ng isang Unyon. Walang nagpakita noong ipinadala siya sa sementeryo at kahit nang mamatay ang lola ko. Ang mga dumating ay kapitbahay lang namin pero wala man lang kamag-anak.” Umiling si Savvy at umiyak. Kung pwede lang umiyak ang puso niya. Wala siyang ibang kausap. She'll be aloof for sure and would just set herself aside from the others. Siguradong hahamakin siya ng mga tao sa paligid niya. Ganoon pa naman ang mga tao sa mundo, mapanghusga. “M-Magkano ang piyansa, kung alam niyo po, sir?” tumingin siya sa pulis gamit ang namumungay niyang mga mata. Saglit niyang tinitigan ang mga labi nito dahil isinara nito nang may kariinan, nalantad ang mga dimples nito sa magkabilang pisngi. "Hindi ako, sigurado baby. Sa tingin ko…” tumingin ito sa kanya, “hindi siya bibigyan ng korte ng pagkakataon na gawin iyon.” Diretso ang mga mata nitong tumitig sa kanya at pakiramdam niya ay tumigil ang pagtibok ng puso niya sa narinig. Ibig sabihin makukulong ang Papa niya habang buhay? Hindi. She opened her mouth to speak but she chose to shut them in the end when a sob came past them. She bowed down again to hide her face and hide the hurt. “You’ll be fine. Trust me,” Stanley told her, sounded so sure but she’s not sure. How could this man ever tell her that she’ll be okay? It seems like that is the end of the world for her and she rather die.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD