“Oyabun! Oyabun!” ( Head Boss )
“Damare!” (Shut up! )
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng lalaki sa loob ng silid. Isang Japanese architectural ang lugar, iniisip ko nga kung nasa Pilipinas pa ‘ko dahil halos lahat dito ay nagsusumigaw na lugar ‘to ng mga hapon at iyong traditional house pa nga.
Nangilabot ako iyon pa lang ang naririnig ko.
“It’s okay, he’s always like that,” sabi ng babae na umalalay sa ‘kin. Siya ‘yong may isinaksak sa ‘king pampatulog.
Palagi daw pa itong ganito? Hindi ako sanay nang nasisigawan lalo nang ganoong tono at laki ng boses kaya hindi ko alam kung paano ako hindi hihimatayin kung bigla niya ‘kong sisigawan nang ganoon.
“Oyabun, she’s here, the one that you mentioned,” sabi ng babae na mas kalmado ang boses.
Napakamot naman ng batok ang lalaking kanina’y katabi ng driver. Silang dalawa ang naghatid sa ‘kin dito nang magising ako. Nasa isang silid na rin ako nang magising, sabi nila’y isang buong araw na ‘kong tulog at ang purpose nang pagpapatulog nila ay para sa kanilang sikretong lugar. Pero hindi talaga ‘ko sigurado kung nasa Pilipinas ako dahil puro hapon ang nakikita ko!
May nagbukas nang pintuan, isang babaeng nakaluhod at nakasuot ng kimono.
“Her name, again?” tanong nito.
Napalunok ako at hindi makatingin, maraming kimono sa lapag at hindi lang isang babae ang nakapaligid sa hubad niya halos na katawan, siguro’y apat iyon! Hindi ko nakita ang hitsura niya dahil una kong nakita ang mga babaeng hubad at lalaking may magandang pangangatawan at maraming tattoo sa katawan.
Nakakatakot. Ngayon pa lang para hihimatayin na ‘ko sa sobrang takot. Parang naiiyak na nga rin ako pero baka lalo siyang magalit at bigla akong patayin.
Kinuha ng lalaking kasama ko ang papel sa kanyang bulsa at may binasa roon.
“The one with the name Aiko Simon.”
Napalunok ako, paano kung malaman niyang hindi iyon ang pangalan ko.
“Aiko, Yoroshiku ( Nice to meet you ).”
Nang marinig ko ‘yon parang nanikip ang dibdib ko’t nahirapan akong huminga, hindi ko alam ang ibig sabihin pero baka ang ibig sabihin no’n ay maghubad ako at saluhan sila.
Sa tindi nang kaba ko at takot ay hinimatay ako.
Nang magising ako ay nakahiga na uli ako sa Japanese traditional bed nila na futon. Masarap naman siyang higaan kahit hindi ako nasanay na mahiga sa mas mababang higaan.
Inikot ko ang paningin ko, nag-iisa lamang ako rito.
Lahat dito sa kuwartong ‘to ay Japanese style, malinis rin ang buong silid at malaki.
Nagulat ako nang bumukas ang sliding door. Isang naka-kimono na babae ‘yon at nakangiti siya sa ‘kin. May dala siyang pagkain na hindi ko alam kung makakain ko dahil hindi ko talaga nagustuhan ang Japanese dish.
Maging ang pagkilos ng babae ay dahan-dahan.
“C-can you speak English?” tanong ko.
“Yes, we can speak your language too,” aniya, tunog haponesa pa rin siya.
“Tagalog?”
“Oo, dalawang taon na kami rito sa Pilipinas.”
“P-Pilipinas pa talaga ‘to?” tanong ko na hindi makapaniwala.
Ngumiti siya. “Yes, this is an island that belongs to the Philippines.”
Kung ganoon nasa isang isla ‘ko?
“Please, eat this, Oyabun will visit you tonight.”
Nangilabot na naman ako nang marinig ‘yong ‘Oyabun’ mukhang hindi ko siya matatakasan na talaga!
“Please, eat this it will help you regain your energy again.”
Tumango ako. Hinainan naman niya ‘ko sa isang traditional set ng mesa. Ginaya ko rin ang kanyang pag-upo. Inalalayan niya ‘kong kumain.
“Teishoku, ang tawag namin dito sa dish na ‘to,” aniya.
Itinuro niya ‘yon isa-isa. “Main-dish,” turo niya sa lutong isdang naroon. “Miso soup,” tukoy niya sa may sabaw, “and two side dishes,” iyong dalawang gulay.
Napalunok ako, hindi ako magulay na tao pero mukhang matututo ako rito kung gusto ko pang mabuhay nang matagal. Kumain naman ako, nahirapan talaga akong kainin ang gulay pero hindi ko naman masasabing masama ang lasa, nakakapanibago lamang pero mukhang makasasanayan ko rin naman.
Tea rin ang ibinigay niya sa ‘kin, mahirap din sa ‘kin na inumin ‘to lalo at mabango ang amoy. Nahihiya naman akong hindi inumin kaya pinilit ko. Mabuti na lamang at may tubig.
Sa totoo lang, si ate ang mahilig dito sa mga Japanese food, siya rin nga ang may Japanese name. Noon pa naman kasi nagpupunta ng Japan si mommy, naging entertainer siya doon at singer naman din sa Japan si daddy, doon nila nabuo si ate at pinangalan nga na ‘Aiko’ isang Japanese name. Umuwi sila nang Pilipinas dahil seloso si daddy, hindi na matanggap ang trabaho ni mommy. Nagnegosyo sila gamit ang naipon nila, iyon lamang ay nalugi lamang sila sa tatlong negosyong sinubukan nila. Naghirap lalo at nagdesisyong pumunta ng Japan bilang turista at manatili roon nang higit sa panahon na dapat lamang sila naroon. Hindi ko akalain na iyong suwerte nilang ‘di sila nakulong ay ako pala ang magiging kapalit paglipas nang ilang taon.
Iniwanan niya ‘ko para ligpitin ang mga ‘yon.
“How can I say thank you in Japanese?” tanong ko.
“There’s a lot, but ‘Arigato’ is enough. It means thanks. Or Domo Arigatou as Thank you.” Nakangiting sabi niya. Nakapag-usap naman kami kaya alam ko na rin ang pangalan niya.
“Arigato, Akiko.”
“Youkosu,” sagot niya na marahil ang ibig sabihin ay ‘You’re Welcome’.
Mas matanda siya sa ‘kin dahil thirty na raw siya. Maganda siya at naiisip ko rin kung is aba siya sa babae no’ng ‘Oyabun’, sana’y hindi muna kami magkita.
Tumayo ako at tumingin ng mga kasuotan, dalawang aparador ‘yon at mukhang handang-handa sila sa mga babaeng bisita. Ang kabila’y mga roba na magaganda at iba’t ibang kulay. Iyong kabila’y mga Japanese traditional. Iyong mga gamit ko ay narito naman sa silid ko. Ang iniisip ko lamang ay kung maaari ba ‘kong magdamit no’n o kailangan na tumulad sa kanila? Wala kasi akong nakikita maliban sa formal attire at kimono sa mga babae.
Naligo ako, maging ang bathtub nila’y parang malaking barrel/bariles at mas malalim. Pero na-enjoy ko ‘yon dahil mainit-init, parang iyong pagod nang katawan ko’y hinihigop.
“Totoo kayang nasa Pilipinas pa ‘to?” Inikot ko ang mata ko.
Wala talagang magsasabing nasa Pilipinas ako, lahat nang kagamitan ay nagsusumigaw na pang-hapon. Hindi kaya sinasabi lamang nila ‘yon?
Nang matapos ako’y robang kulay puti ang isinuot ko. Nakatingin ako sa salamin at nag-blower nang makarinig ako ng boses sa labas ng sliding door.
“Can I see you now?”
Iyong dibdib ko halos lumabas nang mabosesan ko ‘yon.
Kitang-kita ko ang hugis niya sa labas ng sliding door. Malaking lalaki siya at sa isiping may gagawin siyang masama sa ‘kin ay muntikan na naman akong bumagsak.
“Don’t try to collapse again.”
Napadiretso ako, mukhang may babala na sa kanyang boses.
“I’ll enter now,” aniya na nagpaalam pa.
Ibinukas niya ‘yon, umawang kaagad ang labi ko nang masilayan siya. Nasabi ko na lamang ay ‘Oyabun’.