"Bakit ka pumayag na maging secretary ko sa Company ni Peter! Mas mahihirapan tayo nito. Madali lang tayong mahuli na may relasyon dahil ang lapit mo lang sa akin!" hindi makapaniwala kong sabi kay Aldwin. He just looked at me worried. Ayaw niya kasi kapag nagagalit ako. Hindi niya magugustuhan lalo na't frustrated ako sa nalaman ko na magiging sekretary ko siya at makakasama ko na araw-araw. Nasa loob na kami ng office ko. Hindi ko ma-appreciate ang loob nang inutusan siya ni Peter na ihatid ako rito, subalit nagpupuyos ako ngayon sa kaba lalo na't nandito si Aldwin sa Company. "I told you... Gagawa ako ng paraan para hindi tayo magkalayo. Gusto pa rin kitang makita, Ariyah. Hindi porket kasal ka na ay iiwasan mo na ako. Ano na lang ang papel ko sa'yo? Kung hindi ako gagawa ng paraan