Chapter 6: CEO

3321 Words
MAAGA pa lang ang ganda na ng umaga ko. Ngayon kasi ang unang trabaho ko bilang acting CEO sa Company ni Mommy at Daddy. Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaction ni Aldwin kapag nakita niya ako sa opisina. Ito ang gagawin kong surprise sa kanya. Susurpresahin ko siya na pansamantala akong maging CEO. Doon na ako magtatrabaho sa Company namin. Araw-araw ko na siyang makikita. I can't wait to see his reactions. Ayaw ko sa feeling na nawawalan ako ng oras sa kanya dahil lang masiyado kong pinoproblema si Mommy at Daddy. Minsan ko na lang din siya natatawagan these past few days. Kaya kagabi nakaawa siyang pakinggan na naghihintay siya sa tawag ko. Nagkuwento ako sa kanya tungkol sa pinoproblemang pera nila Mommy. Si Aldwin lang ang nakakaalam ng lahat ng problema ko. Pati na rin si Ashley. Palagi lang sinasabi nila sa akin na huwag ko na raw problemahin ang magulang ko. They were matured enough na raw para hanapan ng sulusyon ang kanilang problema. Natural lang din daw na mag-aaway ang magulang. Kapag may anak na kami ni Aldwin. Sisiguraduhin ko talaga na hindi ko ipaparinig sa mga anak namin na mag-aaway kaming dalawa. Sobrang hirap nun sa part ng bata na maririnig niya ang awayan ng magulang nila. As much as possible, hindi ko ipaparinig sa kanila kung ano'ng problema. Because the children's mind will be blown. Part naman talaga sa relasyon ang magkaroon ng awayan. Pero hindi sana umabot sa punto na may ibang naapektuhan. Hindi rin maganda sa pandinig ng isang anak na dahil lang sa pera kaya nagkakaroon ng sigawan. Just like what I felt right now. Sa tuwing naririnig kong nag-aaway sila Mommy at Daddy sa kanilang kuwarto parang may nawawalang parte sa katawan ko na mahirap ng i-buo. Kaya kapag ganoon ang naririnig ko na nagsisigawan na naman sila Mommy ako na ang umiiwas. Umaalis agad ako sa bahay. I can't stand hearing them fighting. Hindi ako sanay... hindi naman kasi sila nag-aaway noon. Ngayon lang talaga kaya bago sa akin na halos araw-araw na lang may sigawan sila at nagsisihan. Mahigpit sila Mommy at Daddy kung kaya't kailangan ko pang tumakas para lang makaalis sa tuwing nagbabangayan sila..Katulad kagabi, pati si Ashley takot na painumin ako ng alak sa kanilang mismong bar dahil alam niyang magagalit talaga ang parents ko. Baka masermunan pa ako. At madamay pa siya. I understand her side kaya hindi na ako nangulit pa na uminom. Pero dahil doon sa nagngangalang Peterson kaya naka-inom ako ng isang wine. Up until now. I can still remember his dark eyes looking at me from afar. Nakakatakot sobra sa tuwing naalala ko kung paano siya sinampal doon sa babaeng kausap niya kagabi. At kung paano nagtagis ang bagang niya sa galit. The way he moves, he seems like an angry dangerous man that you wo wouldn't like. Nang matapos ako sa pagligo at nakapag-ayos na rin. Ang huli kong sinuot ang nude heels ko na may 5 inches ang haba. I looked at myself in the mirror. I smiled when I see myself finally wearing an office suit. Noon pangarap ko lang ito na makaupo sa isang office habang tinitingala ng lahat... I want to be respected to anyone. And now I can finally say. I really made my dream come true. Nakasuot lang ako ng blue royal coat na pinailaliman ko ng white blouse. Isang blue rin na pants na magkaterno lang sa suot ko. I wear my expensive bags. Nagsuot ako ng gold na relo at pearl earrings. After that I wore my heart necklace na bigay sa akin ni Aldwin noong nanliligaw pa siya. It has his first letter on his name on it. Pagkalabas ko ng kuwarto sakto namang naghihintay na sa akin si Mommy at Daddy sa sala. Napatayo sila nang makita nila akong pababa. Mapapansin mo sa kanilang mga tingin ang kagalakan nang makita ako sa hagdanan. My mom was wearing her favorite black skirt and a black coat together with her white t-shirt inside. Just like mine, terno rin ang kanyang suot. Para silang couple ni Daddy dahil naka-itim rin siya ng long sleeve at black pants and a black shoes. They look good together. Nakahawak pa siya sa bewang ni Mommy habang pinagmasdan nila akong pababa. Parang walang sigawan kagabi habang napagmasdan ko sila ngayon na masayang-masaya. "I thought you forget what day it is..." Nakangiting sabi ni Mommy. "My unica ija you're so stunning. Naaalala ko lang ang kabataan ko noon. Ang araw na nagsimula pa lang kami ng daddy mo sa pagne-negosyo. Ganyan ako ka ganda at ka excited." "You look beautiful, iha. Bagay sa'yo ang maging CEO," puri naman ni Daddy sabay halik sa noo ko. "Thanks mom and dad. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Alam niyo naman na pangarap ko na talagang magtrabaho sa Company natin." Niyakap ko silang dalawa. Hinalikan naman ulit ni Daddy ang noo ko. Habang si Mommy sa pisnge ko naman. Hinaplos nila ang braso at likod ko bago sila kumalas sa yakap. "We can't wait you take manage our Companies, iha." Pinisil ni Mommy ang pisnge ko. "Hindi rin ako makapaghintay, Mom na ako na ang magpapalago ng negosyo natin. Ngayon pa ba? I am the new acting CEO." Nagkatinginan si Mommy at Daddy. Hilaw silang ngumiti sa akin. Nawala tuloy ang masaya kong mukha. Nagkasalubong ang kilay ko sa pag-alalang may malaking problema si Mommy at Daddy. Kakaiba ang ginawad nilang ngiti... Isang malungkot. "Are you okay Mom and Dad? Naririnig ko kayo kagabi na nag-aaway na naman. Hindi ba't sinabi ko na sa inyo? Ako na ang bahalang magdala ng Company natin. Hindi ko kayo bibiguin. Huwag niyo na sana pag-aawayan ang pera." Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa. Nagkatinginan ulit silang dalawa bago nila hinigpitan ang pagkapit ko sa kanilang kamay. "Wala kaming problema anak. Don't think about our fights. Nag-uusap lang kami ng Mommy kagabi about our sales marketing. Bumagsak lang ito kaya malaking kawalan sa negosyo natin. Our investment in that Company was totally gone." "Are you sure daddy? Naririnig ko kasi kagabi. Bumagsak na raw ang kita ng Company natin? Is it true?" pagkumpirma ko sa kanilang dalawa. Huminga ng malalim si Daddy. Hindi makasagot. "We can find ways, iha. Masulusyonan rin ang problema ng Company natin. Sige na... Alam kong kaya mong palaguin ang negosyo namin. Kaya mo itong buhayin, kagaya ng sinasabi mo. Hindi ba? So... Let's not think about it, okay? Dapat masaya ang unang pasok mo ngayon sa Company natin bilang acting CEO," maligayang wika ni Mommy Dahil sa nakakahawang ngiti na ginawad nila sa akin. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang narinig kong usapan nila Mommy kagabi na babagsak na raw ang Company namin. Naniniwala ako sa sarili na kaya kong panagutan ito. Makakaya kong dalhin ang Company ng parents ko sa abot ng makakaya ko. I am willing to try my best para hindi na sila mag-away dahil lang sa rason na baka malugi ang Company namin. Iyon lang naman talaga ang pinag-aawayan nilang dalawa. And I couldn't afford hearing them being problematic because of money. Kaya naman buong tapang kong hinarap ang araw na ito. Habang nasa kotse ako binabasa ang mga gagawin ko sa office. Naramdaman kong panay sulyap si Mommy at Daddy sa akin sa harapang salamin. "Ikaw na ang magsabi sa kanya, Clarita," sabi pa ni Daddy habang busy sa pagmamaneho. "Ikaw na... I don't think.. I can tell her already." Tinigil ko ang pagbabasa ng folder dahil sa naririnig ko sa kanila. Kumunot ang aking noo saka ko tiningnan ang dalawa sa harapan. "Mom, dad? Is there something wrong? Ano ang sasabihin niyo?" kuryuso kong tanong. Nagkatinginan silang dalawa. Tumikhim si Daddy ng malakas. Pagkatapos senenyasan niya si Mommy na sagutin ako. "About that, iha. We have our dinner tomorrow night in an exclusive restaurant. Not far from our house. Do you remember our favorite spot?" I just nodded. Nagtaka tuloy ako kung bakit nagdadalawang isip pa si Mommy na sabihin sa akin 'yon gayong hindi naman mahirap na alukin ako ng dinner date. At least naisipan nilang lumabas. Matagal-tagal na rin kasi simula noong kumain kaming tatlo sa retaurant. Sa sobrang busy nila at palagi na lang nag-aaway nawawalan na sila ng oras sa akin. "Okay, Mom and Dad. Namimiss ko na rin na makipag-date sa inyo." I smiled sweetly to them. Ngumiti naman ng pilit si Mommy sabay nag-iwas ng tingin. Nagkibit-balikat ako. Alam kong may bumabagabag sa kanya ngayon..ayaw ko lang tanongin dahil for sure tungkol na naman sa pera. Naintindihan ko naman sila. Alam kong may problema sila sa Company kaya hindi ko na rin sila kinukulit tungkol sa kawalan nila ng oras sa kanilang anak. It's good to hear na magkakaroon kami ng dinner bukas ng gabi. At least I can tell them what's my problem. Kaya rin siguro hindi ko masabi sa kanila ang tungkol kay Aldwin na may boyfriend na ako dahil sa pagiging busy nila sa negosyo. Minsan lang din kami magkikita sa bahay. Kadalasan they were out of town. It's good to see na ngayong buwan. Hindi sila pumupunta sa ibang bansa para sa kanilang business trip. May malaking oras sila sa akin. Sana nga tuloy-tuloy na ito. Because I badly need their attention. Pagkarating namin sa Company. Maraming mga bumabati sa aming empleyado. Nasa entrance pa lang kami at pinapagitnaan ako ni Mommy at Daddy nakangiti ng bumati sa amin ang mga nakasalubong namin. May iba na hindi makatingin. Ang iba naman napapansin ko ang kaba nila sa tuwing tinitingnan ko. "Good morning Mr. and Mrs. Pascual." "Good morning po Ma'am and sir!" Feeling ko talaga sa mga panahon na 'yon ako ang may-ari ng Company. Kahit sa parents ko naman talaga ito. Kung sa bagay anak rin naman ako kaya sa akin rin ang Company na ito. Someday. Ako na ang ang mag-ma-manage. Binabati rin pabalik nila Mommy at Daddy ang mga empleyado. Nakakapit lang ako sa kanilang dalawa dahil nanginginig pa ako sa kaba. First time kong makaramdam ng ganitong excitement. Naghalo-halo ang kaba ko dahil for sure magkikita rin kami ni Aldwin sa office ni Daddy. Ang lakas na ng kaba ko habang paakyat ang sinasakyan naming elevator sa office. Kaming tatlo lang ang nandito dahil hindi na sumabay ang mga empleyado sa amin. Alam kong tensyonado silang pakisamahan si Mommy at Daddy dahil boss nila ito. Kung kaya'y pinauna na lang kami. Habang pataas ang elevator. Pinapaalalahanan naman ako ni Mommy sa tamang gawin bilang acting CEO. "Kailangan mong gawin ang mga utos ko sa'yo, iha. Hindi ka basta-basta lang pipirma sa mga sales na paparating. Kailangan mo itong pag-aralan muna. Mahirap ng magkamali." "Copy that, Mommy!" Nakangiti ko na namang tugon. "Don't pressure yourself ,okay? Nagsimula ka pa naman. Mamaya ipapakilala kita sa mga ka board members ng meeting. Lahat rin ng empleyado ipakilala kita as an acting CEO. You will be my substitute. You will be the one who take manage the employees and the Company." Mas lalo lang lumakas ang pagtibok ng puso ko. Nanginginig ako sa tensyon. Hindi pa naman ako sanay na makakaharap ng maraming tao sa isang pagtitipon. Noon curious ako sa pakiramdam na pinagtitinginan ka ng lahat habang nagsasalita ka sa harap tapos pinapakinggan ang mga idea mo. Ngayong araw mukhang matutupad na ang hinahangad ko. Pero pinanghihinaan ako ng loob lalo na't wala pa akong karanasan sa pagne-negosyo. I am confident enough na makakaya ko ito dahil dream job ko talaga ang maging CEO kaya alam ko sa sarili na kaya ko ito. "Tuturuan ka rin ng mga instructions sa secretary ng daddy mo. Magaling siyang magturo. Marami kang matutunan sa kanya. Kung nahihirapan ka magputuro ka lang sa secretary ng daddy mo." Nanlamig ang mukha ko nang maalala ko kung sino ang secretary ni Daddy.. Ilang beses akong na palunok. But there's a part of me na hindi mapigilan ang excitement na makita siya. Tumunog ang elevator hudyat na nandito na kami sa floor ng office ni Daddy. Pagkabukas pa lang nito bumungad na sa amin ang lalaking inaasahan kong makita ngayong araw . Nakahawak siya ng isang folder. Nakasuot siya ng eye glasses na bumagay naman sa kanya. He looks dashingly handsome on his office attire. "Good morning Mr.Pas—" Natigilan siya sa pagbati nang makita niya akong pinapagitnaan ni Mommy at Daddy sa loob ng elevator. Napangiti ako ng malawak. Sumusunod ako kina Mommy nang lumabas na sila ng elevator at hinarap ang secretary ni Daddy na gulat na gulat pagkakita sa akin. "G...good morning..." mahinang sambit nito. Hindi ko alam kung sino ang binabati niya. Si Mommy ba o si Daddy? Pero sa akin naman ang tingin niya. Tiningnan ko ang buong suot niya ngayon. Bagay pala sa kanya ang isang longsleeve blue na kagaya ng kulay sa suot ko at isang dark blue naman na pants. Tadhana nga naman. Pareho pa talaga kami ng kulay ng damit. "Hi... Ikaw ba ang secretary ni Daddy?" tanong ko rito. Nakatulala pa rin siya sa harapan ko. Halata ang pagkagulantang sa kanya dahil nakikita niya ako ngayon. Para rin siyang nakakita ng multo. Natatawa tuloy ako. Kung wala lang si Mommy at Daddy baka kanina ko pa siya pinagtatawanan. "Uh... Y-yes... Magandang umaga Mr. And Mrs.Pascual." Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Alam kong natatakot siya ngayon baka mahalata kami lalo na't malaki pa ang ngiting ginawad ko sa kanya. "Good morning, iho. Ito nga pala ang anak ko. She is Sariyah Monique Pascual. From now on she will be our acting CEO. Assist my daughter what's her task and teach her how to manage the Company," sabi ni Daddy na ikagulat niya lalo. Namewang ako sa kanyang harapan..proud na pinakita ang office suit na suot ko ngayon. Gusto ko na talagang humalakhak dahil nagtagumpay ako sa plano kong surpresahin siya. Napatingin siya sa akin. Pagkatapos sa kabuuan ko. Nagtatanong ang kanyang tingin. Tinaasan ko lang siya ng kilay sabay tango. "Hi... I am Sariyah. Just call me Riyah. Magkakilala na tayo, right?" Ngumisi ako. Naglahad rin ako ng kamay sa kanyang harapan pero nakatingin lang siya sa akin. Napapasulyap siya kay Mommy at Daddy. Pansin ko ang pamumutla niya. "Magkakilala kayo, iha?" kuryusong tanong ni Mommy. I nodded confidently. Narinig ko ang tikhim ng lalaki sa harapan ko. "Uh... Can we proceed to your office Mr.Pascula?" sabi nito. Mukhang iniiwasan akong sumagot. Pero dahil isa akong makulit na babae at gusto kong nakikita siyang nasa hotseat... "Yes, Mom... We're friends in college. Kaklase ko siya," maligalig kong sabi. "I know his name... He is Aldwin Fuentes." Napatingin sila kay Aldwin. Nagkasalubong ang kanilang mga kilay habang ako may nakakalokong ngiti sa labi. Sa totoo lang hindi na ako natatakot na sabihin kay Mommy at daddy someday na may relasyon kaming dalawa. Matatanggap rin nila si Aldwin. Kailangan ko lang ng sapat na panahon. Dahil hindi pa handa si Aldwin doon. "Really? Bakit hindi mo ito sinabi sa akin, iho na kaklase mo pala ang anak namin?" natutuwang wika ni Mommy. Nahihiya namang napahawak sa batok si Aldwin sabay sulyap sa akin pagkatapos kay Mommy at Daddy. Ngumiti siya ng hilaw. "Nakakahiya po kasi... Anak niyo po siya. Hindi niya ako kapantay." Yumuko ito. Nawala tuloy ang ngiti ko. Ito ang kinatatakutan niya. Baka ma-reject lang siya ni Mommy at Daddy kapag malaman nilang may relasyon kaming dalawa. Worst... Ipapatanggal pa siya sa trabaho na ito. Nawawalan siya ng kumpyansa sa sarili. "There's nothing wrong about it, iho. From now on she's your boss. Araw-araw mo ng makikita ang anak ko. Stop being awkward to her. Mas mabuti nga na magkakilala kayo. Magkakasundo rin kayo agad." si Daddy naman ang nagsasabi noon. Tumingin si Aldwin sa akin. Taas-noo ko naman siyang tiningnan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa surpresa ko. Para pa rin siyang nakakita ng multo. "M-masusunod po Mr.Pascual. Ako na po ang bahala sa anak niyo," mahina nitong sabi. Muling lumabas ang matamis kong ngiti sa kanya. How I wish magiging smooth lang ang lahat sa pagitan namin lalo na't magkikita na kami araw-araw. Kung alam lang ni Mommy at Daddy na mas sobra-sobra pa ang pagkakilala namin sa isa't-isa. Ang sarap ngang sabihin na boyfriend ko siya at siya ang lalaking gusto kong papakasalan. "Can you assist our daughter to her office,iho?" sabi naman ni Mommy. Kumurap si Aldwin dahil hindi na matanggal ang titig niya sa akin. Siguro marami siyang katanongan sa isipan niya. Maraming bumabagabag sa kanya ngayon. "Yes, Mr. And Mrs.Pascual. I will gladly do your request... This way Ms.Sariyah Pascual." He gestures his hand papunta sa office ko. Nagpaalam na ako kay Mommy at Daddy at sumama na kay Aldwin. Alam kong pumasok na rin sila Mommy at Daddy sa kanilang office kaya noong makarating kami sa office ko hindi ko pa na tingnan ang buong silid nang bigla kong niyakap si Aldwin. "Surprise?" natatawa kong sabi. "Let go of me, Sariyah. Baka may pumasok." Nag-alaala nitong wika. Ngumuso ako at hindi nagpatinag. Naririnig ko ang kaba sa kanyang dibdib habang sinasandal ko ang ulo. "Hindi ka ba na surprise sa pagpunta ko rito sa Company ni Daddy?" Tiningala ko siya. Naabutan kong malalim siyang napahinga. Iniling nito ang ulo pagkakita niya sa malungkot kong mukha. He tooka loud deep sigh. Ngumiti siya at niyakap ako pabalik. "I was being surprise when I saw you together with your Mom and Dad. Ito pala ang sinasabi mo kagabi na susurpresahin mo ako? Congrats... Nagtagumpay ka sa plano mo." Nilaanan niya ng halik ang noo ko. Napapikit naman ako sa ginawad niya. "Hindi ka na mag-alala sa akin. Hindi ka na manghihingi ng atensyon pa dahil ibibigay ko sa'yo ng buong-buo ang oras ko habang nasa office tayo. Palagi na tayong magkikita." "But we need to be careful. Maraming empleyado sa paligid. Ayaw kong makakahalata sila. Nandito lang din ang Mommy at Daddy mo," paalalala niya pa. "I know what I am doing, Aldwin. Maitatago ba natin ang relasyon natin ng halos tatlong taon kung hindi ako nag-iingat?" Mapungay ang mga mata niya. "I know, Riyah. Pero kailangan nating mag-ingat. Importante sa akin ang trabaho na ito. This is my only job. Ito ang bumubuhay sa pamilya ko. Ayaw kong matanggal rito. Mabuti ang trato ng daddy at Mommy mo sa akin. Ayaw kong magalit sila sa akin at paalisin ako rito kapag na laman nilang may relasyon tayo." Malakas akong nagbuntong hininga. Nakaramdam ako ng lungkot para sa aming dalawa. Wala pa rin pala kaming kalayaan ni Aldwin sa isa't-isa kung nandito kami sa Company. "Okay... Kung 'yan ang gusto mo. Lilimitahan ko ang sarili sa paglapit sa'yo." Ngumiti ako upang maibsan ang kanyang pag-alala. "Thank you for understanding me. Oras na magkakaroon na ako magandang negosyo. Magiging successful na rin ako sa buhay. Hindi na ako matatakot harapin ang Mommy at Daddy mo. You know...how much I love you. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin. We just need more time." Hinaplos ni Aldwin ang pisnge ko. Ilang sandali pa ginawaran niya ako ng mabilis na halik sa labi. Agarang nawala ang tampo ko. Parang magic ang kanyang halik. "Kailangan mong ayusin ang sarili mo. This is your first day as an acting CEO. Mamaya pupunta ang mga ka-board-member at ipakilala ka bilang papalit sa puwesto ng Mommy mo. Nandoon rin ang mga shareholders at ang mayamang negosyante sa conference room. Just be confident. Ipakita mo sa kanila na kaya momg dalhin ang Company ng Mommy mo." I nodded. Kahit pinaghandaan ko na ito. Kinakabahan pa rin ako sa mga mangyayari. "Katabi ba kita roon?" Mabilis siyang tumango at hinawakan ang kamay ko. "Nasa tabi mo lang ako. I am your guide on that meeting." Kahit papaano ay napapanatag ako dahil nandoon si Aldwin kasama ko sa pagtitipon. I wonder... Sino-sino ang mga bibigating negosyante ang pupunta sa meeting?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD