Umamin, maraming excited sa POV niya.hahaha.
Kanina pa nanghahaba ang leeg ko sa kaaabang sa alaga ko. Isang linggo na buhat noong umalis si Sir Francis at masasabi kong lalo pang gumulo ang bahay at buhay ng mga amo ko.
Mula noong umuwi si Sir Marcus mula sa ospital, nagkandaletse-letse na ang dati ay maayos at masayang pamilya ng Martenei. Sa halos araw-araw na nagdaan, para kaming naglalakad sa nagbabagang uling dahil sa pagbabagong ipinakita ni Sir Marcus lalo na kay Sir Francis. Hay! Nakakaawa naman si Sir Francis. Naging malupit ni Sir Marcus sa kanya. 'Yung dating kinaiinggitan ko na pagmamahalan nila ay naging tila impyernong pagsasama. Kawawa rin ang alaga ko dahil naging saksi siya sa mga pasakit na pinagdaanan ng Daddy niya. Maging ako ay naging saksi kung paano maltratuhin ni Sir Marcus ang asawa. Naroong bulyawan, pagbuhatan ng kamay at pagsalitaan ng mga salitang halos 'di na malamon ng aso. Halos gabi-gabi naming naririnig ang mga impit na pag-iyak niya. Halos araw-araw naming nakikita ang mga pasa niya lalo na nang mga unang buwan mula noong umuwi sila galing sa ospital. Hindi na maalis ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa pag-iyak. Talagang awang-awa kami ng mga kasama kong kasambahay sa kanya. Anim na buwan ding nagtiis si Sir Francis. Kahit gusto kong magpasalamat na hindi niya na mapagdaraan ang mga pagdurusa sa piling ni Sir Marcus, hindi ko magawang magpakasaya dahil ang alaga ko naman ang sumalo sa pagdurusa niya. Kaya nga kahit gusto ko na ring umuwi ng Pilipinas ay hindi ko magawa. Ayokong maiwan si Jarius sa piling ng ama na nawawala na sa katinunan dahil sa amnesia. Kung 'di ba naman siya nawawala sa katinuan, sana isinaalang-alang naman niya si Sir Francis. Sana nakikita niya ang pagdurusa ng anak niya. Sana isinaalang-alang naman niya ang damdamin ng anak niya tuwing nag-uuwi siya ng babae at ipinapakilala sa alaga ko para maging Mommy niya. Oh, eh ano ang napala niya? Lalo pang napalayo sa kanya ang loob ng alaga ko. Kapag kaming dalawa nga lang ay ilang beses niya nang minumura ang ama.
Ni hindi man lang napapansin ng amo ko na sa isang linggong nagdaan mula nang umalis si Sir Francis, napakalaki na ng pagbabago ng ugali ng alaga ko. Nawala na 'yung masiyahin at pilyong si Jarius. Naging bugnutin at masungit na ito. Sa akin na lang siya mabait at maayos makipag-usap. Hay, ang buhay talaga parang gulong. Minsan umiikot, minsan flat.
Napatayo ako nang tumigil ang school bus ng alaga ko sa harap ng gate. Binuksan ko ang malaking pintuan at naghintay sa harap nun. Maagap naman ang guard na pagbuksan ng gate ang batang amo namin. Susukut-sukot na lumapit ang bata sa akin at iniiwas ang mukha.
"Jarius, anong nangyari? Bakit matamlay ka? At bakit marumi ang uniform mo?"
Inabot ko siya ngunit ipiniksi niya ang balikat niyang nahawakan ko.
"I'm hungry, Ya," matamlay na sagot niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may sugat ang ibabang labi niya at mayroon din sa may kilay niya.
"Diyos ko! Ano'ng nangyari sa'yong bata ka?!" Agad ko siyang inalalayan papasok sa loob at kahit anong piksi niya ay 'di ko siya pinakawalan. Nagmamadali ko siyang iniakyat sa kuwarto niya, pinunasan at binihisan.
"Umamin ka sa akin. You tell me the truth. Nakipag-away ka ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya habang binibistahan ng tingin ang mga sugat niya. Marunong naman akong mag-English at isa pa, apat na taon na ako rito sa America kaya natuto na ako.
"Yeah," tila balewala na sabi niya.
"Why? Bakit ka nakipag-away?" naiinis kong tanong. Linsyak. Ako na naman ang mapapagalitan nito, eh.
"Nothing." Nagkibit-balikat pa ang sutil na bata.
"Your Papa will get mad at you," pananakot ko sa kanya.
"Ya, I don't give a s**t!"
Napanganga ako sa narinig kong pagmumura niya.
"Jarius! Where did you learn to say bad words?!" nahihintakutan kong kastigo sa alaga ko. Tila napahiya naman itong nag-iwas ng tingin.
"Some kids," labas sa ilong na sagot niya.
"You know it's bad to say those words, 'di ba? 'Di ba tinuro 'yan sa'yo ng Daddy mo na 'wag magsasalita ng bad words?"
"But Daddy's not here anymore," malungkot niyang sagot sa akin. Napatikom ako ng aking bibig. Paano ko nga ba ipapaliwanag ang lahat sa alaga ko na 'wag niya nang masyadong dibdibin ang pagkawala ng kinikilala niyang Daddy?
"Hala, you come here. Gagamutin natin iyang mga sugat mo."
Laking gulat ko nang bigla siyang sumigaw.
"No! I want Daddy to heal them! Ya, please call Daddy. Tell him I got hurt. Tell him to clean my wounds, to heal and to kiss the pain away. Please, Yaya?"
Nagsimulang manginig ang ibabang labi ng alaga ko. Napailing ako sa awang pumuno sa puso ko para kay Jarius. Umaasa pa rin siya na babalik ang ama-amahan na alam naman naming malabo pa sa burak.
Umupo ako sa gilid ng kama at pinaupo siya sa aking kandungan.
"Jarius, anak, sa ngayon hindi pa makakabalik dito si Daddy mo kasi nasisiraan pa ng ulo si Papa mo," sinimulan ko ang paliwanag ko.
"What's na-shi-shira-ahn ng u-low?" Slang na bata.
"I mean, your Papa is still crazy. Ay mali! Your Papa is still... uh... has still amnesia. And, he forgot he loves your Daddy that's why he sent your Daddy away."
"So, what will we do to make him love Daddy again?" curious na tanong ng alaga ko.
"Oh! Maybe if he meets an accident again then that's the time he'll remember your daddy."
"Really?" excited na tanong niya sa akin.
"Hey! Gusto mo bang your Papa will meet an accident again?!"
"He will deserve it."
Aba, tignan mo kung paano mag-isip itong batang ito.
"Hoy, Jarius, ha? Don't say like that to your Papa. He's still your Papa. Mamaya may makarinig na demonyo, totohanin pa," panenermon ko sa kanya.
"Yeah, whatever. Tss." Aba, talaga naman. Bago ko pa madagdagan ang panenermon ko ay nagbago na ang tono niya.
"Ya, I'm hungry," malambing pa siyang yumakap sa akin. Tss. Akala naman nito madali akong utuin.
"You're hungry?" tumango ito.
"Pancakes?" tumango ulit ito.
"Ilan?"
"Tatlow." Itinaas pa nito ang tatlong daliri.
"Oh sige, ha? You stay here lang, ha? You want orange juice?"
Masaya itong tumango.
"Okay, you do your homework na and I'll make your pancakes na, okay?"
"Yehey!" masaya na itong umalis sa kandungan ko at tumalon papunta sa kama. Hay, salamat sa Diyos at kahit papano ay nakalimutan nito ang tungkol kay Sir Francis.
Kinagabihan ay dumating si Sir Marcus na may uwing anaconda. Ay, babae pala pero kung makapulupot Diyos ko, mahihiya ang ahas. At timing pa dahil noong ipinakilala sa alaga ko, ang pangalan ng ahas ay Anna.
Kaya naman sa buong durasyon ng dinner ay nakabusangot ang Jarius. Wala naman siyang magagawa kundi ang makisabay sa pagkain dahil nung minsan na hindi ay binantayan siya ni Sir Marcus sa kuwarto niya. At ayaw na ng alaga ko na maulit iyon. Kaya naman kahit halata sa mukha niya na sukang-suka siya na makasabay sa ama at sa babae nito ay no choice skya.
At hanggang sa pagbalik namin sa kuwarto niya ay dala pa rin niya ang galit sa ama at sa babae nito.
"I hate that lady," nakabusangot na sabi niya sa akin.
"Me, too," sang-ayon ko sa kanya.
"She moves like a snake."
Magsimula na siyang manggalaiti.
"Oo nga," sang-ayon ko ulit.
"She's ugly."
Hala sige pa, Jarius.
"Oo naman."
Tss. Mas maganda pa ako sa Anna na 'yun, eh. Naka-make up lang kasi ang hitad.
"Her boobs are fake."
"Oo nga... Hoy, saan mo napulot 'yang pinagsasabi mo dyan?!"
"My classmate said that if the boobs are like balloons then they're fake just like her mom's boobs," bibong pagpapaliwanag ng alaga ko.
"Ahh. Sige, agree na rin ako dyan." Pinahiga ko na siya at kinumutan tutal tapos na siyang mag-toothbrush at nakabihis na ng pantulog. Hinaplos ko ang buhok nuya para antukin na siya.
"Ya, do you think Daddy still loves me?" tanong niya.
"Oo naman. Even if your Daddy is so far, far away, he still loves you," sagot ko. Hay, nagsisimula na namang mag-emote ang alaga ko.
"Do you think he'll find another baby to l-love?" nanginig ang boses niya. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh.
"Of course, not. Ikaw lang ang baby boy ng Daddy mo." Napaka-possessive rin talaga ng batang ito, eh.
"Really?"
"Really," paninigurado ko sa kanya. "You sleep na para you will get bigger and stronger tomorrow na, okay?"
"Okay. When I grow bigger and stronger, I'm gonna go and look for Daddy. Sah-ma nah akow sa kah-nya, Ya."
"Oo ba," sagot ko naman.
"Don't worry, Ya. Sha-sah-ma din kih-ta."
Aysus nang-uto pa.
"Oo na. Matulog ka na, okay? Good night."
Tumayo na ako at naglakad patungo sa pintuan ng kuwarto. Akmang papatayin ko na ang ilaw nang pigilan niya ako.
"I'll switch it off myself, Ya."
Iyan ang sabi niya kaya naman hinayaan ko na.
Lumabas na ako at naglakad patungo sa hagdan. Nadaanan ko pa ang Master's bedroom na bahagyang bukas ang pintuan. Napangiwi ako nang malampasan ko iyon dahil narinig ko pa ang tili at ang paghagikgik ni Anna-conda. Sigurado akong gumagapang o ginagapang na siya.
Kumain muna ako at pagkatapos ay nilabhan ang uniporme ng alaga ko. Nakakalungkot na sa sobrang abala ni Sir Marcus sa ahas ay 'di man lang niya napansin ang mga sugat ng anak. Diyos ko, masama mang hilingin, sana ay mabagok ulit 'yung si Sir Marcus para maalala na niya si Sir Francis para naman bumalik na sa dati ang lahat.
Pagkatapos kong maglaba ay naglinis na ako ng katawan. Aba, kahit 36 years old na ako, alam ko pa ring alagaan ang sarili ko, 'no? Malay ko ba kung may ma-in love sa aking Kano. Tapos magkakaanak kami. Tapos isasali ko sa Miss Universe. Tiyak na panalo ang anak ko kasi may lahing banyaga.
Sa sobrang ganda ng magiging anak ko ay hanggang sa panaginip ay dala-dala ko yun. Rumarampa raw siya sa stage at suot ang korona ng Miss Universe. Bumaba pa siya mula sa stage at akmang yayakapin kami ng tatay niyang Kano nang mapabalikwas ako ng bangon mula sa kamang kinahihigaan ko.
"Ano 'yun?" naiinis na tanong ko sa kasama ko sa kuwarto. Nabitin 'yung panaginip ko dahil sa ingay na gumulat sa akin. Hu! Istorbo!
"May sumigaw at tumili, eh," waring sumbong niya. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng kuwarto para puntahan kung sino man ang sumigaw at tumili na iyon.
Laking gulat ko nang madatnan ko sa ibaba ng matarik na hagdan si Sir Marcus at inaalalayang makatayo ang umiiyak at nagsisisigaw na si Anna-conda. Diyos mio. Nahulog sa hagdan ang ahas! Nasa tabi pa niya 'yung laruang kotse ng alaga ko!
Galit na tumingin sa taas ng hagdan si Sir Marcus kaya napatingin din ako roon.
Naroon si Jarius, nakataas ang kilay at waring sayang-saya sa nangyari sa ahas. Napailing ako. Kailangan ko pa bang sabihin kung sino ang salarin sa nangyari kay Anna-conda?