Chapter 4: Marcus

1444 Words
"I'm really sorry, Anna." Bumuntong-hininga ako. Hindi ko na mabilang kung ilang 'sorry' na ang nasabi ko sa kanya. Andito kami ngayon sa ospital. Nasemento ang paa niya dahil sa pagkakahulog niya sa hagdan. "Your son is a little demon!" Nangagalaiti niyang sabi sa akin. Nagdikit ang mga kilay ko sa sinabi niya. "That's still my child you are talking about, Anna. My son may have acted childish but that's understandable because he's just 7 years old. Maybe he got jealous of you," mariin kong sabi sa kanya. Agad namang nawala ang bangis sa mukha niya nang makitang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya tungkol sa anak ko. "I'm sorry, Marcus darling. You're right. Maybe he's just jealous," buong pagpapakumbabang sabi nya. Nagbitaw ako ng malalim na hininga. "You better rest. I'll come visit you tomorrow." Dumaan ang pagtanggi sa mga mata niya pero iba ang lumabas sa bibig nya. "Okay, darling. I'll wait for you," malambing na sabi nya. Tinalikuran ko na siya at lumabas na sa kuwarto niya. Habang naglalakad sa hall way ng ospital ay napapailing na lang ako. Sumusobra na ang batang 'yun. Mula nung umalis si Francis sa bahay ay kung anu-anong kalokohan na ang pinaggagagawa. Ilang beses na ba siyang nagwala? Ilang katulong na ba ang nagpaalam sa akin dahil hindi na raw matiis ang kasutilan ng anak ko? Ilang furniture at gadgets na ba ang nasira nito kapag sinumpong ng pagiging bugnutin? Sinubukan ko naman siyang kausapin. Ilang beses na pero para lang akong nakikipag-usap sa hangin. Sinubukan ko rin siyang suhulan ng mga mamahaling laruan. Pero alam kong nasa loob lang ng isang bakanteng closet ang mga ito at hindi man lang nailabas sa kanilang mga shopping bags. Sinubukan kong makipaglaro sa kanya pero kapag lumalapit na ako ay lumalayo na siya. Hindi ko inakalang ganun magiging kahirap ang makasundo ang anak ko ngayon na wala na si Francis sa bahay. I admit. Isa sa mga rason kung bakit gusto ko na tuluyang mawala si Francis sa buhay namin ay pinagseselosan ko ang closeness nila ni Jarius. Kapag nasa bahay si Francis laging nakasunod si Jarius na tila buntot niya ito. Lagi kong nakikita ang pagyayakapan nila at ang paglalambingan nila. I realize na habang andun si Francis ay mananatiling ilag sa akin si Jarius. Akala ko kapag nawala na siya ay magiging okay na ang lahat, na ako na ang bubuntutan ng anak ko, na ako na ang yayakapin at lalambingin nya. Pero ano ang nangyari? Para akong may ketong kung iwasan niya. Tuwing kinakausap ko siya ay laging pabalang ang sagot niya. Minsan nauubusan na rin ako ng pasensya at 'di lang ilang beses na muntik ko na siyang mapagbuhatan ng kamay. Mamaya, talagang makakatikim na sa akin ang batang iyon. Kung hindi lang nakakapit si Anna kaninang maapakan niya 'yung toy car ni Jarius at mapadausdos siya sa matarik na hagdan, malamang buong katawan niya ang sementado ngayon. Talagang sumusobra na ang kasutilan ng batang iyon. Kung noon ay napagtiisan ko siya, mamaya makakatikim na siya kung paano ako mangdisiplina. Hindi ko hahayaan na lumaki siyang demonyo gaya ng sabi ni Anna. Sa pagliko ko sa isang hall way ay nagkabungguan kami ng nakasalubong kong doktor dahil na rin siguro sa kakaisip kung anong pangdidisiplina ang gagawin ko kay Jarius mamaya at dahil abala ang doktor sa pagbabasa sa chart nitong hawak kaya hindi namin napansin ang isa't isa. "I'm so..." Matigilan ako sa paghingi ng paumanhin nang magkasalubong ang mga mata namin ng doktor na nakabanggaan ko. He was immaculately clean in his doctor's uniform. Napakatikas niyang tignan na nakadama ako ng hiya sa suot kong long sleeves at slacks. Hindi ko maiwasang pag-aralan ang kanyang mukha. May stubbles siya ngunit kumikinang pa rin ang kanyang manipis at mapupulang mga labi. Umangat ang mga mata ko sa maliit ngunit may katangusan niyang ilong. Tumaas ang mga mata ko sa kanyang mga mata. I cannot deny that they're the most beautiful eyes that I've ever seen but the most haunted ones. Tila maiiyak na ang mga ito sa pagkakatingin nila sa akin. Hindi ko maiwasan ang panindigan ng balahibo sa katawan nang makita ko ang sakit at panunumbat na nagre-reflect sa mga matang iyon. Nangilabot ako dahil kahit ganun ang nakikita sa kanyang mga mata, napakagandang lalaki niya pa rin kahit nangangayayat siya. "Dr. Martenei... uh I mean, Dr. JOSE. I'm glad I've found you. Dr. Nevil is looking for you." Pinutol ng isang babaeng nurse ang pagtititigan namin. May kumurot sa puso ko sa narinig kong itinawag ng nurse sa kanya. Pumait ang panlasa ko sa realisasyon na hindi na niya gamit ang apelyido ko. Nakadama ako ng sama ng loob. What the hell?! f*****g s**t. Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Nagyuko ng ulo si Francis. "I'm coming," sagot niya sa nurse. "I'm sorry if I bumped in to you. I admit I wasn't looking." Bago ko pa mahanap ang boses ko ay tinalikuran niya na ako. Gusto ko syang habulin. Gusto ko siyang kausapin but I cannot find my self to do that. Walang lakas ang mga binti ko para sundan siya at tanging paghabol na lang ng tingin ang nagawa ko hanggang sa mawala siya sa paningin ko. .... Pak! Pak! Pak! Pak! Apat na magkakasunod na palo sa puwet ang pinatikim ko kay Jarius. "Promise me you will not do that again!" singhal ko sa kanya. "No! I hate you! Huhuhuhu!" ñagpapalahaw niya ng iyak. Pak! Isang palo pa ang iginawad ko sa kanya. "Sir, tama na po," naiiyak na pagpipigil sa akin ni Bebang nang akmang papaluin ko na naman ang sutil kong anak. "Kaya lumalaking matigas ang ulo ng batang 'yan dahil ini-spoiled ninyo!" galit kong bulyaw sa tagapag-alaga ng anak ko. "Now, you will promise that you will not hurt other people again!" sigaw ko sa anak ko na patuloy na ngumunguyngoy sa ibabaw ng kama. "No!!! I freakin' hate you! And I will not be good because you made Daddy leave me! I hate you!" Kahit humahagulgol na ng iyak at kahit nagkakandahalo-halo na ang sipon at mga luha niya ay matapang pa rin ang anak ko. "He is not your Daddy! I am your Daddy! I am your Papa. I'm your real father!" panunumbat ko sa anak ko. "No! You don't love me! Daddy loves me! He's my real father! He would not hurt me like you did! Huhuhuhu! I hate you! I don't wanna be with you anymore. Daddy! D-daddy! Da-aaddd..." pumiyok ang boses ni Jarius sa dulo. Sumubsob siya sa mga unan at nagpalahaw ng napakalas na iyak. Nakakadurog ng puso ang panaghoy ng aking anak. Nanunusok ng dibdib. Pumupunit ng puso. Nakakawala ng hininga. "Jai..." malungkot kong tawag sa anak ko. Napatingin ako kay Bebang na tahimik na lumuluha. Tinignan niya ako nang may panunumbat bago siya pumunta sa kinahihigaan ng anak ko. Nang maramdaman ng anak ko ang yaya nito ay kusa itong yumakap dito. "Y-ya! I want my Dad--dy! Dadddd!" Iyak nito. "Oo, anak. Tahan na! Malulungkot ang daddy mo kapag nalaman niyang umiiyak ka," pagpapatahan ni Bebang sa anak ko. "I wanna.. see... m-my daddy... please, Ya! P-please...?" Sumisigok na ang anak ko sa kakaiyak. Awang-awa ang yaya nito na pinunasan ang basang-basa at namamagang mukha ng anak ko. Hindi ko na narinig ang sagot ni Bebang sa hiling na anak ko. Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba. Dumiretso ako sa bar at naglabas ng matapang na alak. Napangiwi ko nang dumaan ang mapait na likido sa aking lalamunan. Napahawak ako sa aking ulo. God! Nagkamali nga ba ako na paalisin si Francis sa buhay namin ng anak ko? Ibinaba ko ang kamay ko at tinitigan ito. Ang kamay ko na nanakit sa anak ko. Ang kamay ko na lumatay sa balat ng anak ko. How could I hurt my son? Why can't I make him understand that I don't love Francis anymore? Why can't he love me the way he loves Francis? Then I remembered Francis' eyes and the way he looked at me sa ospital kanina. Bakit nakararamdam ako ng pagkakonsensya? Bakit nakararamdam ako ng panghihinayang kaninang maglakad siya palayo sa akin? Bakit sumama ang loob ko kaninang nalaman ko na hindi na niya gamit ang pangalan ko? Hindi ba at pinandidirihan ko siya? Hindi ba at galit ako sa kanya? Pero bakit ganito? Bakit ambigat-bigat ng dibdib ko? Why am I feeling that I have committed the biggest mistake in my life for hurting him and for hurting my son? What the f**k is happening to me?! ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD