"Are you sure you're all right?" tanong ni Nico, isa ring brain surgeon at isa sa pinakamalapit kong kaibigan sa ospital na pinagtratrabahuan ko. Siya ang pinakaunang naisip kong tawagan at hingan ng tulong. Hindi naman ako nagdalawang salita dahil agad niya akong pinuntahan sa restaurant na pinaghintayan ko sa kanya. Dito na muna ako habang nag-iisip kung ano ang magiging susunod kong hakbang.
"Yeah. Thanks, Nico." Ngumiti ako nang pilit sa kanya.
"If you need anything, don't be shy to ask. Feel at home, okay?" nag-aalalang bilin niya na tinanguan ko bago siya tuluyang lumabas sa kuwartong pansamantala kong tutuluyan.
Napabuntong-hininga ako sa aking pag-iisa. Hindi na ako nagbihis at bigla na lang sumalampak ng higa sa kama. Napakaraming isipin ang pumasok sa ulo ko.
Alam na kaya ni Jai na hindi na ako babalik?
Nagse-celebrate na ba ngayon si Marcus dahil tuluyan na akong nawala sa buhay nilang mag-ama?
Umantak sa puso ko ang mga isiping 'yun. Masakit. Mag-aapat na taon pa lang kaming nagsasama bilang mag-asawa, nangyari na ang trahedyang babago sa buhay naming lahat.
I could still clearly remember that night. Jarius and I were waiting for him for our family dinner when that dreadful phone call arrived. My husband met an accident. His driver died on the spot and nag-50-50 si Marcus dahil sa tinamo niyang head injury. That was the biggest challenge in my career as a surgeon. Nakasalalay ang kaligtasan ng taong mahal ko sa mismong mga kamay ko. Ginawa ko ang lahat para iligtas siya. That major brain operation took almost 24 hours. Kinaya ko kahit napakahirap. I gave my best para sa operasyon niya. Pinatunayan ko sa lahat na ako ang pinakamagaling na brain/neuro surgeon sa ospital na pinagtratrabahuan ko. And the operation was a success. Two weeks siyang na-coma and every day, naroon ako sa tabi niya, umiiyak habang nagdarasal na sana maka-survive siya. Nag-file na rin ako ng leave para mabantayan siya.
And that morning when he finally opened his eyes was one of the happiest and loneliest day of my life. Hindi niya ako nakilala. He accepted his son but he didn't accept me. He hated me noong una pa lang niya akong makita. It hurts. It f*****g hurts but I pulled through. Inalagaan ko siya kahit halos murahin niya na ako tuwing nakikita niya ako. Ngumingiti lang ako at pilit siyang iniintindi kahit sadya niyang itinatapon ang mga pagkaing dinadala ko sa kanya o itinutulak niya ako tuwing aalalayan o tutulungan ko siya. Hindi rin ako nakaligtas sa mga pang-iinsulto niya o pangungutya niya. I silently cried tuwing ikinakahiya niyang asawa niya ako sa harap ng mga bisita niya.
Nang makauwi na siya sa bahay ay lalong grumabe ang mga temper tantrums niya. Pati nga pagtulog ko sa tabi niya ay pinandidirihan niya kaya sa isa sa mga guestrooms na ako natutulog.
Ilang beses niya rin akong napagbuhatan ng kamay. Sampal, tulak, suntok pero noong muntik niya nang tamaan 'yung ulo ko ng vase na ibinato niya sa akin, umiiyak kong sinabi na mamamatay ako kung tumama sa ulo ko ang vase na 'yun. He stopped hurting me physically but not emotionally. Nariyan 'yung pag-uutos niya na animo isa akong kasambahay. The constant curses and insults were there, too... almost everyday. But what really broke my heart was the night he brought home a woman and f****d her in our bed. Sadya pa niyang ipinarinig sa akin ang mga ungol nila nung gabing 'yun. I still wanted to understand everything pero sobrang nasasaktan na ako na pati paghinga ay nahihirapan na akong gawin everytime I see him smirking at me after f*****g some women in our bed. Yes. After that night when he brought a woman home, gabi-gabi na siyang nag-uuwi ng babae. At tuwing umaga, pagkatapos nilang magpakasawa sa ibabaw ng kama namin, ipaparada pa niya ang mga ito sa harap ko as if telling me na wala ako ni sa kalingkingan ng mga babaeng nagbigay sa kanya ng makamundong kaligayahan.
Sobra-sobrang sakit.
Sobra-sobrang sama ng loob.
Sobra-sobrang pagtitiis ang ginawa ko sa piling niya sa loob ng anim na buwan.
Hindi ako nagsabi sa mga kaibigan namin sa 7 Demons. Kahit sa mga pamilya namin, hindi ako nagsalita. Gabi-gabi akong nagdarasal. Gabi-gabi kong iniiyakan ang Diyos na sana pagalingin Niya na ang amnesia ni Marcus. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang asawa ko.
Saka lang ako sumuko nang halos isampal niya na sa mukha ko ang divorce papers namin at inutusan akong pirmahan 'yun.
Tatlong araw kong pinag-isipan ang lahat. Tatlong araw kong tinimbang kung kaya ko pa bang magtiis kahit halos isuka niya na ako. At sa ikatlong araw, pinirmahan ko na ang mga papeles. Nagpagawa na rin ako ng kasulatan na hindi ako tatanggap ng alimony. Hindi ko kailangan ng pera niya.
Lord knows, ayoko siyang iwan. Ayoko silang iwan ni Jarius. Mahal na mahal ko ang mag-ama ko. Pero alam ko, hindi matatahimik si Marcus hanggang naroon ako. Gagawa at gagawa siya ng paraan para saktan at pahirapan ako. Alam kong kaya ko pang magtiis alang-alang sa pagmamahal ko sa kanila ni Jai pero ayoko na siyang pahirapan pa. Sumuko ako kahit mahal ko pa siya. Gusto kong ibigay ang lahat ng makakapagpaligaya sa kanya kahit ako ang magdusa at maiwang luhaan.
I may have been married to a man but I'm still a man. Marcus had crushed my heart and pride but I know, I could stand up once again. It would be painfully hard for they've been a part of my life for almost eight years pero kailangan ko ring lampasan ang pangyayaring ito sa buhay ko. Ayokong habambuhay na makulong sa alaala ni Marcus Martenei. Kakayanin ko. I survived coma. I survived my amnesia. I could also survive a broken heart. I couldn't completely blame Marcus for doing this to me. Maybe it's fate telling us that some good things really don't last. Tama na 'yung walong taon ng kaligayahan. Na kailangan na naming harapin ang katotohanan na sa relasyong meron kami, walang panghabambuhay na kasiyahan. It made me realize that we really cannot control God's will.
As I was waiting for Nico to pick me up a while ago, I made up my mind. I promised my self that I will have my life back. I have to have my life back kahit kalahati ng puso at pagkatao ko ang nawala sa akin. I still have my career to focus in to. I have my patients to take care of. It would be hard to fix my broken heart I know. But in time, I know it will be healed.
Will I ever have to take Marcus back kapag naalala niya na ako? I don't know. It still hurts me so much to think about it. Maybe. Maybe not. I know I still love him after all the pain he has given me. Pero sa ngayon, masakit pa. Sobrang sakit pa. Hindi ko pa kaya.
I'm just hoping na kayanin ni Jarius na wala ako sa tabi niya. My poor baby. It's just so sad na nadamay siya sa pandidiri at galit sa akin ni Marcus.
I closed my eyes and hummed a song to at least forget the burning pain in my heart.
I WON'T GIVE UP
When I look into your eyes
It's like watching the night sky or the beautiful sunrise
There's so much they hold
And just like them old stars.
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?
Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up
And when you're needing you're space to do some navigating
I'll be there patiently waiting to see what you find
Nagsimulang gumaralgal ang boses ko pero ipinagpatuloy ko lang ang mahina kong pagkanta.
Cause even the stars they burn
Some even fall to the earth
We've got a lot to learn
God knows we're worth it
No, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up, still looking up
Wrong choice of song. It's the song sung by Marcus to me nung mag-propose siya ng kasal sa akin way back in Martenei. Kaya naman imbes na mabawasan 'yung sakit na nararamdaman ng puso ko, mas lalo pa itong humapdi.
"God! I'm missing you already!" impit kong sigaw.
"M-marcus... how could you f*****g break my heart?! How could you f*****g forget you love me?" Humagulgol ako ng iyak sa mga palad ko. Ansakit-sakit. Akala ko ay makakaya ko.
Nami-miss ko na si Marcus. Si Jarius. Nami-miss ko na ang mga ngiti nila. Ang mga tawa nila. Nami-miss ko 'yung mga panahon na sinasabi nilang mahal na mahal nila ako. Nami-miss ko na ang mga yakap at halik nila. Miss na miss ko na sila.
"M-marcus... Ja-rius... oh, God...!" Lalo pa akong umiyak nang umiyak nang umiyak. Iniiyak ko ang pagkawala sa buhay ko ng mga taong mahal ko. Iniiyak ko ang paulit-ulit na pagkakasugat ng puso ko.
This is my end. This is the end of my happy life.