Chapter 1: Marcus

1442 Words
I woke up with a heavy head. After waking up from the accident that happened to me, ganito na lang lagi ang eksena tuwing gumigising ako sa umaga. Mabigat at mainit ang ulong gigising na lalo pang iinit kapag nakita ko na naman ang pagmumukha ng Francis na 'yun. Tuwing nakikita ko siya ay nakadarama ako ng pandidiri sa sarili ko. I can't believe that I married a man like me. Oh, well. He's really good looking and sexy for a man. He also has that amazing pair of eyes. Pero lalaki pa rin siya at lalaki pa rin ako. I can't believe that we are living as husbands for the past three years. And I cannot f*****g believe I f****d him last night! With that thought ay agad na akong bumangon at liningon ang side ng kama. The room reeked of s*x. I scrunched up my nose. Damn! I can't believe na napapayag niya akong makipag-s*x sa kanya. 'Di bale, that would be the last. Tutal, he already signed our divorce papers. Hindi nga ako makapaniwala na sa loob ng anim na buwan ay nakayanan niyang makisama sa akin. I treated him the worst treatment I could ever give. I cursed him, brought home women and f****d them in our room, I treated him like a slave. Ilang beses ko na rin siyang nasaktan physically but when he warned me that he'll gonna die if I'll hit his head, hindi ko na siya sinaktan ulit. I didn't care whether my son adores and loves him. I just hate him to the core. Unang kita ko pa lang sa kanya noong magising ako sa ospital, I already hated him. Kahit na ilang beses siyang umiyak at magmakaawa sa harap ko, hindi naalis nun 'yung pagkasuklam na nararamdaman ko sa kanya. Nasusuklam ako dahil pakiramdam ko ay pinahiya niya ako sa mundo by being married to me. Pakiramdam ko ay pinagtatawanan ako ng lahat dahil lalaki ang napangasawa ko. Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko na mahal na mahal ko raw siya. Ano ako? Tanga? Ang amnesia, sa utak at hindi sa puso. Kung talagang mahal ko siya, kahit nakalimutan siya ng isip ko dapat hindi siya nakalimutan ng puso ko. Pero ano? Imbes na pagmamahal ay pure hatred ang naramdaman ko sa kanya. Hindi ko matanggap na mag-asawa kami. Hinding-hindi ko siya matatanggap. At kung talagang mahal ko siya noon, puwes, hindi ko na siya mahal ngayon. I stood up and looked for the brown envelop kung saan nakalagay 'yung mga papeles. Agad ko itong ilinabas at hinanap ang pirma niya. And it's there. Sa hindi maintindihang rason ay bumilis at lumakas ang t***k ng puso ko. Aah! Baka excitement lang ito dahil sa wakas malaya na ako. Wala nang magtatawa at manlilibak sa p*********i ko. Iginala ko ang tingin ko sa kuwartong tinulugan ni Francis Jose sa loob ng anim na buwan. Nakita kong wala na ni anumang damit ang closet niya. May nakita rin akong box sa may bedside table. Nagbihis muna ako at saka ko kinuha iyon. Naupo ako sa kama at saka binuksan ang may kalakihang box. Marami akong nakitang panlalaking mga alahas. Singsing, kuwintas at maging mamahaling mga relo. Kinuha ko ang isang pamilyar na singsing. Hmm, ito 'yung singsing na lagi niyang suot. 'Yung wedding ring niya. Napapalamutian ito ng mga diamonds. Paano niya kaya ako nauto noon para bilhan ko siya ng ganito kamahal na singsing? Natigilan ako sa pag-iisip. Kung siya ang bumili ng mga alahas na ito, hindi niya ito iiwan, 'di ba? Kaso iniwan niya ang mga ito so that means na ako ang bumili ng mga alahas para sa kanya. f**k! Gaano ba siya kagaling mang-uto? Sa inis ko ay binuhos ko sa kama ang lahat ng laman ng jewelry box. Wala akong pakialam kahit magkandahalo-halo o magkabuhol-buhol pa ang mga ito. Napatulala ako sa nakita kong nasa ibabaw ng kumpol. Ang dogtag ko! Pati ba naman ito ay napunta sa kanya?! Hinawakan ko ito ngunit agad ko ring nabitawan nang tila may kuryenteng dumaloy sa kamay ko mula rito. Bigla akong napasapo sa ulo ko nang kumirot iyon. "Argh," mahina kong ungol. Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Mahigit na sampung minuto rin ang tiniis ko bago tuluyang naalis ang sakit ng ulo ko. Hindi na ako nag-isip pa at nagmamadali kong ibinalik sa jewelry box ang mga alahas at dinala ito. Kinuha ko rin ang envelop na naglalaman ng divorce papers namin at tuluyan nang lumabas sa silid. Tinungo ko ang master's bedroom at naligo na. Linggo ngayon at makakapag-relax ako lalo na at wala na 'yung mukhang kinaiinisan ko rito sa bahay. Mamayang gabi, lalabas ako para mag-celebrate. Lumabas na ako mula sa kuwarto at bumaba para kumain ng breakfast. Naabutan ko na roon ang anak ko na kumakain at binabantayan ng yaya nito. My son. Nakalimutan ko siya nang magising ako mula sa aksidente pero hindi ko maitatanggi ang lukso ng dugo na naramdaman ko noong una ko siyang makita lalo at kamukhang-kamukha ko siya. Nalaman ko rin na ang ina niya ay si Vinxie. And no, I don't intend to marry her just to give my son a mother. I-enjoy-in ko muna ang pagkabinata ko. "Hi, Jarius Vei," masigla kong bati sa anak ko. Tahimik lang siyang tumango. Naiintindihan ko naman na malayo ang loob ng anak ko sa akin dahil naging saksi siya sa mga masasamang trato ko kay Francis. "Would you want to go to the mall today?" mas pinasigla ko pa ang boses ko. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang sa pagnguya. Napailing na lang ako at nagsimula nang kumain. "When is Dad coming home?" tanong niya pagkaraan ng mahabang katahimikan. "He's not coming home anymore," seryoso kong sagot sa tanong niya. "What?! Why?!" galit niyang tanong. "Tone down your voice, young man. Francis is not coming home because he's no longer your dad. He already signed our divorce papers," pagpapaliwanag ko sa bata na mabilis na tumayo at galit na tumingin sa akin. "You made daddy leave?" nanumumbat na tanong niya sa akin. "Jai..." nagulat ako sa magkakasunod na pagtulo ng napakaraming luha sa kanyang mga mata. "Don't call me that! Only Daddy can call me that!" my son screamed at me habang galit na galit niyang pinupunasan ang kanyang basang pisngi. "Why did you make him leave?!" "Look, Jarius. It's for the best. We can't be a family because he is not a woman. He cannot be a mother." I tried my best to explain it to my seven year old son. "Besides, I don't love him. I'll get you a new Mom okay?" "But I love him! I don't want any Mommy! I want my daddy! I want my daddy!" Nagsimula na itong magwala. Pinagbabato nito ang lahat ng mahawakan. Mabuti na lang at maagap ang yaya nito na yakapin ang bata dahil kung hindi, tumama na sana sa akin iyong platong hawak niya. "Jarius!" Napatayo na rin ako sa galit. "I want my daddy! Huhuhuhu! Daddy! Dad, where are you?! Daaad!!!" Nagsisisipa ito at nanuntok kaya nakawala ito sa pagkakahawak ng yaya. Tumakbo ito paakyat sa hagdan. Taranta kaming humabol ng yaya nito dahil baka madapa ito at mahulog. Mabilis itong nakaakyat at dumiretso sa kuwarto ni Francis. Pinagbubuksan nito ang mga closet habang umiiyak. Malungkot itong pinapanuod ng yaya nito samantalang ako naman ay hindi alam kung paano siya mapapatahan. "Jarius..." tawag ko sa kanya habang patuloy siya sa pag-iyak sa harap ng closet na wala na ang laman. Galit niya akong nilingon habang patuloy na umiiyak. Pulang-pula ang kanyang ilong at mga mata. At ang tingin niya sa akin, punung-puno iyon ng galit at panunumbat at paninisi. "It's your fault! Daddy left me because of you! I hate you! I hate you!" Tinakbo niya ako at pinagsusuntok. Kahit maliit siya ay dama ko ang galit ng bawat suntok na pinapatama niya sa katawan ko. "Jai, calm down, son," pagpapatahan ko sa kanya. Tinangka ko siyang yakapin pero tinabig lang niya ang mga kamay ko. "Don't touch me! I hate you! I hate you!!!" he screamed over and over again. "Jarius!" bulyaw ko sa kanya nang tuluyan na rin akong makadama ng inis. Tumigil siya sa pagsigaw at tiningala ako. Tila ako nasaksak ng punyal sa dibdib nang marinig ko ang sumunod na sinabi niya. "I wish Daddy didn't save you! I wish you died that night!" umiiyak na bulyaw niya bago tumakbo paalis at iniwan akong tulala at sumasakit ang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD