Chapter 5: Francis

1520 Words
Nag-angat ako ng mga mata mula sa mga papeles na binabasa ko. Napatiim-bagang ako at ibinaba ang mga papel sa aking mesa. Ito ang mga papel na nagsasabing pumapayag na ang ospital sa aking pagtransfer sa isang mas malaki pang ospital sa Chicago. Chicago. Malayo sa San Francisco. Malayo sa mga alaala. Malayo sa aking mag-ama. I sighed. Alam kong mahirap dahil magsisimula akong muli ngunit ang paglayo ay isa sa mga paraang naisip ko para tuluyan na akong makalayo sa mga sakit. Unang taon ko pa lang dito sa ospital ay napabalita na sa mundo ng Medisina dito sa America ang galing ko bilang neurosurgeon. Maraming mayayaman at bigating tao ang matagumpay kong napagaling mula sa kanilang mga brain injuries. Hindi ko kailanman ipinagyabang o ikinalaki ng ulo iyon. Kapag may mga batang pasyente at hindi kayang bayaran ang mga gastusin sa operasyon ay pumapayag ako na libre ang aking serbisyo. Nagdoktor ako para makatulong at hindi para yumaman kahit na ang surgeon's fee ko ay karaniwan nang umaabot sa 6 digits. Sa ikalawang taon ko nga ay mas dumami pa ang pumapirate sa akin na mga ospital sa buong US. Nakakalula nga ang mga inooffer nilang magiging suweldo at bayad sa aking serbisyo pero tinanggihan ko lahat iyon. Ayokong malayo sa pamilya ko. Pero ngayon... Muli akong napabuntong-hininga. Kailangan na. Gusto ko mang pumunta sa Japan o 'di kaya ay umuwi sa Pilipinas ay 'di ko magawa. Hanggat maaari ay ayoko munang malaman ng pamilya ko ang kinahinatnan ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang lahat. Napaka-ironical lang. Ako ang pinakamagaling na doktor sa utak sa buong America ngunit sarili kong asawa ay 'di ko mapagaling sa kanyang amnesia. Napakiharap i-explain sa lahat kung bakit kami nagkaganito. Kung bakit ako sumuko. Marami ang mangunguwestyon sa aking pagdedesisyon na lumayo. Marahil ay sasabihin nila na sa aming dalawa ni Marcus, ako ang nasa tamang pag-iisip kaya ako ang dapat umintindi. Ako ang dapat mag-adjust. Ginawa ko naman. I gave my best to Marcus. Pero sabi nga sa kanta, "My best wasn't good enough." Hindi lang ang katawan, kalooban at puso ko ang nagdusa sa loob ng anim na buwan. Even my mind was tormented by the person who promised me the moon and stars. The person who promised me heaven gave me hell. The person who swore not to hurt me inflicted me torture and pain. The person who swore to love me always gave me bitterness and tears. Tao pa rin naman ako kahit na sabihin na napakatalino at napakagaling kong doktor. Marunong pa rin akong masaktan at umiyak. Marunong pa rin naman akong mahiya at tumanggap ng pagkatalo. Marunong pa rin naman akong sumuko. Mapagod. Mag-give up. Seeing him after a week cemented my decision to leave. Nung makita ko siya, kahit na sobra niya akong nasaktan at inapakan ang pride ko bilang lalaki, out of instict ay gusto ko siyang yakapin at halikan. I had the urge to beg him to take me back, to bring me home, to love me again. Halos maiyak ako sa pagtitig sa kanyang mga mata dahil wala na ang dating kislap ng pananabik at pagmamahal sa mga iyon. But I have to turn my back at him. Pride ba ang dahilan? Maybe. My broken heart? Maybe. Tinalikuran ko siya dahil isang napakatinding damdamin ang bumalot sa buong pagkatao ko habang walang kangiti-ngiti siyang nakatitig sa akin. Hurt. Pain. So much pain. I want to slap him. Beat him up for hurting me so much. For breaking my heart and leaving it bleeding. But I didn't dare. Not because I'm scared that he'll hit me back. It's because I don't want him to see me weak and in pain anymore. Tama na 'yung anim na buwang nasiyahan siya sa bawat sakit na naidulot niya sa akin. I wiped the tears rolling down from my eyes. Tama na, Francis. 'Wag mo nang iyakan pa ang taong nagdulot sa'yo ng labis na pagdadalamhati. Ang makaalis agad ang dapat mong pagtuunan ng pansin. I dictated my mind. "Come in!" Nilakasan ko ang boses ko nang may marinig akong kumatok sa pintuan ng opisina ko. "Dr. Jose, Mr. Kenth Kaide is here to see you," nakangiting sabi ng secretary ko. "Send him in, Lizbeth." Tumango ako sa sekretarya at agad na itinabi ang mga papeles sa isang drawer ng lamesa ko. May naging problema kaya sa naging operasyon ko sa ama ni Mr. Kaide? Six months before Marcus's accident, nagsagawa ako ng isa sa pinakamalaking operasyon sa buong career ko bilang isang brain surgeon. Tinanggal ko ang tumor sa utak ng nakatatandang Kaide. Napakakumplikado ng naging operasyon. Pinatawag pa ang tatlo sa pinakamagaling na brain surgeons sa San Francisco para iassist ako. It was a success ngunit kinailangan kong tutukan ang pasyente dahil na-coma siya ng mahigit na isang buwan. Doon ko napag-alaman na bigating tao pala ang matanda. Pinamumunuan pala niya ang isa sa pinakamalaking Japanese-American Mafia group dito sa America at sa Japan. I could still remember up to this day ang naging paghaharap namin ni Kenth Kaide. He was cocky. Arrogant. Rude. And a f*****g giant. He's 6'5. Akala mo pag-aari niya ang lahat ng tao kung makipag-usap siya. He threathened the surgeons, which included me, that he'll hunt down our families kapag hindi naka-survive ang ama niya sa ginawa naming operasyon. Sa aming apat, I was the one who stood up against him. I told him that we did our best for his father. Pinamukha ko sa kanya na hinding simpleng tumor lang ang inalis namin sa ama niya. I confidently told him that his father will wake up from the coma and if in case he won't, then I'm willing to surrender my license and I'll let him cut my fingers. He was as mad as a demon sa ginawa ko but he just raised his brow at me. Nag-walk out pa ako sa kanya. Kaya naman I dedicated my time to his father hindi dahil sa takot kundi dahil gusto kong patunayan sa kanya na hindi lang ako basta-bastang doktor. He saw how I took care of his father. And when his father did wake up, he humbly thanked me for all my efforts for taking care of his father. After another month, nakauwi na sila. Nagulat na lang ako dahil 7 digits ang iniwan nilang bayad sa serbisyo ko. I refused it but the old man firmly and arrogantly said that I have to accept it dahil ayaw raw niyang magkautang na loob sa kahit na sino. Like father like son. "Dr. Martenei." I stood up when he entered the room with that cocky and lazy smile of his. "I'm Dr. Jose now, Mr. Kaide," I politely said. I raised my hand and I felt him grip it quite hard with his monstrous hand. "So I heard." Animo pag-aari niya ang opisina ko na basta na lang siyang umupo kahit hindi ko pa naman sinasabi. Napailing na lang ako at umupo na rin. "Um, what can I do for you, Sir? How's Mr. Kenji?" magalang kong tanong kahit nababanas na ako sa ginagawa niyang pagtitig sa akin. "You look sick," 'Yan ang sinabi niya imbes na sagutin ang tanong ko. Kahit may tila paninisi sa boses niya na hindi ko maintindihan, I saw the flicker of concern in his eyes. "No, I'm not. Thank you," sagot ko. "Great. I came here to bring you home." Naglabas siya ng sigarilyo at sinindihan 'yun sa harap ko na nakanganga sa kanya. "Excuse me? Bring me where?!" gulat kong tanong nang makabawi ako. "You want to transfer, right?" Wala anumang nagbuga siya ng usok. "How did you...?!" "My father wants you to work for the organization." "What...?!" "He is your ex-husband, right? And this is his cute kid?" Inilagay niya sa harap ko ang larawan naming tatlo nina Marcus at Jai. "B-but..." Kumalabog nang sobra ang dibdib ko sa sindak, takot at pag-aalala. "We can leave peacefully... or we can bring their heads in the car," nuong kayabangan niyang sabi sa akin. Puno ng pagbabanta ang kanyang mga mata. "I... N-no... I..." Pinagpapawisan ako nang malapot. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. "Six of my men are watching your ex-husband's house right now. Three are waiting for his son to get out from his school. They're just waiting for my call." Inilabas niya ang isang mamahaling telepono at ipinatong iyon sa mesa. Napapikit ako nang mariin. Napakapit ako sa edge ng mesa ko. Nag-uunahan ang mga nakakatakot na pangitain sa utak ko. Ayokong sumama. Gusto kong lumayo pero hindi sa ganitong paraan. Ngunit kung ang kaligtasan naman ng mga taong mahal ko ang involved then I know I don't have a choice. Nagmulat ako ng mga mata at diretsong tinignan ang singkit na mga mata niya. Tumaas ang kilay niya at hinintay ang kung anumang sasabihin ko. Huminga ako nang malalim at nagsalita. "I'm going with you." ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD