Hinaplos ko ang manipis na buhok ng batang nakahiga sa aking kandugan, ang batang dala ang aking dugo sa kanyang mga ugat. Ang batang dala ang kulay ng aking balat. Wala man siyang nakuha sa aking panlabas na itsura ngunit alam kong bahagi ko ang bumubuo sa kanyang pagkatao. At ang batang ito ang nagpatayog pa sa antas ng aking p*********i bilang kanyang ama. Ezekiel. Napakagandang pangalan. Pangalan ng isang anghel. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa na nakuha niya ang maamo niyang mukha sa kanyang ina. Maging ang kanyang mga mata, ilong at manipis na mga labi ay nakuha niya sa kanyang ina na akin lamang inangkin bilang kabayaran sa pagkakautang ng mga magulang nito. Sino ang mag-aakalang sa loob lamang ng sandaling panahong iyon ay magbubunga ang aming pagtatalik? Gayunpaman ay mas