Kabado akong nakaupo sa backseat ng isa sa mga itim ng SUVs na kasalukuyan ngayong humahagibis sa maluwang na hi-way ng Phoenix, Arizona. Ni hindi ko na nga alam kung saan kami magkikita-kita ng grupo ni Kaide rito sa Phoenix. Kinakabahan ako at natatakot kung ano ang kahihitnatnan ng magiging pag-uusap namin ng Hapon na 'yun. Pero sa kabila ng kaba at takot ay determinado ako. Determinado akong gawin ang lahat para makuha si Francis mula sa kanya. Naumpisahan ko na mula nung sumali ako sa Russian Mafia Group. Or rather kami. Napilitan ang kambal na kunin na ang puwesto ng ama nila sa Mafia group. Hindi pa dapat ngunit para makasali ako, kailangan nang magretiro ng ama nila para makapasok kami sa grupo kaya naman malaki ang utang na loob ko sa kambal. It wasn't easy. It took us months to