"Daddy, are you okay?" ang matinis ngunit nag-aalalang boses ni Zeke ang pumutol sa aking pagkakatulala. Narito kami sa kanyang silid at naglalaro. At dahil may mga gumugulo sa aking isipan, hindi ko na napansing tulala na pala ako. "Sorry, baby. Daddy's just thinking of something. Go on, build some houses." Pumulot ako ng ilang blocks ng Lego at ibinigay ko iyon sa bata na masaya naman iyong inabot. Pinanuod ko siya na may ngiti sa aking mga labi dahil sa saya na nasa kanyang mukha. Hinaplos ko ang kanyang ulo. Tumingin naman siya sa akin at binigyan niya ako ng isang ngiti bago siya muling bumalik sa paglalaro. This kid has been my breather. Pinunan niya ang pananabik ko kay Jarius. Siya ang nagpapalimot sa magulong buhay na meron ako ngayon. Siya ang nagpanumbalik ng ngiti sa aking mu