Pinilit kong ibukas ang mga namimigat kong mga mata ngunit mabilis ko rin silang naisara dahil sa pagkakasilaw ko sa liwanag na pumapasok sa mga bintana. Bumaling ako ng higa at napakislot sa hapdi ng ilang parte ng aking katawan. Hindi na ako nagulat pa sa pagdagsa ng kirot sa aking buong katawan lalo na sa aking likuran. Sa bawat araw sa loob ng tatlong buwan mula nang ikasal kami ni Kenth, ganito na ang pakiramdam ko. Wala naman akong ibang pagpipilian dahil kung sakaling meron, wala ako dito sa kinalalagyan ko ngayon. I always have to put in my mind that I am now Francis Kaide and not Francis Jose nor Francis Martenei. My name and body belong to Kenth now and I am already at his mercy. At sinusubukan ko. Sinusubukan kong tanggapin ang katotohanang iyon. Ngunit alam ko, kahit ano pa ang