Chapter 5

2074 Words
Umiiyak habang nakatanaw si Janna sa mga nagagandahang bulaklak sa hardin ng bahay ampunan. Naalala niya ang masasayang sandali nila doon ni Janna Mae. Noong una silang magkita, ang pagtutulungan nila sa pagdidilig ng mga halaman at ang mga tawanan at kulitan nila habang nagbubunot ng damo na nakapaligid sa mga halaman. Ilang taon din silang laging magkasama laging magkadikit pero ngayon mukhang iiwan na siya ni Janna Mae. Sa isang araw ika-18 birthday na sana nila kaya lang mukhang ngayon pa lang ay aalis na ang mga ito. Unang beses na magbibirthday siya sa sa bahay-ampunan na mag-isa palagi kasing sabay silang mag-celebrate ni Janna Mae kasi nga parehas sila ng birthday. Excited na Excited pa naman siya para sa ika-18 Birthday nila hindi man bongga ang birthday pero napag-usapan na nila na magsusuot sila ng parehas na gown. Kaya lang mukhang hindi na matutupad iyon, mukhang nakalimutan na agad siya ni Janna Mae ngayong may mga dumating na handang ampunin ito. Nagpromise pa sila noon na hindi sila maghihiwalay dahil friends forever sila. Tapos sinabi pa nito na kapag hindi sila kasama na aampunin ng gusto umampon dito sabi nito dati hindi ito sasama pero bakit ngayon iba nga pinapakita ni Janna Mae. Mukhang ngayong araw isasama na ito nang nais na pumunta dito at hindi man lang siya napansin nito kanina naghihintay siya na sabihin nito na hindi ito sasama kung hindi siya kasama na aamponin gaya ng pangako nito sa kanya pero hindi eh mukhang nakalimutan na talaga nito ang lahat. Ibayong sakit ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay may mga kamay na mahigpit na pinipiga iyon. Naluha na naman siyang muli, ilang sandali lamang ay nauwi sa paghikbi at ngayon ay malakas na siyang humahagulgol dahil hindi niya matanggap na sa isang iglap ay iiwan na rin siya ni Janna Mae. Akala niya iba ito pero wala din pala itong pinagkaiba sa kanyang mga magulang at sa kanyang kuya Thirdy. Natigilan siya nang sa paglingon niya ay nakita niya si Janna Mae na papalapit sa kanya. Punong-puno ng hinanakit na tinignan niya ito pero ito naman ay todo ngiti pa rin na tila hindi na nawawala ang kasiyahan simula nang malamang aampunin na ito ng mga bisita ng kanilang mother superior. "Janna galit ka ba?" tanong nito sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay pero ipiniksi niya iyon. "Hindi okay lang ako di ba iyan naman talaga ang gusto mo iyong magkaroon ka ng masasabi mong sarili mong pamilya? Okay lang sige lang, sumama ka na sa kanila," wika niya dito pero sa totoo lang sobrang sama ng loob niya dito, kaya lang kung sasama na ito ngayong araw sa mga umampon dito wala na silang pagkakataon na magkausap muli kaya mas mabuti siguro na magkaayos sila. Tsaka naiintindihan naman niya ang kalagayan nito kahit naman siya naghahangad ding magkaroon din ng aampon at magkaroon din ng sariling pamilya pero mukhang wala yatang may gusto sa kanya. "Eh bakit ganyan ang boses mo, diba galit yan? Umalis ka pa kasi doon kanina, sinabi ko na nga sa kanila na kung pwede pati ikaw ampunin nila di mo narinig kasi umalis ka kaagad. Nagtatampo ka naman kaagad, kaya lang paano yon Janna, ayaw nilang mag ampon ng iba eh. Sabi ko nga hindi na lang ako sasama kung hindi ka rin nila aampunin pero sabi nila kung magpipilit daw ako hindi na lang daw at hahanap nalang daw sila sa ibang bahay ampunan na maaaring ampunin kahit na daw gumastos na sila sa mga papers. K-Kaya ayon napa-oo na lang ako na hindi ka na kasama, galit ka ba? K-Kasi Sa totoo lang Janna, gusto ko na talagang magkaroon ng matatawag na mommy and daddy alam mo naman kung saan ako nanggaling diba. Alam mo naman na noon pa ako nananaghili sa pagmamahal ng mga magulang," naluluha namang pahayag nito. Medyo nakonsensya tuloy siya kasi akala talaga niya hindi na nito naalala ang promise nilang dalawa pero naintindihan naman niya ito at magiging makasarili siya kung pipilitin pa rin niya itong manatili sa bahay ampunan. Kahit na may gusto namang umampon dito, tsaka tiyka niya na mapapabuti ang kalagayan nito sa bago nitong pamilya. At isa pa talagang makasarili siya kong idadamay pa niya ito sa kalungkutan kaya naman naisip niya na pumayag na lamang. Kahit naman hindi siya pumayag alam niyang tutuloy pa rin si Janna Mae, kaya mas mainam na magkaayos na muna sila bago man lang ito umalis lalo pa at kaarawan na nilang dalawa sa isang araw ang hiling na lang sana niya pumayag ito na magkasama sila sa huling sandali kahit manlang sa kaarawan nila pero mukhang malabo na. Bakit kaya ang lupit ng tadhana sa kanya, lahat na lang ng mga mahalaga at mahal niya sa buhay iniiwan siya. "Hindi ako galit Janna Mae, Okay lang naintindihan naman kita eh kaya lang medyo nagtatampo lang talaga ako sayo kanina pero yaan mo na, wala na yon ang mahalaga maging masaya ka na at natupad na ang pangarap mo na magkaroon ka ng matatawag na mommy at daddy pero hindi mo ba talaga pwedeng hilingin sa kanila na pagkatapos nalang ng birthday natin bago ka nila isama?" nagbabakasakaling tanong niya dito. "Nasabi ko na rin yan kanina kay mommy kaya lang hindi talaga siya pumayag e kasi may importante daw yata na event bukas na dadaluhan namin at sa birthday ko naman parang may plano yata sila tsaka alam mo naman nanggaling pa sa Manila sina mommy at daddy kaya ayun medyo mahirap talaga na kung babalik pa sila dito next day eh masyado namang kaabalahan sa kanila diba kasi sabi kanina ni mommy may company daw sila at ayon inaasikaso nila yun kaya hindi sila pwedeng masayang oras nila," malungkot na pahayag nito na lalo namang nagpalungkot sa kanya kaya naman hindi niya na iwasan ang hindi mapahagulgol tsaka yumakap ng mahigpit kay Janna Mae. Halos mahigit siyam na taon din siyang dumipende dito, lahat ng masasamang alaala niya sa kanyang nakaraan ito ang dahilan kung bakit nakalimutan niyang lahat. Pero sisikapin naman niyang maging maayos muli ang kanyang kalagayan kahit na wala na ito. Siguro naman kapag nagkaroon ng time ito dadalawin din naman siya kasi kung mabibigyan lang siya ng pagkakataon siya na ang dadalaw sa kung saan man ito nakatira kasi siguradong mamimiss niya ito ng sobra. "Ano ka ba, okay lang yan promise ko sayo na kapag naging okay na ako don sa bahay nila mommy at daddy dadalawin kita dito kapag may free time sila mommy. Ako mismo ang makikiusap sa kanila na dalawin ka dito at dahil aalis na rin ako ngayon, iiwan ko na sayo lahat ng gamit ko. Hindi ba at tinitingnan mo nga yong magaganda sapatos ko, di ba pati na yong magagandang damit ko? Lahat iyon ibibigay ko sayo kasi pagdating namin sa Manila bibili na lang daw sila mommy ng mga gamit kaya naman ano pang gagawin ko sa mga yan kundi ibigay sa iyo, Okay ba yon?" masayang wika nito. Pinatulis naman niya ang kanyang nguso kasi naman parang mukhang masayang-masaya pa ito na aalis na rin sa araw na iyon, na wala man lang kaabog-abog tapos iiwan pa nito ang mga gamit sa kanya Sabagay mukhang marami nga namang pambili ng mga bagong gamit ang bagong mommy at daddy nito. Kaya naman pinahid na niya ang kanyang luha at hinayaan niyang hilahin siya ni Janna Mae, ayaw naman niyang maging kj dito lalo pa at paalis na rin ito. Paminsan minsan hindi nila maiwasang mag-usap ng ganito na pag-uusap, iyon bang tila mga bata pa rin kasi nasanay na silang ganon lalo pa at sabay silang lumaki kaya nga minsan hindi maiwasan yung pa-baby talk, minsan nga naiinis na ito sa kanya, kaya lang gusto kasi niyang magpalambing dito kahit sa huling sandali man lang. "Gusto ko, basta magpromise ka na tatawag ka ha. Hindi ba may telephone naman tayo dito impossible naman walang telepono sa bahay niyo doon sa Manila sa bahay na pupuntahan mo diba hihintayin ko lang itawag mo," kunwari nagmamaktol na wika niya dito. "Opo Janna one, masusunod po mahal kong bestfriend. Promise ko yan lagi akong tatawag sayo kahit pa araw-araw!" nakangiting sabi nito na itinaas pa nga ang kanang kamay. Kaya kahit papaano napangiti na rin siya nito at sinimulan na nga nitong ayusin ang mga gamit nito at ibigay lahat sa kanya. Lahat talaga ibinigay nito sa kanya yung mga paborito nitong damit na panlakad, mapabistida, pantalon, blouse, sapatos, sandals lahat talaga. Hindi naman siya natutuwa sa ganon pero kinuha na lamang niya para kahit papano may remembrance siya kay Janna Mae sana nga lang tumupad ito sa pangako nito. Pero dahil nasasaktan pa rin siya sa pangyayari ay hindi pa rin niya maiwasang hindi tumulo ang luha. Na lihim namang kinaiinisan ni Janna Mae sa isip kasi niya gusto na lang ba talaga ng babaeng ito na matulad dito na loser, na walang umaampon. Walang gusto magmahal dito at ngayon na may mag-aampon na sa kanya gusto pa talaga nito na hindi siya umalis at gusto pa na sumama sa kanya. Oo noon sinabi niya na isasama niya ito kung may mag-ampon sa kanya, at hindi niya tatanggapin kapag hindi ito inampon din pero sinabi lang niya iyon noon para manahimik na ito. Oo best friend naman niya si Janna. Kaya lang ito yung kinaiinis niya dito eh lagi nitong sinasabi na mag promise na pagganito, na paganyan, na hindi pwedeng hindi sila magkasama. Pwede ba naman iyon kaya nga kanina hindi naman talaga niya sinabi sa kanyang mga mag-aampon sa kanya na gusto niya na ampunin din ng mga ito si Janna. Sinabi lang niya dito na sinabi niya ang tungkol doon para hindi sumama ang loob sa kanya kahit papaano mahal din naman niya ang babaeng ito. Iyon nga lang ayaw niya na pati siya ay gusto nitong hilahin pababa. Dapat maging masaya nalang ito para sa kanya dahil nagkaroon na siya ngayon lang matagal na niyang inaasam asam na tatawaging Mommy and Daddy bonus pa ngayon kasi talagang mayaman ang mga ito. Kaninang-kanina pa talaga niya gustong barahin ito pero paalis naman na siya e kaya hinayaan na lang niya tsaka ayaw din niyang sumama ang loob nito sa kanya. Sabagay mahal na mahal nga naman siya nito kahit na minsan napakamaldita niya dito pinagpapasensya pa rin palagi nito, pero sana naman maintindihan siya nito. Iyong pangako niya na babalik sa bahay ampunan gagawin naman niya iyon eh saka iyong pagtawag kasi sa loob ba naman ng halos halos siyam na taon na kasa-kasama niya ito araw-araw, talagang mami-miss niya rin ito. Pero iyon nga lang gusto niya rin na maging maayos ang kanyang buhay at kung magiging maayos ang kanyang buhay na wala ito sa kanyang tabi okay lang. Ang gusto lang naman niya ay magkaroon ng sariling pamilya yung may Mama tinatawag siyang Mommy and Daddy at saka magkaroon ng maayos na buhay hindi yung dito na lang sila mabuburo habang buhay sa bahay ampunan. Tapos ano pangarap nito na dito na lang din magturo pag naging teacher. Hay naku hindi niya gugugulin ang buhay niya dito sa bahay ampunan at kaya bakit pa niya pakakawalan ang pagkakataong ito diba. Napabuntong hininga siya dahil hindi nito matapos-tapos ang inaayos na mga gamit na ibinigay niya rito kaya naman siya na ang nagpresenta na ayusin ang mga damit niya na ibinigay dito sa cabinet. Ayon siya na nag-ayos doon ng lahat para naman kahit papaano maging okay ang pakiramdam na ito naisip nito na hindi talaga niya ito basta basta iniwan na lang ng ganon ngunit napamulagat siya ng makita ang kwintas na dati nang ipinakita sa kanya ni Janna ang sabi nga nito datiz ibinigay daw ito nang isang lalaki na nangakong babalikan siya at pagdating ng panahon magpapakasal silang dalawa. Napansin na niya dati na mukhang mamahalin at talagang maganda ang kwentas dati nga hinihiram pa niya rito ito pero hindi talaga sa kanya pinahiram nito kasi mahalaga daw ito para dito nagtampo pa nga siya noon dito. Noon pa siya naku-curious sa sinasabi nitong batang lalaki na nagbigay dito ng kwentas. Baka mayaman iyong lalaki at talagang ipahanap nito si Janna. Ayaw naman niyang maungusan nito, dapat siya lang palagi ang lamang. Kaya naman pasimple niyang kinuha ang kwentas at isinilid sa kanyang bulsa tsaka nagkunwari na inaayos ang gamit ni Janna. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD