Chapter 3

1411 Words
"Bonenay!  Nakakapagsalita ka na!" masayang bulalas nito.  "Opo Kuya Thirdy, kahit ako po ay nagulat din! P-pwede po bang wag na kayong umalis? Malulungkot po kasi ako kapag umalis ka, wala na akong kalaro tsaka kakampi," naiiyak na pahayag niya dito.  "Sorry Bonenay pero magagalit kasi sakin si Mommy ei, pero promise ko naman sayo babalik ako kaagad.  Babalikan kita, tapos kapag dumating ang time na yon di na tayo maghihiwalay pa," malungkot na sagot nito.  Napahikbi nalang siya, sabagay wala naman talaga silang magagawa lalo pa at ang Mommy nito ang may kagustuhang umalis. Bigla niya itong niyakap ng mahigpit bilang pamamaalam. "Okey po Kuya, p-promise po maghihintay ako. Tsaka hindi ko po iwawala ang kwentas na ito para po palagi po kitang m-maaalala," garalgal ang boses na pahayag niya dito.  "Salamat naman kung ganon Bonenay, teka ano nga pala tunay mong pangalan.  Gusto kong malaman bago manlang ako umalis sa lugar na ito," tanong nito.  Kumalas siya sa pagkakayakap dito tsaka pinahid ang luha. Bahagyang ngumiti din dito kahit naman kasi nalulungkot siya nais niyang umalis ito ng payapa. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya. "Janna po Kuya. Mag-iingat ka po palagi, hihintayin ko po ang pagbabalik mo ha, p-promise mo po babalik ka ha," nakangiti ngunit gumaralgal ang boses na sagot niya dito. Kahit papano masayang siya na sa wakas kahit sa huling sandali ei nasabi niya dito ang tunay niyang pangalan. Kahit sa puntong iyon lang, batid niyang napasaya niya ito. "Janna, kaygandang pangalan buti nalang nalaman ko bago ako umalis.  Mag-iingat ka dito ha, promise babalik ako," saad nito. Tumango naman siya, tsaka bigla siya nitong kinabig at hinalikan sa labi. Mabilisan lang iyon pero sa mosmos na isip at batang puso ni Janna, nagustuhan niya ang ginawa ng kanyang Kuya, napahawak pa nga siya sa kanyang labi at animo dinama iyon. Matapos iyon, mabilis na itong tumalikod at naglakad na palayo sa kanya.  Kumaway itong muli, tinugon naman niya ng kaway din ngunit hindi niya napigilan ang hindi tumulo ang kanyang luha. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang kakampi, ang nag-iisang taong nakakaintindi sa kanya kahit hindi siya makapagsalita noon. Kinagabihan, hindi siya mapakali dahil sa tuwing pipikit siya nakikita niya ang pangyayaring paulit-ulit na tila bangungot na nagpapahirap sa kanya. Magtatatlong taon na ang nakakaraan ngunit heto pa rin at parang sariwa pa rin ang mga naganap na iyon sa pamilya niya. Noong una parang normal lang ang lahat pero habang tumatagal ay naiintindihan na niya ang trahedyang sinapit ng kanyang mga magulang. Lumabas siya ng kwartong kanyang inuukopa, ngunit agad siyang nagkubli ng makitang tila nag-aaway ang kanyang Tita at Tito. "Tumigil ka Mylene! Pagsinabi kong hindi, hindi! Pag-aaralin mo pa ang walang silbing iyan! Inampon mo na nga, palamon pa dito sa bahay ngayon naman gusto mo pang pag-aralin!" galit na singhal ng asawa ng kanyang Tita dito. "Pero mahal naman, napakinabangan naman na natin ang pinagbentahan ng bahay at lupa nina Ate ah. Pati na nga iyong palayan nila nabenta na natin, nalustay mo na nga sa sugal ang pinagbentahan non ei kaya dapat lamang na pag-aralin natin si Janna. Kawawa naman ang pamangkin ko, please maawa ka naman sa kanya," naiiyak na pakiusap dito ng kanyang Tita. Muntik na siyang mapalabas ng makitang sinapak ng kanyang Tito si Tita Mylene. Bulagta itong napahandusay sa sahig, wala itong nagawa kundi ang umiyak na lang. "Matuto ka kasing makinig sa akin, kaya ka nasasaktan eh! Kung patuloy mo pa ring ipagpipilitan ang nais mo, eh mabuti pang lumayas ka na lamang dito sa pamamahay ko! Isama mo ang pamangkin mong sinto-sinto! Pwe! Makalayas na nga dito, bwesit!" galit na wika nito tsaka lumabas na ng bahay. Dahan-dahan namang tumayo ang kanyang Tita habang umiiyak. Maging siya ay naiyak sa nasaksihan, mahal na mahal talaga siya ng kanyang Tita Mylene kaya lang wala itong laban sa asawa nito. Dahan-dahan na lamang siyang bumalik sa kanyang silid, ayaw niyang ipaalam sa kanyang Tita na nasaksihan niya ang pagtatalo ng dalawa. Dalawang taon ang matuling lumipas. Sa loob ng dalawang taon na iyon sa poder ng kanyang Tita Mylene, hindi talaga pinag-aral si Janna. Tanggap naman na niya iyon kesa naman saktan pa ulit ng kanyang Tito ang kanyang Tita Mylene. Tumutulong na lamang siya sa mga gawaing bahay kahit pa hindi pa talaga kaya ng kanyang murang katawan. Naglalaba na rin siya ng maruruming damit ng mga ito, naglilinis ng bahay at nagluluto. "Oh Janna, nakapagluto ka na ba? Darating na kasi ang Tito mo at siguradong pagod iyon sa maghapong pamamasada," tanong ng kanyang Tita sa kanya, kadarating lang nito. Siya naman ay nagsasampay ng kanyang mga nilabhan. "Opo Tita, daing lamang po ang aking inilutong ulam, okey na po kaya iyon? Hindi po kaya magalit nanaman sa akin si Tito?" tanong niya sa tiyahin. "Hayaan mo na iyon Janna, ang mahalaga may ulam tayo. Hayy kung bakit kasi nalulong sa sugal ang tito mo ayan tuloy halos doon lang nauubos ang kanyang kinita. Wala na rin naman akong pera dahil hindi na ako pwedeng bumali sa trabaho ko, kakabali ko lang kasi nong isang araw," wika nito sa kanya. "Hayaan ninyo na lamang po siya Tita, ang importante po eh hindi ka na niya masyadong sinasaktan ngayon," nakangiting wika naman niya dito. "Naku, napakabait talaga ng pamangkin ko at super sipag pa, lika nga payakap si Tita," wika nito sa kanya. Lumapit naman siya dito at ibinuka naman nito ang braso para mayakap siya. Kahit naman wala na ang kanyang Mama, busog na busog naman siya ng pagmamahal na nagmumula sa kanyang Tita. Iyon nga lang hindi pwedeng makita silang ganon ng asawa nito, ang tingin kasi nito sa kanya ay isang pabigat at palamunin. Noon nga ang tawag sa kanya ng kanyang tito ay pipi, minsan naman ay sinto-sinto. Nawala lang iyon simula ng makapagsalita na siya. "Sus puro kayo kadramahan kaya minamalas ako eh!" galit na wika ng kanyang tito na kararating lang. "Oh mahal, n-nandiyan ka na pala. Halika nakaluto na si Janna, ipaghahayin na kita," nakangiting salubong dito ng kanyang tita. Sinamaan naman siya ng tingin nito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay, siya naman ay ipinagpatuloy ang pagsasampay. Ngunit nagulat siya ng makarinig ng pagkabasag ng pinggan, kasunod ang galit na sigaw ng kanyang Tito. Agad na napatakbo siya papasok ng bahay. "Asawa ko, ano ka ba naman tigilan mo na yan!" awat ng kanyang Tita Mylene sa asawa. "Pagod ako sa pamamasada maghapon! Tapos ito lang ang ipapakain nyo sa akin?!" galit na singhal nito sa asawa. "Ikaw ang may kasalanan nitong sampid ka eh!" galit na singhal nito, mabilis itong nakalapit sa kanya at sinampal siya ng malakas. Napahandusay siya sa sahig, at doon umiyak ng umiyak. Nang akmang, sisipain naman siya ng kanyang Tito agad siyang nayakap ng kanyang Tita kaya naman tumigil na ang asawa nito sa pag-aamok. Galit na lumabas nalang ito ng bahay. "Janna, okey ka lang ba? P-Pagpasensyahan mo na ang Tito mo ha, s-siguro mas makakabuting dalhin na lamang kita sa bahay ampunan. Kesa manatili ka pa sa bahay na ito, hindi ko alam kong hanggang kelan ka magiging ligtas sa kamay ng Tito mo. Ayokong umabot pa sa puntong tuluyan ka niyang magulpi," naluluhang wika nito sa kanya. "T-Tita, ayoko pong m-mawalay sayo. W-Wala na nga po si Mama at Papa pati ba naman kayo, iiwan nyo rin ako?" umiiyak na wika niya dito. "Hindi kita iiwan anak, inilalayo lamang kita sa kapahamakan. Hindi ko makakaya kong makikita kitang sinasaktan ng Tito mo, promise ko naman sayo dadalawin kita ng madalas doon. Mas makakabuti ito sa iyo anak, pumayag ka na ha. P-Patawarin mo sana ako kong hindi ko na matutupad ang pangako kong hindi tayo maghihiwalay, s-sana maunawaan mo ako Janna," umiiyak na ring wika nito. "T-Tita, sige po kong iyan ang makakabuti sa akin p-pero palagi nyo po akong dadalawin don ha," pakiusap niya dito. "Pangako anak, kapag okey na ang lahat at tanggap kana ng Tito mo kukuhain kita muli doon," nakangiti ng wika nito. "Sige po Tita, m-maraming salamat po," pasasalamat niya tsaka mas lalong humigpit ang yakap sa kanyang Tita, nag-iyakan pa sila. Kinabukasan, dinala nga si Janna sa bahay ampunan ng kanyang Tita Mylene. Mukhang mababait naman ang mga madreng nakausap nila pero hindi halos nagsasalita si Janna. Naninibago siya sa paligid pero ang hangad niya sana hindi na siya muling ipagtabuyan ng mga taong kukopkop sa kanya.                          ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD