Chapter Two

1468 Words
Chapter Two             Hindi ako makapaniwala. May babae sa kuwartong ito! Higit sa lahat, kulay pula ang mga mata niya! “Magandang umaga.” Napalingon ako sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. “Waaaahhhh!” sigaw ko at tumakbo papalabas ngunit bigla na lamang  sumara ang pinto. “O saan ka pupunta?” tanong pa ng isa. “Huwag! Lumayo kayo sa akin! Zombie!” sigaw ko. May dalawang lalaki ang papalapit sa akin. Mukhang galing sila sa dalawang kabaong na nakabukas. Bukas ang dalawang kabaong mula sa anim na nadoon. “Zombie? Ano ‘yun?” tanong ng isa. Isiniksik ko na lang ang sarili ko sa sulok. Ano ba itong nangyayari sa akin? Kung anu-ano ang nakikita ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. “Nanaginip lang ako. Panaginip lang ito!” sabi ko at sinampal sampal ang pisngi ko. Pagdilat ko ay mukha ng babae ang bumungad sa akin. “Waaaahhh!” sigaw ko at napaupo na lang. Pinaglalaruan ako. Naengkanto lang ako. Tama. Kailangan ko sigurong puntahan si Mang Estong. Magpapatawas ako! Baka may nakabati sa akin o may nakabangga ako kanina na hindi ko nakikita! “Ayos ka lang ba?” Napatigil ako at tiningnan ang babae. Ngayong malapitan ko na siyang nakikita ay kapansin pansin ang maamong mukha niya. Dahil sa maliwanag ang musuleo ay napagmasdan ko siya. Mahaba, tuwid at itim na buhok, maputi pero maputla ang balat at higit sa lahat ay kulay pula ang mga mata niya. Talagang maganda ang babaeng ito pero zombie siya. Lord! Kakainin nila ako! “Waahhhh! Zombie!” sigaw ko. “Ha? Ano daw?” “Zombie?” “Ayos ka lang ba ginoo?” Tumayo ako at akmang ihahampas ang dala kong walis sa kanila. “Maghunos dili ka, ginoo!” sabi ng isa sa dalawang lalaki. “Anong klaseng nilalang kayo? Zombie? Aswang?” sunod-sunod na tanong ko. “Kung ako sayo ginoo ay ibaba ko ang walis at hihinahon. Baka hindi mo nalalaman, natatakot na ang prinsesa namin,” sabi ng isa pang lalaki. Napatingin ulit ako sa babae. Siya mukhang natatakot? Eh ako ngang takot na takot eh! “Kuya Julyo, hindi ako natatakot. Ang ginoo mismo ang takot sa atin,” sabi ng babae. “Paumanhin kung ika'y natakot dahil sa aming magkakapatid. Hayaan mo akong magpakilala, ako si Ruby Alcaraz. Ito naman ang mga kuya ko. Si Kuya Julyo—" tukoy niya sa lalaking matangkad, at mahaba ang buhok na aabot sa baywang. “—at ito naman si Kuya Jose.” At tinuro niya ang lalaking medyo maliit at hanggang baba ang buhok. “Patay na kayo ‘di ba?” tanong ko. Biglang tumawa ang kapatid niyang si Jose. “Hahahaha! Kami patay? Naku diyan ka nagkakamali ginoo. Hindi kami patay. Natutulog lamang kami. Teka, bakit nga ba tayo nakatulog?” sagot nito. “Ano? Natutulog? Nasa loob kayo ng kabaong tapos natutulog? Lakas ng trip niyo? Adik ba kayo? Malakas siguro kayo tumira ng bato.” Siguro nakalanghap ako ng katol. Nagha-hallucinate lang ako. Hindi totoo itong nakikita ko. O hindi kaya may kakaiba sa pabango ng kotse nila Aljon, baka may drugs iyon at ito ang epekto sa akin. “Hindi kami adik, ginoo. Kami ay mga bampira,” sagot ng babae. Ha? Ano daw? Bampira? Ano ito Twilight saga? Ako si Edward tapos siya si Bella? “Bampira? Weh? Eh kathang isip lang naman ang mga bampira eh!” “Anong kathang isip? Baka gusto mong bumaon ito sayo!” sabi ni Julyo at pinakita ang dalawang pangil niya. Nanlaki ang mga mata ko at pinagkrus ang magkabilang hintuturo ko at nagdasal. “Aba ginoong Maria napupuno ka ng grasya, ang panginoong Diyos ay sumasaiyo—" “Ginoo hindi uubra sa amin yan,” sabi ni Ruby. “Please ‘wag. ‘Wag niyo ako kagatin. Hindi masarap ang dugo ko,” pagmamakaawa ko. Marami pa akong pangarap. Hindi pa ako nagiging teacher. Bibili pa ako ng sariling bahay namin. Mag aabroad pa ako. Marami pa akong gustong gawin! “Ginoo, huwag kang mag-alala. Hindi ka naman namin sasaktan. Hindi kami ang pangkaraniwang bampira lamang. Hanggat maari hindi kami iinom ng dugo ng tao,” sabi ni Ruby. Dahan-dahan kong binaba ang aking mga kamay at tumingin sa kanila. “Mabuti kung ganoon! Marami pa akong pangarap sa buhay!” “Mabuti at naiintindihan mo na.” Ngumiti siya sa akin. Pero sa ‘di malamang dahilan ay parang nalungkot ako sa paraan ng pagngiti niya. Nakangiti ngunit may lungkot. Hindi man lang umabot sa kanyang naggagandahang mata ang kanyang ngiti. “Ano nga palang ngalan mo ginoo?” tanong ni Jose sa akin. “Ako si Jerimiah. Puwede niyo naman akong tawaging Jeri,” pagpapakilala ko. “Anong petsa na ba ngayon Jeri?” tanong ni Ruby. “July 04, 2020,” sagot ko. “Ang tagal pala nating nahimbing? Pagkakatanda ko 1896 tayo natulog,” sabi ni Jose. “1898?” tanong ko. “Oo. Pagkakatanda ko may rebolusyon sa pagitan ng mga kastila noon. Teka, may kastila pa ba ngayon?” tanong ulit ni Jose. Umiling naman ako. “Wala na? Ang mga katipunero?” “Wala na din. Matagal na silang wala. Year 2020 na. Si Pangulong Duterte na ang presidente ng bansa ngayon,” sagot ko. “Ruby!” nagulat kami nang sumigaw si Julyo at nakita ko na lang na umiiyak si Ruby. “Bakit? Bakit ka umiiyak?” tanong ko. “Ruby, matagal na panahon tayong nahimbing. ‘Wag ka ng lumuha.” “Hindi na natin maibabalik ang kahapon Ruby.” “Ano bang nangyayari at bigla bigla na lang umiiyak yang kapatid niyo?” tanong ko. Tumingin sa akin si Julyo. “May nobyo kasi si Ruby dati na isang katipunero.  Pero nang pumutok ang rebolusyon ay bigla na lamang naglaho ito. “ Natural, rebolusyon iyon. At saka sa tingin niya ba ay may nabubuhay pang katipunero sa panahong ito. “Hindi pa din nagigising sila Ama, Ina, Tiyo at Matilda,” sabi ni Ruby at nagpupunas ng luha. “Ano? Ibig sabihin gigising din ang mga nakahiga diyan?” tukoy ko sa apat pang kabaong na nandoon. “Oo. Alam mo kasi nagpahinga lang naman kami. Hindi pala! Nakatulog kami ng hindi naming gusto,” sagot ni Jose. “Anong oras na ba? kumakalam na ang sikmura ko,” reklamo ni Julyo. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 7 pm na. “Ala siete na ng gabi,” sagot ko. “Kailangan na nating mag-almusal!” sabi ni Jose. “Almusal? Gabi na almusal pa din?” Sa totoo lang hindi ko alam kung maniniwala ako sa tatlong ito eh. Tumingin ako sa paligid, baka kasi may hidden camera at nasa Wow Mali pala ako. “Alam mo Jeri, nilalang kami ng kadiliman. Sa gabi kami ay gising, sa umaga naman kami ay tulog,” paliwanag ni Julyo. “Ano bang kinakain niyo?” tanong ko. “Dugo,” sabay sabay nilang sagot. “Saan naman tayo kukuha ng dugo? Dugo ba ng hayop o tao?” “Pwedeng hayop pero dahil matagal kaming nahimbing ay mas kailangan namin ang dugo ng tao,” sagot naman ni Ruby. “Puwede naman tayo kumuha sa blood bank or sa ospital pero wala tayong pera pambili,” sabi ko. Ang mahal kaya ng isang bag. “Salapi? Kailangan natin ng salapi?” tanong ni Ruby. “Oo. May kamahalan ang isang bag ng dugo. Eh tatlo pa kayo. Wala naman akong pera para ilibre kayo. Ano kayo? Sinuswerte?  Sepultulero lang ako.” “Puwede na ba ito bilang kabayaran?” tanong niya at hinubad ang kanyang singsing. Kinuha ko ito at tiningnan mabuti. Mukhang gawa ito sa ginto at may bato pa itong kulay pink. “Puwede siguro ito. Nasasangla naman yata ito. Sandali, tatawagan ko ang kaibigan ko." Dinukot ko ang cellphone ko na may keypad at tinawagan si Aljon. Nakailang ring muna bago ito sagutin. Pasensya na sa cellphone ko, ito lang kaya ko. Halagang 400 pesos. “Hello my friend?!” Nailayo ko sa tainga ko ang cellphone dahil sa lakas ng sigaw ni Aljon. “Tanggal tutuli ko sayo. May ginagawa ka ba? I need your help,” sabi ko. “You need help my friend?! Aljon your buddy to the rescue!!” “Hintayin kita sa labas ng sementeryo.” “Okie dokey!” at binaba na niya ang cellphone niya. Napabuntong hininga ako at tiningnan ang tatlong magkakapatid. Lahat sila ay nakatingin at parang manghang-mangha sa hawak kong cellphone. “Anong kasangkapan iyan?” “Kinausap mo ang bato?” “May tao sa loob niyan?” Napahilamos na lang ako ng aking mukha. Ano ba itong napasok ko?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD