bc

Blood and Fangs

book_age16+
36
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
bxg
witty
vampire
campus
regency
superpower
witchcraft
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Yamot na pumunta sa isang musuleo ang sepultulerong si Jerimaiah upang linisin ito. Habang naglilinis ay nakarinig siya ng ingay mula sa isang kuwartong nandoon. Dahil sa kyuryosidad ay sinilip niya ang kuwartong iyon at doon siya nakakita ng pinakamagandang pares ng mga pulang mata.

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue:     Hating gabi ng lumabas ako ng bahay at nagpunta sa hardin para magpahangin. Katatapos ko lang din mag-almusal kaya naisipan kong lumabas muna. Wala sina Ama at Ina. Ang sabi ng mga katulong ay nagkaroon ng pagpupulong ang mga nakakatandang miyembro ng aming pamilya. Wala din sina Kuya Julyo ko at Kuya Jose. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng lungkot kapag naiiwan akong mag-isa dito sa mansyon. Wala ako makausap, walang makasama. Ang mga katulong kasi ay abala sa mga gawaing bahay. Habang nagbabasa ay nakarinig ako ng mga ingay sa labas ng bakod. Dahil sa kagustuhan kong malaman ang dahilan ng ingay ay umakyat ako sa pader at sumilip. Nanlalaki ang mga mata ko sa nakita ko. May mga tao na napadpad dito sa lugar namin. Mga guwardya sibil. Tila may hinahanap dahil sinusuyod nila ang masukal na daan. Napalingon ako sa may bandang kaliwang bahagi ng pader ng mansyon. Tila may nahulog mula roon. Pinuntahan ko yun ay pinigilan kong sumigaw. May duguang tao na nahulog mula sa pader. “T-tulong...” mahinang sambit niya. Nagpalinga-linga ako para tingnan ang mga katulong dito sa mansyon. Paniguradong maaamoy nila ang dugo ng taong ito. Agad kong hinila ang lalaki patungo sa silid na nasa may hardin lamang. Isa iyong lihim na silid na ako lang ang maaring pumasok. Doon ay inihiga ko siya sa isang katre. May sugat siya sa dibdib, marahil gawa ng mga guwardiyang sibil na humahabol sa kanila. Agad ko itong pinunasan ng basang bimpo upang mawala ang amoy nito. Sa oras na ito ay marahil naamoy na ng mga katulong ang dugo niya. Ginamot ko ang kanyang sugat. Kumuha ako ng ilang halamang gamot sa aking hardin at iyon ang ginamit kong panglunas sa kanyang mga sugat.  Pinipigilan ko ang sarili kong tumikim ng dugo niya. Mahirap pero nilalabanan ko ang sarili ko. Nang matapos ko siyang gamutin ay lumabas ako at binuhusan ng tubig ang mga patak ng dugo sa semento. “Señorita, may naaamoy ba kayong dugo?” Agad akong napalingon kay Matilda— ang mayordoma namin. “Wala naman akong naamoy, Matilda. Kanina pa ako narito sa hardin ngunit wala naman ako naamoy. Baka guni-guni mo lang iyon,” sagot ko. Matagal pang nakipagtitigan si Matilda sa akin ngunit ‘di ako nagpatinag. Hindi naman talaga ako nagsisinungaling pero ayoko lamang na mas mapahamak pa ang lalaking iyon. “Kung ganoon señorita ay maiiwan na kita,”  sabi niya at pumasok na sa loob ng mansyon. Napabuntong hininga ako. Wala dapat makakaalam na may nakapasok na tao dito sa mansyon. Kapag nalaman nila, magkakaroon ng kaguluhan. Mag-uunahan silang makatikim ng dugo mula sa kanya. Ayokong pagpiyestahan siya ng mga kauri ko. Muli kong binalikan ang lalaki sa sekretong silid ko. Nakita kong may malay na siya at nakasandal sa may pader. Iniinda ang sakit ng sugat sa dibdib. “Kumusta ang iyong pakiramdam, ginoo?” tanong ko. Pinagmasdan ko ang kanyang hitsura. Mayroon siyang itim at bagsak na buhok, kulay kayumangging balat at maputlang labi. Matipuno ang kanyang pangangatawan. Bakas sa kanyang mukha ang hirap at pagod. “Medyo maayos na, binibini. Maraming salamat sa iyong tulong,” sabi niya sa akin. “Papaano mo nga pala nakita ang mansyon namin? Nakatago ang presensya ng lugar na ito. At saka bakit ka hinahabol ng mga guwardiya sibil?” tanong ko. Talagang nakakapagtaka kasi. Matagal ng nakakubli sa mga tao ang mansyon namin. Kaya ako’y nagtataka kung papaano natagpuan ng lalaking ito ang mansyon. Matagal sumagot ang lalaki. “Pagpaumanhin mo kung ako ay maraming katanungan,” sabi ko. Tumayo na ako at akmang lalabas na para kumuha ng tubig nang magsalita siya bigla. “Isa akong katipunero.” Napatigil ako sa paglakad at muli siyang hinarap. “Katipunero? Ano ang iyong ibig sabihin?” tanong ko ulit. Ngayon ko lang narinig ang salitang iyon. “Katipunero. Isa ako sa lumalaban sa mga kastila. Pinaghahanap ang ilang miyembro kaya ako’y tumakbo sa kagubatan. Sa kasamaang palad ay naabutan nila ako at nasugatan, pero muli akong nakatakas. Habang tumatakbo ay may munting liwanag akong nakita at dito niya ako dinala. Nakita ko ang magandang mansyon na ito,” sagot niya. Napakunot ang noo ko. Anong liwanag ang tinutukoy niya? “Liwanag? Isang liwanang ang nagturo sayo sa mansyong ito?” Tumango siya bilang sagot. “Bakit nga pala nakakubli itong magandang mansyon? Bakit hindi kayo sa mga pueblo nakatira? Hindi ba kayo kinukwestiyon ng mga kastila?” tanong niya. Hindi ko alam kung papaano ko siya sasagutin. “Sa totoo lang walang alam ang kastila sa amin.” Siya naman ngayon ang nakakunot ang noo. Marahil ay hindi niya nauunawan ang sinasabi ko. “Papaanong walang alam? Sa laki ng mansyong ito ay imposibleng walang alam ang mga kastila.” “Hindi naman ito ordinaryong mansyon. Hindi tao ang mga nakatira dito.” “Ano ang ibig mong sabihin?” “Siguro ginoo, mas makakabuti kung wala kang alam tungkol sa mga nilalang na nandirito. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?” “Pasensya ka na. Ako si Pablo Juares. Isa akong magsasaka,” pakilala niya. Ngumiti naman ako sa kanya. “Ako naman si Ruby Alcaraz. Ikinagagalak kitang makilala Pablo.” Ala sinco ng umaga ng magpasyang umalis si Pablo. Nagpalinga-linga muna kami bago siya umakyat ng pader. Tinatambol pa ng kaba ang aking dibdib dahil baka makita kami ni Matilda. “Maraming salamat sa iyong tulong, binibining Ruby”" sabi ni Pablo at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Para bang hinatak ako sa ibang dimension dahil sa mga ngiti niyang iyon. “Walang anuman, Pablo. Mag-iingat ka na sa susunod,” sagot ko. Pinanuod ko siyang tumalon sa kabilang bahagi ng pader. “Señorita!” Nagulat ako sa isang sigaw at agad kong nilingon ito. Nakita ko si Matilda na nakasimangot at halatang galit.  Mahigpit ang hawak niya sa pamaypay na tila mababali na ito. “Sinasabi ko na nga ba, may tao dito sa mansyon,” sabi niya at nilapitan ako. Hindi ko mapigilang mapaatras dahil sa takot na nararamdaman ko. Natatakot ako na baka sabihin niya ito sa aking mga magulang. Katakot-takot na sermon ang aabutin ko sa kanila, isama pa ang aking mga kapatid. “Matilda,” hayaan niyo na siya. Wala naman siyang alam tungkol sa atin,” sabi ko at tinaasan niya ako ng isa niyang kilay. “Papaano kung bumalik iyon dito at guluhin tayo? Matagal na panahon tayong nagtatago sa mga tao. Alam mo kung gaano kalupit ang mga katulad niya sa uri natin,” sabi niya at napayuko ako. Totoo naman kasi, malupit ang mga tao. Iilan sa aming lahi ang kanilang pinaslang. “Pero Matilda, iba si Pablo. Naniniwala akong iba siya. Mabait na tao siya.” “Nahihibang ka na, señorita. Ang mga tao ay mapanlinlang. Mukhang kailangan mong balikan ang iyong aralin tungkol sa mga tao. Mukhang nakakalimot ka na.” Ibinuka niya ang hawak na pamaypay saka doon ibinuhos ang pagkakadismaya. “Matilda pakiusap, huwag mong ipaalam sa pamilya ko. Ngayon lang ako hihingi ng pabor sa iyo,” sabi ko at kinuha ang kanang kamay niya at marahang pinisil iyon. Napabuntong hininga naman siya at hinatak ako upang yakapin. “Señorita, nag-aalala lang naman ako sayo. Ayokong mapahamak ka. Para na kitang anak señorita.”  Niyakap ko din siya pabalik. “Maraming salamat, Matilda.” “Ito lang ang tandaan mo señorita, oras na gumawa siya ng ikakapahamak mo hindi ako magdadalawang isip na paslangin siya.” Ngumiti ako sa kanya at tumango bilang tugon. “Bumalik ka na sa iyong silid. Mag-uumaga na. Kailangan mo ng magpahinga.” At niyakag na ako papasok ng mansyon. Napansin kong iilan na lang sa mga katulong ang nasa paligid. Marahil ay nagpapahinga na ang iba. Umakyat na ako sa aking silid at nahiga. Pinagmamasdan ko ang unti-unting pagsikat ng araw. Hindi nagtagal ay dinuyan na ako ng antok. Ako Si Ruby Alcaraz, mula sa lahi ng mga bampira. Ang susunod na pinuno ng angkan ng Alcaraz.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
176.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook