Marahas na bumuntong hininga si Darlyn. Kailangan niyang kalmahin ang sarili lalo pa’t parang nanonood ng sine ang mga tao roon na nakatingin sa kanila. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit ang mga mayayaman at sosyal na mga customers nila ay nai-star struck pa sa lalaking ito. She looked at him patiently. “Ano ba ang kailangan mo?”
“Magpapatrim,” sabi nito at bahagyang hinawi ang tuwid na tuwid at hanggang balikat na buhok nito. Awtomatiko siyang napatitig sa buhok nito. Isa iyon sa mga asset nito at dahilan kung bakit sikat na sikat ito. Women nowadays are starting to get crazy over long haired men. Ngunit sadyang bihira ang lalaki sa pilipinas na binabagayan ng ganoon buhok. Ilang beses na ba siyang nakakita ng mga lalaking nagpahaba ng buhok at himbis na magmukhang cool ay nagmukha pang ermitanyo at madungis?
But this guy in front of him can carry that wonderfully straight long hair of his gorgeously. As if men were supposed to be long haired. Maraming write ups na nagsasabing kay Eman lang daw bagay ang ganoon buhok. And that’s why women are going gaga over him – aside from the fact, to her dismay, that he is gorgeous.
At naiinis siya dahil aminado siya sa sarili niya na bagay dito ang buhok nito. Pero hindi niya sasabihin dito iyon. Never in that lifetime. And even in the lifetime after that. Dahil sigurado siyang gagamitin na naman nito ang impormasyong iyon laban sa kanya.
Napabalik ang tingin niya sa mukha nito nang bahagya itong umatras. “O bakit ganyan ka tumingin?” tanong nito.
Napakunot noo siya. “What?” tanong niya. Paano ba niya ito tiningnan?
“Iba na naman ang tingin mo sa buhok ko. Parang gusto mo na namang murderin. May hawak ka pa namang gunting,” sabi nitong itinuro pa ang kamay niya.
Bumaba rin ang tingin niya sa kamay niya. Ni hindi niya napansing may hawak na pala siyang gunting. Tiningnan niya ito at ginalaw-galaw pa ang gunting. “Talagang puputulin ko iyan kapag ininis mo pa ako Pelayo,” banta niya rito.
Bigla nitong iniharang ang mga kamay sa ibabang bahagi ng katawan nito. “Huwag ganoon maraming magagalit sa iyo,” malisyosong sabi nito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Ang bastos mo!” asik niya.
Tumawa ito. “Cool ka lang. Palaging mainit ang ulo mo darling.”
Tuluyan ng uminit ang ulo niya. “Hindi nga Darling ang pangalan ko!”
Tumawa na naman ito. “That’s funny,” sabi nitong tinapik tapik pa ang ulo niya. Asar na pinalis niya ang kamay nito.
“Darlyn.”
Lumingon siya ng marinig ang pagtawag ni Erica. May kakaibang ngiti sa mga labi nito. “We’re going ahead na.”
Nginitian naman niya ito. “Okay. May date pa kayo niyan?”
Nagtinginan ang mga ito at sabay pang ngumiti sa kanya. “Pinipilit niya akong pakainin sa fast food chain,” sabi ni Zander.
“Para maiba naman. Bye Darlyn,” paalam muli ni Erica pagkuwa’y bumaling ito kay Eman. “Hoy Pelayo huwag mong inisin si Darlyn at nagtatrabaho iyan.”
“What? I am a customer,” reklamo ng lalaking nasa tabi niya. Ngalingaling sipain niya ito.
“Then be a good customer. Sige na, dumaan ka nga pala sa Timeless mamaya sabi ni tita Sally okay.” Iyon lang at magkahawak kamay ng lumabas ang mga ito ng Celebrity Trend.
“Geez, their so cheesy,” komento nito.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “At least they are officially in a relationship and not doing casual flirting like you do,” parungit niya rito.
Tumingin naman ito sa kanya at ngumiti. “At least I have someone to flirt with unlike someone I know who never had a boyfriend.”
She gritted her teeth. “Is it my fault if I don’t have someone I like? And besides sino ba ang herodes na walang inatupag kung hindi ang takutin ang mga manliligaw ko?”
Yes, he is the reason behind all her misery. When she was young, she had no girl friends dahil lahat ng babae ay pinagseselosan siya. Lahat kasi ng mga babae sa eskuwelahan at maging sa subdivision nila ay may gusto rito. Hindi rin naman siya makahanap ng lalaking kaibigan dahil tinatakot nito ang mga nagtatangkang lumapit sa kanya. Ang kinaiinis niya ay habang ang lungkot ng kabataan niya ito naman ay ang saya-saya dahil popular ito at maraming kaibigan. He’s so unfair!
Ngumisi ito at namaywang. “Hindi ko na kasalanan kung mabilis matakot ang mga lalaking may gusto sa iyo. Besides, is it my fault if women like me?”
“Ang yabang mo!”
Tumawa ito. “Nagsasabi lang ako ng totoo anong mayabang don.” Umupo na ito sa binakante ni Erica. Nagsalubong ang tingin nilang dalawa sa salamin. “Narinig mo si Erica, kailangan kong pumunta ng Timeless kaya bilisan mo na. I-trim mo na ang buhok ko,” utos nito. Tinapik pa nito ang braso niya.
“Kalbuhin na lang kaya kita para hindi ka na kada dalawang linggo nagpupunta rito para i-mentain iyang buhok mo?” asik niya rito.
Himbis na sumagot ay tumingin ito sa mga customer nila na ni hindi tinatago ang pagmamasid sa kanila. “Girls, gusto niyo bang magpakalbo ako?” malakas na tanong nito.
“No!”
“Yeah no. We like you hair just like that!”
Naikuyom niya ang mga palad niya nang tumingala ito sa kanya at malawak na ngumiti. “See, they like my hair like this. Huwag mo naman silang alisan ng kaligayahan.”
Ah goodness. Maaga talaga siyang tutubuan ng uban dahil sa lalaking ito. Gracious he never grew up! Sure he’s taller, broader and manlier now but his attitude never changed! Wala pa rin itong inatupag sa bawat oras na magkikita sila kung hindi ang paginitin ang ulo niya since the day he said he will make her life miserable. At pinanindigan nga nito iyon. Every moment with him drives her crazy!
Naramdaman na naman niya ang pagtapik nito sa braso niya. “Hey, come on.”
Huminga siya ng malalim. Hindi dapat maapektuhan ng inis niya ang trabaho niya. She was afterall a professional stylist. Ibinaba na muna niya ang gunting na hawak pa rin niya.
Walang salitang sinuutan na niya ito ng cloak upang hindi ito mahulugan ng magugupit niyang buhok nito. Pagkuwa’y lumapit na siya sa likod nito at hinawi hawi ang mahabang buhok nito. It was soft and silky just like a girl’s. Sa totoo lang ay hindi naman talaga niya ito gustong kalbuhin. His hair is beautiful and being a hair stylist as she is ay siguradong panghihinayangan niya kapag pinagupit nito iyon.
Nang marealize niya na masyado na siyang tumatagal sa paghaplos sa buhok nito ay kinuha na niya ang gunting niya at sinimulang i-trim ang buhok nito. Hindi na niya ito pinansin kahit pa nakapagtatakang bigla na itong tumahimik. Sabagay palagi talaga itong tahimik kapag ginugupitan na niya ito.
Nakalahati na niya ang pagti-trim ng buhok nito nang bigla siyang napatingin sa salamin. Tumigil ang kamay niyang may hawak na gunting sa ere nang makitang mataman ang pagkakatingin nito sa kanya. But what bothered her is the fact that he looks so serious, na para bang may malalim itong iniisip. Which is weird dahil bihira niya ito makitang seryoso. At hindi man lang ito nag-iwas ng tingin kahit nakita na niya ito.
“What?” tanong niya dahil bigla siyang nailang dito.
Matagal bago ito sumagot. “Wala naman. Sinisiguro ko lang na hindi mo iniiksian ng husto ang buhok ko.”
Nainis na naman siya. “Eh kung iksian ko na lang kaya talaga para kahit sa loob man lang ng isang buwan ay hindi kita makita rito?”
Ngumisi ito. “Huwag ganoon. I like going here as often as I could.”
Natigilan siya. Parang may ipinapahiwatig ang mga mata nito. “Bakit?” tanong niya dahil bigla siyang nabahala.
He flashed her an evil grin. “Because I love making your life miserable darling.”
Tuluyan na siyang naasar. “Tagalang kakalbuhin na kita!” asik niya at pumorma ng gugupitin ang buhok nito.
“Hey!” saway nito sa kanyang pilit na pinigilan ang kamay niya. Pero inis na talaga siya. Wala na siyang pakielam kahit masayang ang napakagandang buhok nito! Because she never met a man as mischievous and evil as Emmanuel Pelayo.