CHAPTER 1

1572 Words
“WOW, I really look different!” manghang usal ni Erica habang nakatitig sa salamin. Napangiti si Darlyn sa sinabi nito. “Thanks Erica, I’ll take that as a compliment,” flattered na sabi niya. Humarap ito sa kanya at malawak na ngumiti. “Dapat lang no! Ang galing mo talaga Darlyn. I never thought na bagay sa akin ang maiksing buhok. Kaya nga kahit tamad akong magsuklay hindi ako nagpapaiksi. Sana noon pa kita nakilala!” pagkasabi niyon ay niyakap pa siya nito. Natawa siya. Nakilala at naging kaibigan niya ito dahil madalas silang nagkikita sa mga photo shoots. Bukod kasi sa tumatao siya sa Glorieta branch ng Celebrity Trend, isang mamahaling salon, ay may kontrata din siya sa Timeless Modeling Agency bilang official hairdresser and make-up artist ng mga modelo roon. Si Erica naman ay nagtatrabaho sa agency na iyon at madalas na sinasamahan ang mga modelo sa photoshoot. “Kung noon mo pa ako nakilala sa tingin mo ba magpapaayos ka ng buhok dito sa Celebirty Trend?” pabirong tanong niya. Ngumiwi ito at bahagyang iginala ang paningin sa paligid nila. Napasunod tuloy siya. Malawak ang salon and spa na iyon. Pag-aari iyon ni mama Alicia. Ayon pa nga dito ay noong itayo nito iyon ay kasama na nito ang mommy niya. Maliit pa lang daw iyon dati. Pero ngayon ay napakalaki na niyon at may iba pang branch. Ang unang salitang maiisip ng kahit na sinong makakapasok sa lugar na iyon ay ‘sosyal’. Na siyang totoo naman. Hindi biro ang presyo ng service nila dahil hindi basta basta ang service nila. Palibhasa hindi rin basta-basta ang mga customers nila. In fact, their salon lives up to its name. Dahil puro celebrity at mayayaman ang mga customer nila. Katulad sa araw na iyon. Dahil biyernes ay mas maraming tao roon. Mga socialite na malamang na magpa-party kinagabihan kaya naroon. Kung minsan ay siya ang nanghihinayang sa perang linggo-lnggong ginagastos ng mga ito para magpaganda. Pero sino siya para magreklamo? Dahil sa mga tulad ng mga itong willing gumastos para gumanda ay may trabaho siya. Nang una siyang dalhin doon ni mama Alicia noong sampung taon siya ay na-in love siya sa ginagawa nito. She was amazed how mama Alicia can make someone so beautiful. She liked the way she moved her hands on someone’s hair, the way she holds the scissors and the smile on a customer’s face while looking at their new look. Mula noon ay sinabi niya sa sarili niya na gusto niyang maging tulad ni mama Alicia at ng mommy niya. Nang sabihin niya iyon sa una ay natuwa ito. Maganda raw iyon dahil may magmamana ng negosyo nito. And she was really flattered. Dahil tulad ng ipinangako nito sa kanya ng una siya nitong dalhin sa bahay nito, itinuring siya nitong parang tunay na anak. At ngayon nga ay doon na siya nagtatrabaho. Si mama Alicia mismo ang personal na nagtrain sa kanya. Madalas din na isinasama siya nito sa mga conventions sa Japan, Korea at maging sa Europa upang may matutunan silang bago style na pwede nilang dalhin sa Pilipinas. Sa ngayon ay ipinagkatiwala na sa kanya ni mama Alicia ang branch na iyon at dumadaan daan doon paminsan-minsan. Ito rin ang nagpakilala sa kanya kay Niccolo, ang may-ari ng Timeless Agency. At dahil sa madalas siya ang nag-aayos sa mga modelo nito ay nakilala rin siya ng ilang magazines at paminsan minsan ay kinukuha na rin siyang stylist ng mga ito. Nang muli siyang mapatingin kay Erica ay nakangiwi na ito. Parang gusto niyang matawa. “Hindi. Ang mahal kaya masyado hindi ko afford. At kahit afford ko hindi ako magsasayang ng pera no. Besides, if we’re friends, pwede mo naman akong gupitan sa bahay hindi ba at bibigyan mo pa ako ng malaking discount,” nakangising sabi nito at muling hinaplos ang maiksing-maiksing buhok nito. Nilagyan niya pa iyon ng highlights na dark brown. “Eh bakit ngayon dito ka nagpagupit?” tanong niya habang nagliligpit ng mga ginamit niya. Nang hindi ito sumagot ay tiningnan niya ito. May ngiti sa mga labi nito. Bahagya niya itong tinaasan ng kilay. “Erica?” Tumingin ito sa kanya na nagniningning ang mga mata. “Monthsary gift sa akin ito ni Alex. Siya ang magbabayad nito hindi ako. Pero sa tingin ko hindi na lang niya matiis ang kaguluhan ng buhok ko,” sabi pa nitong humagikhik pa. Napangiti siya. Ang tinutukoy nito ay ang kasintahan nitong si Alexander Uijleman, ang number one male model sa Pilipinas at sa Asya. Noon ay hindi niya naisip na magkakagusto sa isang babae si Zander. Among all the models she knew, Zander is a very weird kind. Bihira ito makipag-socialize at palaging seryoso ang mukha. Ni hindi ito nakikitang ngumiti. Not until Erica came in the picture.  “I don’t think that’s the case Erica. Kasi kahit magulo ang buhok mo palagi pa ring affectionate ang paraan ng pagtingin niya sa iyo,” komento niya. Totoo iyon. Madalas niya iyong napapansin kapag katrabaho niya si Zander at si Erica ang kasama nito. Bahagyang tumingkad ang kulay ng mukha ni Erica. Halatang biglang nahiya at napahawak sa buhok. “Darlyn, ang dami mong napapansin,” sabi nito. Napangiti siya. “Alam mo kasi, isa iyan sa nakakatuwa sa trabaho ko. Kaysa mainip ako sa paghihintay na may sumigaw ng ‘make-up!’ O kaya ay ‘Pakiayos ang buhok niya ay inoobserbahan ko na lang ang mga tao sa paligid. Madalas naman ang mga inaayusan ko ay nagkukwento tungkol sa personal nilang buhay –actually even private ones sa mga kasama nila o kaya sa telepono at siyempre naririnig ko sila. Isa iyan sa mga nakakatuwang bagay sa trabaho ko.” Tumawa ito. “Naku huwag mong sasabihin kay Coffee ang bagay na iyan kung hindi mag-aastang hairstylist din iyon para makakuha ng scoop.” Natawa rin siya ng banggitin nito ang pangalan ng reporter na palaging sumusulpot kung saan saan. Ilang beses na rin niyang nakausap si Coffee dahil mukhang matagal na nitong alam na maraming alam ang mga stylist na gaya niya tungkol sa mga celebrity na binabantayan nito. Mukhang magsasalita sanang muli si Erica nang napatingin ito sa entrance ng Celebrity Trend pagkuwa’y malawak na napangiti. “Alex!” tawag nito at kumilos. Nang sundan niya ito ng tingin ay amused na ngumiti siya. Si Zander pala ang pumasok sa salon nila. Lalo siyang naamuse nang makitang ngumiti si Zander kay Erica. “You look pretty in your new haircut,” sabi nito sa babae na kumapit na sa braso nito. “Talaga? Hindi ba siya masyadong maiksi?” tanong nito. Naging masuyo ang tingin ng modelo at hinaplos ang buhok ni Erica. “No, it’s nice. Actually it doesn’t really matter, for me no matter what your hair style is you’re still Erica.” She saw her friend flustered and smiled. Pasimple niyang iginala ang tingin. Kanina niya pa napansin na nakatutok ang mga mata ng mga babaeng customer nila sa mga ito. Pero mukhang hindi napapansin ng mga ito iyon. Muli siyang napailing. I bet they are all envious. Obvious sa tingin nila. Nakatingin pa rin siya sa mga customer nila nang may biglang magsalita. “Public display of affection? Wow, bilib na talaga ako sa iyo Uijleman. Marunog ka na pala niyang ngayon a.”  Kasabay ng pagngiti at pagsilay ng paghanga sa mukha ng mga cutomer nilang socialites ay napasimangot siya. Hindi pa man siya lumilingon ay alam na niyang masisira ang araw niya sa makikita niya. “Wow Erica ang ganda ng hairstyle mo ngayon ah, sinong may gawa niyan?” sabi pa nito. “May maganda ka naman palang alam sabihin Emmanuel  Pelayo. Si Darlyn ang may gawa nito. Ang galing niya hindi ba?” Noon siya tumingin sa lalaking bagong dating. Nakatingin na rin ito sa kanya. Bigla itong ngumisi dahilan upang lumiit ang singkit na nitong mga mata. Lumitaw rin ang pantay pantay at mapuputing mga ngipin nito. Nakita niya sa gilid ng mga mata niya ang mga tila nababatubalaning mga customer nila at ilang bading na hair stylist nila roon dahil sa pagngiti nito. He knows damn well his asset and it’s pissing her off.  “Ang galante mo sa papuri Erica. Kahit sino naman kayang gawin iyan. Huwag mong masyadong pupurihin iyang si Darlyn at baka lumaki ang ulo,” sabi nitong halatang nang-aasar. Inirapan niya ito. “Sino kaya ang malaki ang ulo sa sobrang hangin,” ganti niya rito. Pero tulad ng dati ay hindi ito apektado. Tumikhim si Erica. “Darlyn, saan nga pala magbabayad?” tanong nito. “Doon na lang kay Serene,” aniya at itinuro ang cashier nila. Nagpasalamat si Erica at hinatak na si Zander. Wala tuloy siyang choice kung hindi harapin si Eman na nakangiti pa rin. “Stop smiling you’re not in a shoot,” saway niya rito. Bumakas ang amusement sa mukha nito. “Hindi lang sa shoot pwedeng ngumiti darling,” sabi nito na pinagdiinan pa ang darling. She gritted her teeth. Kahit noon ay pang-asar nito iyon sa kanya. “My name is Darlyn not Darling so stop calling me that already.” Nagkibit balikat ito at bahagyang lumapit sa kanya. “Whatever you say.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD