“Hey, Darlyn ayusin mo na ang buhok ko,” pukaw sa kanya ni Eman na bahagya pang hinatak ang kamay niya. Tiningnan niya ito. “Oo na.” Inilabas na niya ang gamit niya at pumuwesto na sa likod nito. “Ang sabi ni Terre bad boy style daw dapat ang gawin ko sa iyo,” sabi niya habang sinusuklay ang buhok nitong kanina ay ginulo nito. “Oh? But I am a good boy. Baka hindi bumagay sa akin iyang gagawin mo,” sabi nitong tinawanan naman ni Natalie. Mukhang in good terms talaga ang mga ito. At sa hindi niya malamang dahilan ay nakaramdam siya ng inis. “Kailan ka naging good boy? Nagpapatawa ka na naman Pelayo,” hindi niya napigilang sabihin. Bahagya niya pang diniinan ang pagsusuklay sa buhok nito. “Aray ko naman Darlyn. Palagi akong mabait. Ikaw lang naman ang nagsasabing hindi,” reklamo nito. “