ALAS singko na ng hapon natapos ang shoot na iyon. Mabilis na inayos ni Darlyn ang mga gamit niya. Kailangan niya pang dumaan sa Celebrity Trend bago siya umuwi. Dahil nagmamadali siya ay ngumiti lang siya kay Erica nang magpaalam ito sa kanya. Naayos na niya ang maleta niya nang mahagip ng tingin niya si Eman. Nakabihis na ito pero ganoon pa rin ang ayos ng buhok. Katulad kanina ay kausap na naman nito si Natalie. Kahit ayaw niya ay hindi niya naiwasang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. “Wala ka namang gagawin tonight right? We can go somewhere and have some fun. You know to celebrate our friendship,” malambing na sabi ni Natalie. Napailing siya at binuhat na ang gamit niya at lumayo na sa mga ito. Knowing Eman ay tiyak na papayag ito. Basta babae hindi ito tumatanggi. He is the typ