“Huy Darlyn natutulala ka,” pukaw ni Eman sa kanya at bahagya pang pinisil ang baba niya. Napakurap siya. Nang masalubong niya ang mga mata nito ay naniningkit na iyon habang may nanunudyong ngiti na sa mga labi nito. “Ikaw ha natutulala ka sa katawan ko. Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa akin Darlyn.” Bigla na naman siyang nainis dito. Natulala lang siya sa katawan nito pagnanasa na ba agad iyon? Oo. Bulong na isang panig ng isip niya. Lalo lang siyang nainis. “Huwag ka ngang masyadong ambisyoso Pelayo. Nagulat lang ako na ganyan ang itsura mo. Hindi ba nagpapaka-nice guy ka ng image? Ano’t ganyan ang itsura mo ngayon?” tanong niya. Nagkibit balikat ito at bahagyang hinawi ang buhok. “Ito ang motif nila kaya wala akong magagawa. Besides, masayang manggulat ng mga tao paminsan min