CHAPTER 13

1336 Words

MAAGA ang photoshoot kinabukasan. Nais kasi ng photographer ng Young and Free na maabutan ang sunrise para sa aestethic daw ng mga larawang kukunan niya. Kaya naman alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na sila ni Terre at maging ang mga crew at staff ng magazine. Iniwan pa nilang tulog si Erica sa kuwarto nila. Sa pagkakalam ni Darlyn ay umaga ang balik nito at ng mga alaga ng tita nito sa Maynila. Ang mga kukunan sa paglabas ng araw ay nasa restaurant na ng resort at kasalukuyang nagalamusal. Habang si Darlyn ay ni hindi pa nagkakape. Si Terre ay nakainom na ng isang baso. Inaayos na niya ang mga gagamitin niya nang may isang styro cup na may umuusok na kape ang humarang sa vision niya. Awtomatiko siyang napatuwid ng tayo. Nakita niya si Eman na tulad ng dati ay hindi na naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD